"Tama Nga Ba Ang Narinig Ko?"

267 7 0
                                    

“Tama Nga Ba Ang Narinig Ko?”

Written by: lady_love04

(Jaime, Diana M.)

Hindi ko namalayan, na ikaw pala’y  may sinabi,

at ako’y tila ba isang tanga na nakatitig lamang sa iyong mga labi,.

Ang iyong sinabi  ay iyong muling inulit,

ngunit tila hindi ko parin ito maintindihan kahit anong pilit,.

Ikaw ay napatawang muli,

nang ako’y napa-kunot noo lamang at iyong nahuli,.

Kayat naman ako’y mabilis na napaiwas ng tingin,

ngunit biglang muling napalingon, nang ikay may itinanong sa akin,.

“-May gagawin kaba mamaya?” ang aking narinig,

at ang puso’y kaagad na bumilis nang pintig,.

“Huh?-“ ang tanging namutawi sa aking bibig,

datapwat sa kaloob-looba’y damang-dama ko ang kilig,

“May gagawin kaba mamaya?” ang muli mong tanong,

“Ah- wala naman -bakit?,.” kaagad kong naisagot na tila pabulong,.

“Yayayain sana kitang lumabas,.-“ diretsong sabi mo,

ako’y napaawang, at hindi makapanilwala -ngunit tama nga ba ang narinig ko?!,.

**********

“ Ayieeh,. eheh^,^ sino ba naman ang hindi kikiligin,

kapag tila nagpakita ng interes sayo ang taong pinili mo nang mahalin..^,^

-lady_love04”

"My Tagalog Stuff"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon