Halos 3 hours na akong inaantok sa dicussion ng professor namin gusto ko ng lumabas, gusto ko ng kumain. Nagugutom nanaman ako at yun ang dahilan kung bakit ang katawan ko ay lumobo ng tuluyan. Kasalanan ko bang naging ganto ang katawan ko aber?? Na-depressed ako eh. At ang tanging naging escape ko lang ay ang comfort foods. Kain dito, kain doon. Mahilig ako sa mga extra, extra rice, extra boys, extra things, extra attitude. Plus din naman ako, plus sa beauty, plus sa caring at plus sa pagmamahal.
Minsan nakakarindi na yung mga taong laging sinasabihan ako ng " Keila Nicole tumaba ka ah" "Nicole, ang laki ng tinaba mo" hay naku! Nakakarindi na sila. Pakielam ba nila? Eh sa narasapan ako sa pagkain eh. Yun lang ang naging kakampi ko ng iniwan ako ng minsanang minahal ko ng sobra..
Pero sa totoo lang nakakamiss din naman yung katawan ko dati na saktuhan lang eh. Yung height ko saktuhan lang din naman hindi maliit at hindi malaki sakto lang 5'5. Yung buhok ko kulot, yup kulot ako. Gusto nilang ipa-straight yung buhok ko pero ayoko. Eh sa ganito ang gusto ko ano bang pakielam nila? Hilig nilang mangielam, hindi naman nila buhay tong buhay ko. Kuntento na ako kung ano ako ngayon. Kuntento na ako kung ano man ang itsura o hugis ng katawan ko ngayon. Basta ang alam ko nabubuhay tayo ngayon sa pagmamahal. Pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa atin ngayon. Pero sa kabila ng lahat ako nalang ata ang walang nagmamahal sa akin ngayon. Oo sagana sa pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ko pero may kulang pa din eh. Kulang pa.. Hindi pa kasi siya dumadating.
Dear soulmate:
Pakibilisan mo naman ang byahe papunta sa akin please? Naiinip na ako sa pagdating mo. Gusto na kitang makita at makasama.Love:
Ur sexy soulmate.Nagsulat ulit ako sa diary ko kung saan dito nakalagay ang mga sulat ko para sa soulmate ko.
"Keila nicole ang babaeng kulot halika ka na! Samahan mo na ako sa library please?" Biglang sigaw ni Janella, itong kaibigan ko na to talaga oh! Araw araw nalang ba akong umaakyat lagi sa 4th floor? Hindi man lang naawa sa katawan ko jusko. "Oo na sige basta kakain tayo pagkatapos ha. Nagugutom nanaman ako eh" sagot ko. "Oo naman yes my treat bestie" ayan nanaman siya sa bestie word niya eh. Magic word niya talaga yun pag napapaawa. Pasalamat siya bestfriend ko siya kung hindi baka nasapak ko na siya.
"Aray! Ang sakit! Sorry kuya ha!" Galit kong sabi sa lalaking bumangga sa akin. Sakit naman sa balikat yung bangga na ginawa niya sakin. Hindi man lang nag sorry yon ah. "Sa susunod kuya na banggain mo pa ako ulit aabangan na kita, sorry ha patawad ho!" Sinigawan ko siya pero hindi niya ata narinig. Nagbingibingihan si kuya asar ha.
"Huy bestie ano nanaman yan? Konting bunggo lang galit na galit kana agad grabe siya oh"
"Eh sa gutom na ako eh hindi pa ba tayo pupunta sa library? Bakit kasi hindi ka napapagod na umakyat lagi din. Eh hindi ka naman pinapansin ni Kier todo soporta ka don eh ang yabang naman"
"Ang bad mo naman bestie! Oo na hindi na tayo pupunta, tara kain nalang tayo. Are you happy na ba?"
"Yieppiee yes. Pretty yes! Thankyou, dun tayo sa hello kitty bar ha"
"Kala ko ba nagugutom ka? Eh mukhang gusto mong uminom eh. Sa totoo lang nawala na yung gutom ko nung..
"Bestie, umalis na tayo dito" pang-aaya ko sa bestfriend ko. "Bakit? Kakain na ba tayo?" Sambit niya. "Hindi mamaya nalang tayo kumain irereserba ko nalang yung tiyan ko para sa beer" sabay turo ko sa ex ko na kasalukuyang nakatingin sakin. "Ah kaya pala! Okay bestie basta ikaw sasamahan kita hindi kita iiwan hindi tulad ng iba dyan nang-iiwan ng walang dahilan! Lets go bestie. May naamoy akong basura dito eh" sigaw at pang aaya niya na may halong irap sa ex ko.
"Naiinis talaga ako pag nakikita ko yang kups na yon eh" sabi ko with rolled eyes.
Sa totoo lang pag nakikita ko si Lem nasisira ang araw ko eh. Bumabalik yung sakit. Bumabalik yung nakaraan namin. Lumalambot ako pag nakikita ko siya. Kung pwede ko lang ibalik talaga ang lahat.. Ginawa ko na. Para hindi ako gantong nasasaktan. Kung pwede lang takpan ang mata ko para hindi na siya makita eh gagawin ko na kaso hindi eh. Nasa realidad ako at kailangan kong lumaklak para matauhan ako."Tulala ka nanaman dyan! Hayaan mo na nga siya. Pinagpalit ka niya sa iba at iniwan para lang don sa bilasang babae na yon kaya dapat ikaw magsaya at kalimutan na silang dalawa ng bago niya" biglang sabi ng bestfriend ko. Ay oo nga pala iniwan ako at ipinagpalit sa iba. Kaya dapat kalimutan ko na talaga siya. Kasi naman eh, ang hirap hirap lumimot! Sana nagka-amnesia nalang ako para wala na akong maalala. *sad face*
"Uy hindi ah! Luka ka. Wala na sakin yun, 9 months na kaming wala ni Lem 3 buwan nalang para maging isang taon na. Konti nalang bestie makakalimutan ko na talaga siya. Naniniwala ako na isang araw magigising nalang ako na babalik na yung dating ako kaya chill ka lang ha hayaan mo muna ako na ganto. Moving on.. It takes time nga ika" depensa ko. Ayokong nakikita nila na naapektuhan pa din ako dulot ng nakaraan.
"Yan ang bestfriend ko kahit na nasasaktan kinakaya pa din. Kaya kita nagustuhan kasi dahil sa katapangan at ugali mo, dyan ako bumibilib sayo" sagot ng magaling kong kaibigan.
"Kung kaya niyang lumimot, pwes kaya ko din. Our world is not a granting factory na.. Agad agad ay malilimot nalang basta" kapag talaga si ang nakaraan namin Lem ang napaguusapan.. Napapadalas ang hugot lines ko eh. Ganun siguro yon kapag nasaktan ka maraming nagbabago. At maaring madaming mabago. Hindi naman kasi tayo ipinanganak kahapon para madaling makalimutan ang nangyari satin na masalimuot. "Tara na nga sa next class natin mamaya na tayo kumain after class" pang-aaya ko kay Janella. Agad naman siyang pumayag.
BINABASA MO ANG
Captured
Teen FictionAkala mo sasaya ka na sa piling niya. Akala mo perfect na, akala mo happy ending na. Iniwan-nabaliw-lumimot. Ang tadhana talaga ay sadyang mapaglaro. akala ko hindi na siya titiming eh. Pero nagkamali ako tiniming niya ang lahat.. Ng dahil iyon isa...