Gffh. Written by yam-yam28.
This is my ultimate favorite story. Highly recommended. Grammar and spelling are good. Well written.
Though the title and the start of the story were a little cliché, the flow and the delivery of the story were great.
Isa sa mga ayaw ko ay iyong nagpapakilala sa umpisa ang main protagonist, pero ito ang exemption. Maganda at nakakatawa ang introduction.
I love the humor. Hindi siya corny for me kahit OA kasi medyo hindi makatotohanan. Haha. Rated PG din kasi medyo madaming bad words. ^_^
I love Bryle and Nami! Lolo Bernard's character added spice to the story. The author loves anime, so kung anime fanatic ka din tulad ko, bagay sayo to. Gusto ko din iyong reverse harlem. Kasi most of the stories, lalaki lagi pinagaagawan. And hindi ginagawang masama ang karibal, unlike most of what I've read. Hindi rin perfect ang description dito kay Bryle, bad boy in a funny way at bobo pa nga eh. Haha. Though mayaman at gwapo, hindi mo mababasa sa story na maiinlove ka sa kanya dahil sa looks (usual description sa mga bida na lalaki ay 6-pack abs, beautiful eyes, sexy body, kissable lips). Hindi rin perfect beauty and body si Nami. Mamahalin mo sila dahil sa personality, character at attitude nila. Actually, lahat ng characters dito mamahalin mo. Walang antagonist na hate mo hanggang huli. Hindi mahilig gumawa si author ng ganoon. Iyong nagiging masama na iyong tao.
Lahat ng stories ng author nito nabasa ko na. Hindi siya demanding ng votes and like. Bihira nga siya mag author's note. Though galit siya sa mga demanding na readers, silent reader naman ako eh. Haha.
Matagal ng completed to. Publish na din (pero mababasa mo pa din kasi pinaglaban talaga niyang hindi maalis sa wattpad) at may movie na din. Though trailer pa lang as of now.
(Update: 2016 movie ang Girlfriend for Hire, starring Yassi Pressman and Andre Paras. Honestly, hindi ko nagustuhan iyong movie. Hindi nila nabigyan ng justice iyong characters ni Bryle at Nami.)Kung gusto mo maiyak sa kakatawa at sa sakit sa puso (kasi ako mahal na mahal ko si Bryle), you must read this. Ito na ata naging standard ko sa ng magandang story na babasahin ko hanggang ending. Oo, may mga story na binabasa ko, pero I got bored, hindi ko na tinatapos. May mga matagal na nga sa library ko. Pero ito lang ang binasa ko ulit, nang hindi nagsasawa.
Kahit madami na akong nabasa, si Bryle pa rin ang pinakamamahal ko na bidang lalaki. Iyong relationship nila ni Nami ay sakto at makatotohan (para sa akin). Nagaasaran, hindi ganoong sweet sa salita, hindi routine ang pagsasabi ng "Mahal Kita", possessive in a funny way. Ganoon kasi ako kaya nagustuhan ko ito.
Ang dami kong itinawa at iniluha sa story na ito.
Madami akong favorite part pero isa sa pinakatumatak sa akin at balde ang inuluha ko ay iyong adobo sa basketball court. Kahit ilang ulit kong basahin, pareho pa rin ang feels, tagos sa puso. Saka iyong pagluhod at pagmamakaawa ni Bryle, sobrang ramdam ko at iyong si Nami sa swimming pool.
Kapag naririnig ko iyong When I Was Your Man, si Bryle ang naaalala ko. Naiiyak ako sa kanta. Ewan. Ganyan siguro kapag tumatak talaga sa iyo ang isang story.
May book 2 na din ito.
Officially His Girlfriend.May dagdag lang na characters and mas may drama.
Mas lalo kong minahal si Bryle at si Nami dito.
You can also read iyong mga side stories nito. Mamahalin niyo din lahat ng nandoon. Just visit na lang iyong account ng author. Nandoon lahat. :)
Madami ka pa rin na itatawa at iluluha sa mga side stories ng GFFH at OHG.Gumagawa pa siya ng bonus chapters nito. At naiyak pa din ako kahit bonus chapter lang.
May ongoing sya- What Love Is. Super ganda din nito. Matagal nga lang ang update, so tiyaga lang sa paghihintay. Pero sobrang worth it ang bawat update. Bawat chapter, ramdam mo. Maiiyak at matatawa ka din.
BINABASA MO ANG
Wattpad Stories
DiversosCompilation of stories with descriptions, comments, reviews, critics, and opinions to stories I read. This is my personal say (in all honesty). Feel free to comment and recommend good stories to read. ^_^ Completed lang po ang nandito. Hindi po laha...