Chapter 1

30 3 1
                                    

"NAKITA mo na ba kung gaano ka gwapo yung 2nd year student na si Abraham Walton sa Architecture building? He is so hot like a demi God!" Napatingin si Abie sa kaklaseng si Apple na impit na napatili.

"Saan mo nakuha yan?" Tukoy niya sa picture ni Abraham "Rahm" Walton na nakadisplay sa sceen ng hawak nitong cellphone. Isa iyong stolen shot ni Rahm habang naglalaro ng basketball. Nakataas sa balikat nito ang sleeves ng suot nitong PE uniform kaya kitang kita ang firmed triceps nito.

"Sa Gym during PE class nila. Nag sneak kami ni Tricia."

"Nag-sneak kayo!?" Gulat niyang tanong.

"Ms. Abigail Gonzales!"

"Ma'am!?" Napatingin siya sa kanilang Marketing professor na si Mrs. Aragon. Mula sa suot na rimmed eyeglasses ay kitang kita niya ang masamang tingin nito. Ikiniling pa nito ang ulo na nagsasabing 'tatayo ka o tatayo ka?' Kaya napapakamot sa ulong tumayo na siya.

Arg. Nananahimik akong nakikinig kanina eh. Dahil sa nakita kong muscles este picture sa cellphone ni Apple na- destruct na ako.

"What strategy will you use with this situation?" Mrs. Aragon asked.

"Ah... Ma'am." Wala siyang maisip maisagot. Destructed na talaga sya.

Shems...

Napansin niyang pinagtatawanan na siya ng mga kaklase niya. Napatingin pa siya sa harapan at nakitang nakatingin din si Joanne Ramirez sa kanya. Gusto na talaga niyang sabunutan ang sarili. Shems... Nakakahiya talaga.

She swalled to at least have the courage to speak, "I'm sorry ma'am. I don't know the answer."

"You don't know the answer?" She nodded. "You don't know the answer but you have the time to chat with your seatmate." She didn't answer instead she just looked down and let her hair hide her face. "Go at the back and stay there until the end of class."

-------

"SORRY, friend. Napagalitan ka dahil sa akin." Apple said and sat beside me. They were now at the food court of their university.

She didn't answer. Wala naman na siyang magagawa. Kahit pa magalit siya dito wala ng mangyayari. Sayang lang ang energy niya. Isa pa may fault din naman siya, nagpadestruct sya sa picture ni Rahm Walton. Partida! Picture pa lang yon! Ano pa kaya pagtotoong siya na?

Same year niya lang si Rahm Walton at same age rin niya na 17 years old. Iyon nga lang ay isa itong Architecture student habang sya ay Marketing student.

Isa talaga itong sikat na estudyante ng unibersidad mula pa lang 1st year. Mabait din kasi ito, friendly at gwapo. Isa itong typical na tall, dark, and handsome guy na lilingunin ng mga babae.

Binalikan na niya ang pagkain habang si Apple at Tricia ay nag-uusap na naman tungkol sa mga hot boys ng university.

"Ang daming gwapo sa university natin noh. Sa magkapatid na Walton pa lang pak na pak na!" Energetic na salaysay ni Tricia.

"Very right ka talaga dyan friend. Trip na trip ko nga rin yung korean student sa Engineering Department. Napakatahimik at napaka misteryoso ng dating. And girl, super sa tangkad ah. Ang nga mata naniningkit sa pagka-cute."

Tumango si Tricia sa sinabi ni Apple. "Pero meron pa akong isang kinahuhumalingan eh. Yung isang 3rd year Criminology student. Manly na manly ang dating. At ang katawan hmmm... Yummy!"

Nagtawanan ang mga ito. "Hay naku friend pag naging pulis na sya willing talaga akong magpahuli sa kanya."

Hay... Kung alam lang nila. Muling susubo na si Abie ng mapatingin siya sa grupo ng mga kalalakihan na papalapit sa bahagi ng food court kung nasaan sila. Napahinto siya sa gitna ng ere at napatulala sa grupo ng mga kalalakihan, partikular sa iisang lalaki. Si Rahm Walton.

Love Me Or Hate Me (Chronicles Of Mr. Rude)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon