Reynz' Point of View
Umaga ngayon at nandito ako sa tapat ng bahay ng babaeng nililigawan ko.
Hinihintay ko siya sa tapat ng gate nila ng may nakita akong babaeng nakadirestyo lang ang mukha o poker face. Hanep! Dang-ganda siguro nito pag-nakangiti.
Wala lang napatingin lang ako sa gawi dahil nangilabot ako bigla kasi lumamig yun pala yung aura niya lang yun, tangna! Baka kalahi yun ni Sadako?
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang mawala siya sa paningin ko. Hmm. Nakaka-interes siya. Ano kaya kwento 'nun sa buhay?
Bakit ang lamig-lamig niya? Lol. Ibig kong sabihin bakit ang cold niya? Ayy gags. Parehas lang pala yun! Hahahaha! Laptrep sarili ko! Taena nababaliw na naman ako, Tsk tsk. Baka makita ako ni Julia at ma-turn off sakin, mahirap na.
Ngumiti nalang ako habang hinihintay ko siya. Ang tagal naman ni Julia. Napanguso ako ng wala sa oras. Kanina pa kaya ako dito. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong dalawang oras na pala akong naghihintay. Sheet! Hoo!! Ang tsyaga mo talaga Reynz! Bilib na bilib ako sayo!
Actually, Dalawang taon ko na siyang nililigawan at sa tingin ko namang may pag-asa maging kami dahil pinaparamdam niya rin sakin 'yun. Lol. Hindi ako assuming wag kayong ano.
Walang I love you pero merong I miss you at I care for you.
'Ganun ang kwento ng buhay pag-ibig ko- Yuck! Ang lalim, parang makalumang tao ako! Ulitin ko nga. Ehem ehem.
'Ganun ang kwento ng love life ko. Hindi ko nga alam kung ano kami, Hindi kami at Hindi rin kami Malalanding Unggoy o MU na pinauso ng mga highschool lol. Hindi pala ako unggoy dahil isa akong hulog ng langit at si Julia naman na bigay ng langit.
Sheet! Kinikilig ako sa na-iimagine ko! Pfftt. Eto kasi 'yun
[Imagination]
Pagkatapos ng surprise ko sakanya hinawakan ko siya sa kamay at tinignan ang napakaganda niyang mukha.
This is it pansit! Kayanin mo yan pre! Hoo.
Huminga muna ako ng malalim- inhale exhale at ngumiti ako sakanya.
"Julia... It's been 2 years simula ng inumpisahan kitang ligawan. But ngayon lang ako nagkalakas ng loob para itanong sayo ang isang bagay na hinihintay ko. Hindi sa minamadali kita, sadyang gusto ko lang na ipag-sigawan ang pagmamahal ko sayo. At alam mo na para wala ng mang-aagaw sayo saakin dahil alam mo naman na hulog ako ng langit at ikaw naman ay bigay sakin ng langit... kaya..Julia, Will you be my girlfriend?"
Nakangiti lang ako sakanya ng malawak habang sobrang gwapo parin na kinakabahan. Pero nagulat ako ng umiyak siya at hinalikan ako sa labi.
Nakangiti siya at hinawakan ng malalambot niyang kamay ang pisnge ko.
"Yes! I can be your girlfriend Reynz. You know naman na hindi kita matitiis right? You're so handsome and so humble kasi. Nasayo na ang lahat ng hinahanap ng isang babae. Actually, nagpapakipot lang ako ih. Hahaha. I love you Honey."
And that we shared a ki---
[Back to Reality]
Napatigil ako sa pagi-imagine dahil sa may kumalabit sa gwapong ako. Tsk! Panira amputs. Mahahalikan ko na sana ulit si Julia eh! Badtrip!
"Iho?" Napatingin ako sa matandang maid nila na ang pangalan ay Manang Bee.
"Oyy! Manang bee! Kamusta na po kayo? Asan po pala si----" Naputol ang sasabihin ko ng nagsalita si Manang bee. Takte hindi pa ako tapos magsalita eh.
BINABASA MO ANG
If I Were....
RomanceA boy- Ia-appreciate ko lahat ng efforts niya at magiging faithful ako sakanya, papasayahin ko siya at hinding-hindi ko siya sasaktan. Dahil alam ko ang pakiramdam na lokohin at paglaruan lang ang damdamin mo dahil babae ka at mahina ka, yan ang tin...