"Nakaw Na Tingin"

402 10 1
                                    

“Nakaw Na Tingin”

Written by: lady_love04

(Jaime, Diana M.)

Mula nang ika’y aking unang nakita,

ramdam kong, hinangaan na agad kita,.

At ang iyong mga ngiti na kay tamis,

sa aking isipa’y hindi ko maalis,.

Sa tuwing ika’y malapit lamang sa aking tabi,

walang mailabas na mga salita mula sa aking mga labi,.

Ang nadarama’y, aking hindi maintindihan,

at ako’y bigla-bigla nalang natigilan,.

Pintig ng aking puso’y ubod ng bilis,

at ang sulyapan kay hindi ko matiis,.

Ngunit nang ako’y nahuli mong, sa iyo’y nakatingin,

ako’y para bang, naihipan ng isang malamig na hangin,.

Ang aking mga pisngi’y kaagad na namula,

at tila bang ako’y bigla nalang natulala,.

Subalit ang aking ipinagtaka,

ay kung bakit ika’y bigla nalang natawa?!,.

**********

“Bakit nga ba sa tuwing nandyan ang taong ating hinahangaan,

sigaw ng ating  damdami’y tila hindi natin maunawaan?,.^,^

-lady_love04”

"My Tagalog Stuff"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon