"Katangahan O Sadyang Umiibig Lamang?"

665 13 5
                                    

“KATANGAHAN O SADYANG UMIIBIG LAMANG?”

Written by: lady_love04

(Jaime, Diana M.)

Mula nang ako’y iniwan mo,

ang puso ko’y, animo’y naging bato,.

Pag-ibig ko sa iyo, sa iba’y hindi maibaling,

Kaya’t naman ang malimutan kana’y, ang aking tanging hinihiling,.

Habang ika’y maligaya na sa piling ng iba, ,

ako nama’y nananatili paring nag durusa at nag-iisa,.

Mga luha’t pighati’y, akin paring pilit na ikinukubli,

ngunit tila kahit anong gawin, puso kong ito sa iyo pari’y naka tali,.

Bakit nga ba ang kalimutan ka’y diko magawa,

kahit na alam kong, ako rin naman ang nagiging kawawa?,.

Bakit nga ba hanggang ngayon, ika’y mahal ko parin,

nananatili’t umaasang mga ipinangako mo’y iyong tutuparin?,.

Puso’t isipa’y sadyang tanga lamang ba,                                         

at pilit na umaasang sa akin, ika’y babalik pa?,.

O ang isang taong umiibig ay sadyang ganyan lamang talaga,

minamahal mo parin siya, kahit na alam mong sa kanya’y wala ka nang halaga?,.

**********

“Kapag todo kung nagmahal ka nga naman,.

magagawa mo kahit pa ang magbulag-bulagan sa isang malaking katangahan,..

-lady_love04”

***

Dedication message:

dedicated to xau lady_phoenix16!,.^,^ kahit na diko alam kung mahilig ka xa mga ganito,.hehe^,^

"My Tagalog Stuff"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon