Chapter 1: Ako at Siya

63 0 1
                                        

"DION!" sigaw ng bestfriend ko na si Mayveen. Nagkakagulo silang lahat dahil bigayan na ng test results namin sa Math.

"Ano?" iritadong tanong ko.

"Umupo ka na! magagalit nanaman si Ma'am niyan eh! mamaya bawasan nanaman tayo ng 5 pts!" sabi niya. Nakita kong nagpapatahimik na ng klase si Adri. Ayoko namang masigawan din niya ako kaya umupo na din ako.

Si Ma'am Castillo kasi mahilig mag bawas ng score pag dumadating siya na maingay ang klase. Math pa naman! Hirap hirap ng Trigo.

Tinititigan ko si Adri habang natatawang magpaupo at tahimik sa klase. President namin siya at siya lang ang tanging sinusunod ng lahat. Siguro kasi nadadala niya sila sa ngiti niyang abot tenga. Lagi siyang ganun.

"OII! UPO NA KASI!" nagmamakaawang sabi niya kay Allan. Nagmamakaawa siya pero hindi pa rin niya inaalis ung ngiti niya. Lalo tuloy siyang sumisingkit. HAHA!

"Sigesigesige~ Malakas ka naman sakin eh!" sagot naman ni Allan. Alam naman ng lahat na may gusto si Allan kay Adrienne. Alam din yun ni Adrienne pero bestfriend lang turing niya sa pinaka sutil na kaklase naming si Allan.

Pagkaupo ni Allan, nahuli ko si Adrienne na sumulyap kay Luisito... Luisito ang Valedictorian namin.

Matalino, gwapo, matangkad, maputi, mabait, maloko pero gentleman, malinis at magalang. Nasa kaniya na nga ata lahat. Kaya siguro nagustuhan siya ni Adrienne.

"Oi Dion!" Kinalabit ako ni Vien. "Kinakabhan ka?"

"Hinde." sagot kong natatawa. Ano ba meron? math lang naman yan! "Kung babagsak ako edi babagsak. Dadaanin nlang yan sa re-test!"

"Baliw ka ba?" gulat na sabi ni Vien. "LAST quiz na natin toh sa 1st quarter! ayaw mo bang bumawi sa mababbang scores mo noon?"

"1st quarter palang naman. Bahala na." sagot ko ulet.

Nakita kong umiling palayo sakin si Vien. "Wala ka na talagang pag asa..." pabulong niyang sinabi

"Baka naririnig ko yun!" sabi ko ng malakas na saktong dating naman ni Ma'am Castillo.

"MR. DELACRUZ!" sigaw ni Ma'am. PATAY.

Nakita kong nakatingin lahat sakin. Hindi pala... si Arienne nakatitig lang sa notebook niya sa math. "MA'AM!" paglolokong sagot ko.

"Bakit ka sumisigaw?" sagot niya habang naglalakad papunta sa harap.

"Hindi naman ma'am! Napalakas lang.. masyado naman kayo~" palokong sinabi ko.

Natawa si Ma'am. Uy! Good mood! Haha! "Osige na... andito na results ng quiz niyo... maayos naman... kaya wlang re-test."

Pinitik ko si Viene. "ARAY!" mahinang sigaw niya. "ANO BA??"

"pano ba yan? mukang pasado din ako? wala kang tiwala sakin eh~ kaya hindi ako kinakabahan... kasi alam kong pasado ako! sus!" pagyayabang ko.

"Yabang." sagot niya sabay irap sakin. Ano kaya ang meron sa mga babae? Ang hilig mang irap ng mata. hindi ba nila alam na nkakapanget yun? sus!

Nung makuha ko yung papel ko, nakita ko score ko. 12/20.

"HAH! PASANG AWA!" Asar ni Julietta sakin.

"SHATAP!" palokong sabi ko. "buti pasado. ikaw ba ilan nakuha mo?"

hindi muna sya sumagot at binigyan lang ako ng nakakalokong ngiti. Malamang bagsak toh.

"9?" Pagbulgar ni Adrienne habang natatawa sa score ng bestfriend niya.

"OI! OA MO NAMAN! Maka bulgar ka!" sabi ni Julietta

President ChinitaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon