Written by jonaxx
Isa siya sa mga author na halos walang author's note. Hindi niya kailangang manghingi o magrequest ng vote o comment kasi lahat ng stories niya (lahat talaga binasa ko at binabasa ko) ay magaganda. Parang pocketbook style ang kanyang paraan ng pagsusulat.
Spellings, grammar and paragraph formation ay sobrang maayos.
Siya lang ang author (ng mga nabasa kong stories) ang mapagdudugtong dugtong lahat ng pangyayari from one story to another. Ang galing!
Filipino ang main language niya. May english conversation, if needed, at maayos ang pagkakadeliver. POV ng babaeng main character ang style niya and sobrang worth it ng POV ng lalaki!
Kung naghahanap ka ng magandang stories to read, lahat ng sinulat niya ay maaari mong basahin. Connected and related iyong mga characters niya ng hindi nasasapawan ang main characters.
Kung hindi mo pa nababasa, simulan mo na!
Though may mga Rated SPG na chapters, maayos at professional naman. At mabilis din siyang magupdate.
First installment ng Alegria boys.
Though late ko ito binasa kasi hinintay ko pang matapos hanggang book 3. Yup, kaya nga TRILOGY. Isa ito sa mga napanindigan ang ganda ng story hanggang book 3. Kadalasan, pag umabot ng book 3, nawawala na iyong flow ng story, para lang mapahaba iyong kwento, kung ano- ano na lang ang ikot ng kwento dahil madaming nagbabasa. Parang sa teleserye, pinapahaba dahil madaming nanonood. Pero ito, hindi mo mapigilan magbasa hanggang sa pinakahuli.
Mamahalin mo din ang sparkling abs ni Jacob Buenaventura!
"Oo. At nauna lang siyang umahon. Kasi noong nadapa ako, gumapang lang ako para magpatuloy sa buhay. Kaya mas dumami ang sugat ko. Hindi tulad niyang tumigil ang mundo. Kaya ngayon, ngayong nakabangon na siya. Isa lang ang sugat niya. At mabilis iyong naghilom."
BINABASA MO ANG
Wattpad Stories
RandomCompilation of stories with descriptions, comments, reviews, critics, and opinions to stories I read. This is my personal say (in all honesty). Feel free to comment and recommend good stories to read. ^_^ Completed lang po ang nandito. Hindi po laha...