"Ikaw mag lead ng prayer ngayon, Dion." narinig kong may nagsalita sa likod ko. Malumanay na pagsasalita at feeling kong nakangiti siya habang sinasabi niya yun. Adri?
Lumingon ako at si Adri nga yung nakita ko. Kaso... Hindi siya nakangiti sakin. "Ha? Bakit ako?" medyo seryoso kong tanong. Pero nginitian ko pa rin naman siya.
"Eh ikaw eh." sabay tawa naman siya
Napatingin ako sa baba sabay sabi na "Hindi naman ako banal. Iba nalang."
"Ikaw na!" Sabat ng mga kaklase ko. "Wala nang iba na pede Lahat na nag lead ng prayer."
Wala akong nagawa at sinunod ko nalang sila. Tama ba yung ginawa kong tinanggihan ko siya? Baka lalo kaming hindi mag kalapit... Gusto ko talaga siya maging kaibigan eh.
Nag lead ako ng prayer at as usual. Pinagtawanan ako nila Joseph. Bihira lang ako mag lead ng prayer. Ang corny kasi. Nakakatamad pa. Tpos kakantahin pa yung national anthem. Hindi naman ako biniyayaan ng ganda ng boses eh. tsss!
Pagkatapos namin sa morning rites, normal na ulit. Upo sa upuan, magtuturo si sir at syempre hindi nanaman ako makikinig. Boring first subject eh. English. Sa bahay nlang ako mag aaral pag wala akong mainitindihan.
"DION!" sabay tapik sa baikat ko. Si Adri ba talaga yun? sabi ko sa sarili ko. Parang boses niya eh.
Lumingok ako sabay tingin sa kaniya... "Oi ADRI!" ginaya ko ung boses niya. Ang tining eh.
"Wala lang. Patabi! HAHA!" sabay tawa. Dala niya notebook niya at mukang tatabi siya sakin. Hindi niya ata nakikita yung sulat sa board. Pano. ang tatangkad ng mga nasa harapan niya. Kung bakit ba naman kasi ang tangkad ng nilalagay sa harap ng maliit.
"Gehgeh... wala namang nakaupo jan eh.." Saogot ko sabay kopya ng notes.
Napa buntong hininga siya bago umupo sabay ngiti sakin. "Frst time atang hindi mo ko tinanggihan ah?"
Huh? Anong sinasabi mo? Tinatarayan ba kita? Hindi ko matanong yun sa kaniya... Baka ma offend ko eh. Hindi ko siya pinansin pero ngumiti naman ako. Kinakabahan din ako eh. Hindi ko alam kung bakit. Mukang natatakot ata ako.
Mula sa pagtingin sa akin, napansin kong sumandal bigla si Adri sabay ngiti nanaman. Talaga bang ngingitiian mo lang ako?
Pgakatpos ng 5 minutes na pagiging magkatabi namin aramdaman kong tumayo siya "Sige Dion..."
Tumango ako sabay ngiti sa kaniya. Pero hindi na ata niya napansin kasi dumerederetso na siya sa tabi ni Luisito. Siyempre dun nanaman siya tatabi... Bestfriend niya ba yun? Parang hindi naman. Parang type niya eh.
"Par!" Batok ni Allan sakin.
"ANO?" Inis na tanog ko habang paupo siya sa tabi ko.
"Bukas punta tayo sa SM! Wala namang pasok eh. Gala lang. Boring sa bahay eh."
nabigla ako. naka schedule pa naman kaming mag Garena bukas. "Akala ko mag dodota tayo?"
"BUKAS NA BA YUN?!" Gulat na tanong niya
"Hinde. bukas lang."
"Geh. Pa frame mo." sabat niya naman agad
"Penge pera"
"Ulol!" sabay middle finger sakin. Ganyan kami maglokohan. Abnormal kasi. Garena time na nga bukas galaan pa gusto.
BAHAY: 8:30 PM
Online nanaman siya... sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa walang lamang chabox namin. Gusto ko makipag usap... kaso... hindi ko alam mga gusto niyang topic. Math ba? Physics? Economics?
Hindi naman sobrang book worm at workaholic si Adri eh. Napaka kwela at sobrang malayo siya sa mga normal honor students sa school. Hindi ko nga yan makikitang mag uwi ng maraming libro sa bahay. parang palaging walang laman ang bag.
Chat ko ba?.....
Dion Dela Cruz: Hi Ari Adri*
Shit! Napa PM AKO BIGLA! SHIT! SHIT! Naka ready na ako mag offline sabay narinig kong nag reply siya. Patay! Naistorbo ko ata.
Adrienne Mielle: Ui! Napa PM ka ata? :D
Dion Dela Cruz: Hahaha! Wala naman. Mangugumusta lang...
Adrienne Mielle: Ahhh... nagtatanong ka din ba ng homework?
Huh? ganun ba lahat ng nag ppm sa kaniya? Homework ang tanong lagi?
Dion Dela Cruz: Hindi ah!
Adrienne Mielle: HAHA! OKAYY~ Ano maipglilingkod ko? =D
Dion Dela Cruz: May quiz ba bukas?
P*t*! Mali! Dapat hindi ko tinanong yun! Iiisipn lang nun na katulad ako ng iba! Na... ginagawa siya information desk.
Adrienne Mielle: Ow. Walang pasok bukas. HAHA! Ang alam ko wala namang Quiz sa lunes. Teka nga! Kelan ka pa nag aral ha? Mukang inspired ka ata ahh!
May nagpatibok na ba sa puso mo? LOL!
Dion Dela Cruz: Wala... gehgeh una na ko... salamat!
Adrienne Mielle: Ah. gehgeh! bye!
Ayun. doon natapos.
wala ako maisip na magandang sabihin! Hindi ko alam pano makipag usap sa isang kagaya niya. Hindi ko alam mga gusto niya. Hindi ko alam hilig niya...
pag nakikita ko sina Allan na kasama siya.. naiinggit ako. parang effortless para sa kanila ng pakipagusap sa kaniya...
"UGHHH!" sigaw ko bago mahiga sa kama. Narinig ata ako ng kapatid ko
"Ano problema mo?" tanong niya habang nakikipagtext sa syota niya.
"Wla." sagot ko sabay taklob ng unan sa muka ko. Naiinis ako kung bakit napaka curious ko sa babaeng yun. Naiinis ako kung bakit sa lahat ng babae na nakilala ko, siya yug pinaka hindi ko malapitan. Naiinis ako kung bakit andali sa iba na kusapin siya samantalang hirap na irap ako. Normal na babae lang naman siya. Hindi naman siya iba sa kanila.
Ano ba kasi ang meron sa kaniya at masyado ko siyang napapansin?!
![](https://img.wattpad.com/cover/6860994-288-k672721.jpg)
BINABASA MO ANG
President Chinita
RomansLove between two different type of people... Will a one sided love for 5 years be a forever love? Join Dion Dela Cruz as he unfold his quest in showing Adrienne Velasco his true and unfathomable love for her..