Chapter 2

14 1 0
                                    

Pinakinggan ng mabuti ni Joanne ang malamyos na pagtugtog ni Eio ng piano. Nang marinig ang key note ay sinimulan na niyang kantahin ang Flashlight ni Jessie J. Oo, Flashlight talaga! Keri naman eh. Magaling kaya siya.

"When tomorrow comes
I'll be on my own
Feeling frightened of
The things that I don't know
When tomorrow comes
Tomorrow comes
Tomorrow comes"

Smooth na pagpasok niya. Syempre talented siya. Maganda pa!

While the music runs through her blood she compulsory sing the next stanza but this time with Franz' drums, Rahm's base and her little brother, Eco's guitar.

"And though the road is long
I look up to the sky
And In the dark I found, I stop and I won't fly
And I sing along, I sing along, then I sing along"

Nang matapos ang magandang pagkanta niya ng chorus ay nilingon niya ang katabing si Abie na naghihintay sa pagpasok nito sa kanta.

Ngumiti siya at tinanguan ito na nagsasabing, "Go girl! Kaya mo yan!" Na ginantihan nito ng ngiti. Then she close her eyes to feel the song.

"I see the shadows long beneath the mountain top
I'm not the afraid when the rain won't stop
Cause you light the way
You light the way, you light the way."

Tama lang ang pagkanta nito at hindi pilit. Tama talaga siya ng decision niya na isali ito sa grupo.

"I got all I need when I got you and I
I look around me, and see sweet life
I'm stuck in the dark but you're my flashlight
You're gettin' me, gettin' me through the night."

Sinabayan na niya ito sa pagkanta at naging maganda ang blend ng boses nila. Walang nangingibabaw at hindi nagpapagalingan.

Ngayon ay hindi na himig sa boses nito ang kaba. Ilang linggo na rin ang nakalipas nang ideklara niya ang pagiging bagong miyembro nito ng banda nila. Actually, libangan lang nila ang pagtugtog nang makita ng nakababata niyang kapatid na si Jericho o Eco ang isang poster ukol sa battle of the band ng subdivision. Isa iyong magandang pagkakataon para makilala sa larangan ng musika.

Alam ni Joanne na malaki ang maitutulong ni Abie sa grupo kapag isinali niya ito. Nakikita niyang may talent ito at kinakailangan lang na may mag-push dito. Hindi kasi gaya niya na aware sa talent na meron siya at kahit pa may pagkakalog siya hindi niya kayang humarap sa crowd. Habang si Abie ay nagagawan pa rin niya ng paraan na magmukhang kalmado kahit nasa harap ng maraming tao. Ginagawa din nito ang nais nito ng hindi iniisip ang iisipin ng iba.

Bukod doon ay hindi din kasi alam nito na popular ito hindi lang sa university kung maging sa lugar nila. Wala pa itong ginagawa ay nakukuha na agad nito ang atensyon ng ibang tao. Kapag kasama naman nito ang mga kapatid ay lalong lumalabas ang pagiging bright at witty nito. Alam niya ang mga bagay na iyon dahil matagal na niya itong sinusubaybayan.

Mga bata pa lang sila ay nais na niya itong maging kaibigan dahil sa mga ikinukwento ng mga kabanda niya. Hindi kasi siya gaanong pinapayagan ng mga magulang na manatili sa labas. Mas preferred kasi ng mga ito na nasa loob lang sya ng bahay. Pinapayagan lang din siya kapag tutugtog lang sa bahay ng mga walton.

Patapos na sila sa pagkanta ng sya na ang nagl-lead sa kanta at si Abie naman ang nags-second voice. Nang matapos sila ay nakarinig sila kung saan. Nalingonan niya si Edwin sa bukana ng basement kung saan sila tumutugtog. Nakaipit sa pagitan ng braso at katawan nito ang isang bola ng basketball.

"Ang ganda! Ang ganda ng pagtugtog nya. Kayalang parang hindi bagay sa banda nyo ang ganyang klase ng kanta." Napasimangot siya sa sinabi nito. Siya kasi ang namili ng kantang iyon.

Love Me Or Hate Me (Chronicles Of Mr. Rude)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon