Prologue

75 2 2
                                        

Ako si Dion Alex Dela Cruz. Kilala bilang si Dion-liit.

Oo, maliit ako... 4th year highschool na pero nasa 5'4- 5'5 lang ang height ko. Laging inaasar, laging nakikitang nakakatawa.

Ayus lang sus! Mahilig din naman akong mangasar. Maingay ako, makulit, sutil kung minsan at laging hindi sineseryoso.

Lagi kong inaasar mga kaibigan ko, lagi din nman nila akong inaaway eh, quits lang kami. HAHA!

Lahat kaya kong asarin at pag tripan, pwera lang kay Adri... Si Adrienne Mielle Velasco...

Hindi ko alam kung dahil ba yun sa presidente namin siya at running for Salutatorian siya, o saydang may kakaiba lang sa kaniya?

Si adri... Maingay, madaldal, masayahin, makulet, maliit pero cute at higit sa lahat... Chinita... una kong napansin yun sa kaniya... kitang kita mo sa maliliit niya mata ang pagiging anak chino... maputi pa!

Pero si Adri yung tipo ng babaeng hindi natatawa sa mga kalokohang ginagawa ko. Sabi ng mga kaibigan niya normal lang daw yun kasi sadyang mataray siya... pero hindi eh... parang sa akin lang siya hindi natutuwa...

ano bang meron sakin? ganun ba ako ka nakakainis?

Pag may group activity kami at magkagrupo kami, tahimik lang siya na mag aasign ng mga gagawin namin, lagi siyang leader...

Mabait si Adri... matapang din... hindi ko pa siya nakikitang umiyak sa school, kumpara sa mga babaeng andito... sa tatlo niyang kaibigan, siya palang ang nakikita kong hindi umiiyak. sa kanilang 4 na magkakaibigan, siya lang din ang malapit sa mga lalaki... kung baga "One of the Boys" siya

Minsan nga eh niloloko na siya ng mga kaklase namin na tomboy. Hindi rin kasi siya mahilig sa masyadong pambabae na gamit. Pag casual day namin, pants at shirt lang siya. Di kagaya ng iba na napakaraming accessories, seethrough na damit, kita cleavage na blouse at make up.

Ayaw niya din sa make up. Allergic kasi siya. Hindi rin siya mahilg sa dress. Basta. Para siyang boyish kung pumorma.

Isa pa sa pignagtataka ko sa kanya, malapit siya sa mga lalaki pero sakin hindi. Ako pa? Ako ang pinaka malapit na lalaki sa mga babae. Hindi naman sa chick-boy ako, pero sobrang dami kong kalapit na babae.

Si Allan, Joseph, Dhex, Jeron at Joshua... mga kaibigan ko... sobrang close niya sa kanila... pero bakit sakin hindi?

Wala rin akong maalalang araw na nkapag usap kaming dalawa ng matagal. Kung tutuusin, kakausapin lang iya ako pag may i aasign siyang trabaho para sa project or group activity. Minsan ko lang din siyang makitang tumawa sa mga jokes ko. Ayaw kaya niya ng corny?

Pag tinitignan ko siya kasama mga kaibigan ko, hindi ko maiwasang mainggit. Gusto ko din siya maging kaibigan... pero parang hindi ata ako papasa sa standards niya... mga kaibigan niya lahat honor students, varsity, student government officials at iba pang sikat na status sa school.

san ba ko dun? Delinquent... yan siguro... jan siguro ako kabilang...

isa lang ang alam ko... gusto ko siyang makilala pa...

"President Chinita"

President ChinitaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon