Chapter 6

7 1 0
                                    

"Uh!" Napaiktad si Joanne sa malakas na pagkalabog ng pinto ng laboratory kung saan ibinalik niya ang ilang mga gamit doon bago magtungo sa meeting ng student council. Nang lingunin niya ang pinto ay naroon na si Eio at maingat na isinara ang pinto.

"Damn. Eio, papatayin mo ba ako sa takot?"

Nawala ang pagkakaseryoso ng mukha nito at napalabi. "Of course not. Bakit ko papatayin ang babaeng mahal ko? Isa pa." Lumapit ito sa kanya. "I miss you. It's been a long time since we have a talk... Alone. Didn't you miss me?

Oh my gee... Ene be Eio? Sa ginagawa mong yang pinapatay mo na rin ako sa kilig.

"I'm sorry. Wala lang chance na makapagsolo tayo..."

"I know. Kaya nga gumawa na ako ng paraan." Ngumiti ito ng pilyo bago muling humakbang papalapit sa kanya.

"Anong balak mong gawin, ha? Angelo Walton?"

"Nothing. Hindi ko ba pwedeng i-hug ang girlfriend ko? Isa pa ako ang may pinakamataas na score sa batch namin nitong midterm exam. As I promise na hindi ako magpapabaya sa grades ko kahit maging tayo."

Natuwa naman siya sa sinabi nito. Hindi biro ang magtago ng relasyon lalo na kung ang mga nakapaligid sa kanila ay mga kaibigan din nila. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa mga kaibigan. Gusto lang din niyang mag ingat dahil natatakot siya sa kanyang mga magulang.

"Okay." Sang-ayon na niya sa gusto nito. Kinakabahan man siya at labis na nag-aalala na baka may ibang makakita ay agad iyong nawala ng makita ang labis na kasiyahan sa mukha nito.

Marahan itong lumapit sa kanya at maingat na yumakap. "Thank you... I love you..."

"I love you too..." Ang sarap sa pakiramdam. Kung pwede lang tumigil ang oras ngayon ay ginawa na niya. Kakaibang init at saya ang bumabalot sa kanya. Kasabay niyon ay ang hindi niya maintindihan na pagsakit ng tiyan.

Hindi pa sila nagtatagal sa ganoong iksena ay may nagtangka ng magbukas ng pinto ng laboratory. Agad silang naghiwalay.

Tumawa ito. "Time is up. Ang bilis masyado. But its okay." Napapakamot ito sa batok. Nagtataka naman siya sa inaakto nito ng bila siyang halikan nito sa pisngi. "I'm going!" Tumakbo na ito palabas sa backdoor.

Tulala pa rin siya hanggang sa mabuksan na ng ibang istudyate ang front door ng lab.

Habang naglalakad sa hallway papunta sa venue ng meeting ng student council ay tulala pa rin si Joanne. She can't imagine someone like him will fall for her. How lucky she is.

Ninanamnam pa niya ang kilig at ang halik ni Eio sa pisngi ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Nang lingunin iyon ay wala naman siyang makita kung hindi mga grupo ng ilang istudyanteng nagkukwentuhan sa hallway.

What was that? Guniguni lang ba niya iyon. Nagsimula na ulit siyang maglakad ng mabunggo naman siya sa isang matigas na bagay. Pero in fairness, ang matigas na bagay na iyon ay mabango. Nang mapatingala siya ay agad siyang sinalubong ng mukha ni Edwin. Nanlalaki ang mata at tila napapaso siyang lumayo dito.

Oh my... Nafeel niya ang muscle ng katawan nito. Binatukan niya ang sarili sa naisip.

"Sorry..."

"I should know. You're always like that. You do it on a purpose." Mayabang na sabi nito.

Napabuga siya ng hangin. "Ang kapal ha! For what I know, ikaw itong bigla-bigla na lang sumusulpot kung nasaan ako. Like now, why you're here? Hindi naman dito ang building mo ah!"

Huh! Ano sya ngayon? Akala nya ah! Totoo naman. Lagi ko na lang syang nakikita kung saan-saan sa campus. And may times din na nahuhuli ko syang nakatingin sa akin pero parang wala lang siya kung umiwas ng tingin. But still, he's something. He act like he has a secret crush on me---

Love Me Or Hate Me (Chronicles Of Mr. Rude)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon