Just The Benefits

84 1 0
                                    

Written by beeyotch

Medyo SPG ibang chapters pero hindi naman ganoon katindi. Hindi nagfocus sa nawala ang virginity ng babae at dapat sya ang makatuluyan. Marami kasing stories na kung sino ang first kiss at nakauna, siya na ang dapat makatuluyan. Nasa mindset ng tao (ng mga mangbabasa o manonood). Oo, madami ang ganyan. Pero hindi mo na maiaalis sa realidad at sa panahon ngayon na iba na, ang mahalaga nagmamahalan kayo, tapat at may tiwala sa isa't-isa.

Sa title, akala mo typical lang na story, parang friends with benefits o ex with benefits. Pero hindi. Madaming nangyari at maganda ang plot at twists. Maganda iyong naging ikot ng kwento.

Though medyo nahulaan ko, nagustuhan ko. Maiiyak, maaawa, masasaktan at magiging masaya ka habang binabasa mo ito.

Ung ship na gusto ko ang nagsail. Haha. Alam ko naman sa umpisa na sila talaga. Ramdam ko. The ending was great. Nakakalungkot at nakakaiyak, but the main characters deserve such ending.

Kapag nasimulan mo ng basahin, mahihirapan ka ng tigilan hanggang hindi mo natatapos.

It was great. Mas malapit sa katotohan, mas makakarelate ka. Hindi perfect ang mga characters, kadalasan aabot ka sa point na maiinis at magagalit ka sa kanila.

Kasi sa totoong buhay, hindi lahat ng tao may happy ending. Hindi lahat ng nasa storya magiging masaya. Life is unfair, because of the bad choices and decisions we make.  We have to deal with the consequences. But in the end, we will have the ending we truly deserve.

Wattpad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon