"Tunay Na Pagmamahal"

439 6 0
                                    

Tunay Na Pagmamahal”

Written by: lady_love04

(Jaime, Diana M.)

Sa pagsikat nang isang panibagong araw,

masayang bukas ang ngayo’y aking natatanaw,.

At ngayo’y kasiglahan na lamang ang tanging nakikita,

sa  aking dati’y namumugtong  mga mata,.

At sa tuluyang pagtanggap ko, sa aking masakit na karanasan,

ako’y nagkaroon, nang isang tunay na mapayapang kalooban,.

Sapagkat sa kabila ng lahat, natuto akong magpatawad,

at ngayo’y kasiyahan na lamang ang tanging hinahangad,.

Dahil ngayo’y akin nang napagtanto,

na mas marami pang mahahalagang bagay sa mundong ito,.

Mga bagay, na dati’y hindi ko napagtuunan ng pansin,

dahil ikaw lamang, ang lagi kong ninais na makita sa aking paningin,.

At kahit na sa pag-ibig, ako’y nasaktan man at nabigo,

 hindi magsasawa’t mapapagod, na magmahal itong aking puso,.

Magmahal sa mga taong, mahahalaga sa akin,

na kahit na sa kasiyahan o kalungkutan man, ay laging nasa tabi ko parin,.

Mga mapagmahal na pamilya at tapat na kaibigan,

na parating nandiyan at kailan ma’y hinding-hindi ako iniwan,.

At sa piling nila’y aking nakita ang tanging hinahanap ko, -nang kay tagal,

-ang “tunay na pagmamahal”,.

**********

“Wala na ngang mas hihigit pa sa pag-mamahal ng isang pamilya at mga tapat na kaibigan,-

lalo na’t kung ang pagmamahal nila’y kay wagas , na kailan ma’y hindi matatawaran ng nino man,.***

emotera lng po,.eheh^,^

-lady_love04”

"My Tagalog Stuff"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon