Ang Tigre ng Tibagan

201 9 0
                                    



Nakaupo mag-isa sa luma't madilim na silid, nakatulala sa bintana, hinihithit ang paboritong malboro at lumalaklak ng gin, ilang oras na ba akong ganito? Ilang linggo na ba itong hinebra sa aking kamay?

Amoy.

Amoy alak pa rin naman.

Pinagmamasdan ang gabi sa mga lente ng bintanang biyak ang mga jalousie. Kitang-kita ang lahat mula sa ikatlong palapag ng hinayupak na apartment na ito. Mga lalaking nag-iinuman at nag-mumurahan, ang landlady kong kay gabi kung makipag-tsimisan gamit ang mga tinig niyang dinaraig pa ang kinakatay na biik, at isang payat na binatilyong naka-akbay sa kasintahan niyang ilang araw nang pinag-nanasaan ng mga naka-tambay sa labas.

Hithit. Buga.

Inom ng gin.

Pumikit at tumingala.

Sariwain ang init sa baga.

Ngayong gabing malamig, ito lamang ang pampa-init.

Hindi naman ako nahilig sa babae. Sabay ngiti. Wala naman akong pang-gastos sa kanila.

"Tok! Tok! Tok!"

Lumingon sa may pinto. Tinignan ang orasang naka-sabit sa maruming pader. Alas-onse. Sinong sira-ulong dadalaw ng ganitong oras. Wala naman akong mga kaibigan.

"Tatlong linggo nang walang lock yan!" sigaw ko sa umaabala sa akin. Sabay balik ang tingin sa bintana. Marahang bumukas ang pinto sa aking likuran.

"Kung nanakawan mo ako, malaya ka. May tatlong piraso pa ng embotido sa ref at isang bote ng San Mig, na hindi ko iniinom kasi lasang zonrox."

"Wala akong hilig sa embotido at kaka-inom ko lang kahapon." wika ng lalaking walang hiyang nang-aabala, na garalgal ang boses at parang wala sa huwisyo.

Nakatitig pa rin ako sa bintana. Ayoko siyang tignan at baka masapak ko pa siya.

"May mga kendi pang nakakalat riyan sa lamesa, yan na lamang kunin mo. Base sa boses mo di mo rin naman mabubuhat yang ref."

"Hindi kita nanakawan, Max," pucha kilala niya ako, "May nag-papabigay lang ng sulat sa iyo."

Nilingon ko siya. Ang payat niya sobra, halatang panatiko ng shabu.

Tumayo ako at nilapitan siya.

"Ang tangkad mo pala, Max!"

Kinuha ko ang sulat mula sa kaniyang kamay.

"Eight footer ka ba, Max?"

Kilala ko ang pirmang naka-guhit sa labas ng sobre.

"Maliit ka lang, gago." sagot ko.

Kilalang-kilala ko ang pirma.

Iniwan ako ng payat na lalaki. Muling nag-iisa sa silid, muli akong umupo sa harapan ng bintanang sira. Marahan na binuksan ang sobreng nanliliit sa malalaki kong kamay. Kinuha ang sigarilyo at humithit, sabay binasa ang mensahe:

"Magandang gabi, Max

                        Putang ina mo! Kung akala mo patay na ako, diyan ka nag-kakamali. Limang taon kitang hinanap! Tapos biruin mo, kapitbahay lang pala kita? Oo, nandito kami ngayon sa Sta. Ines. Kasama ko lahat ng mga kaibigan mo. Kung inaakala mong matatakbuhan mo kami ganon-ganoon na lamang, nag-kakamali ka. Dalawin mo naman kami minsan, Max? Miss na miss ka na namin, lalong-lalo na ni Frank. Oo, hawak namin si Frank, tarantado ka. Kung gusto mo pa siyang makitang buhay, pumunta ka ngayon sa warehouse sa may Tibagan. Hihintayin ka namin.Tayo-tayo lang mag-lalaro roon.

Pigilan si MaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon