Introduction

178 2 0
                                    

Mahilig akong magbasa. Hindi ako nagvovote at nagcocomment pero nakakaappreciate ako ng magagandang stories. Kinukwento ko o nirerecommend ko kapag nagustuhan ko.

Kapag hindi ko nagustuhan iyong narration at grammar, hindi ko tinutuloy basahin o minamadali ko para mabasa ko na ang ending. Madami akong naipon sa library ko kasi nawalan ako ng ganang basahin. Mayroon iyong umpisa pa lang, masakit na sa mata at ulo ang pagkakasulat.

Mayroon mga stories na tinatawag kong "pabebe" - iyong paraan ng pagkakasulat, mga lines at conversations at iyong mga cliché plot. Iyong characters sa kwento na kinakausap ang sarili o ang mga readers. May mga stories na nagiging trying hard ang dating dahil sa pilit na english. Iyong nerd, hindi maganda, hindi fashionista - mga cliché description sa babaeng bida.

Kapag madami ang views, chinecheck ko ang story. Pero hindi lahat ay magaganda. Mayroon naman magaganda at iyon ang mga nasa first part nito, highly recommended basahin.

May mga authors na lahat ng stories nagustuhan ko. Hindi madali ang magsulat. Naranasan ko na din kasi mahilig din ako magsulat.

Oo, may choice ang readers kung babasahin nila o hindi at hindi maaaring magdemand kasi libre na nababasa ang mga stories dito. Pero sana, wag ipilit ang vote at comment kasi kung maganda ang story mo, hindi ka mamamalimos.

Minsan, kapag nabasa ko na iyong story dito sa wattpad, nagtataka ako bakit sikat na sikat at madaming reads ang story, kung pagkakasulat ang basehan, madami pang mas magaganda.

Nakakapagtaka din paano nagiging publish books, mini series at movies ang mga stories na paulit-ulit, paikot-ikot at cliché. Marahil sa dami ng reads, comments at views. Kaya madami ang namamalimos (oo, iyan talaga ang term na gamit ko) ng votes at comments.

Kung may maganda pang stories na completed at available dito sa wattpad na irerecommend niyo sa akin, pwede niyong icomment o imessage sa akin. Naghahanap din ako ng magandang mababasa.

Thank you.

Maaari niyo ring icomment sa mga stories na nasa list ko iyong opinions, suggestions, reviews, critics o favorite scenes niyo. Iyong parts na nagpatawa at nagpaiyak sa inyo.

Mayroong mga nabasa ko noon na maaaring hindi nakalagay dito dahil hindi ko na maalala.

Iyong mga ibang stories na wala dito ay hindi na available na basahin ng buo sa wattpad.

Looking for new stories to read. Got any recommendation? You can comment it here. I would gladly appreciate it. Thank you.

Wattpad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon