Past is past

4 1 0
                                    

Agad na kaming pumunta sa room namin, at dahil sa fourth floor pa ang next class namin, napagod nanaman ako umakyat. Bigla kaming nagutom ni janella. Kaya naman pagkadating namin sa room namin agad kong itinext si Lian.

To: Lian Sandiego.

Lian, ibili mo naman kami ni janella ng burger at fries sa mcdo. Hindi pa kami kumakain eh. At kung hindi mabigat sayo na bilihan mo kami damayan mo na din ng mcfloat ha! :)
-keilah sexy

Sana naman bilhan tayo ni lian gutom na gutom na talaga ako eh. Hindi ko na kayang mag diet. Baka mamatay na ako nito *evil laugh*

1 message received.
FROM: Lian Sandiego.

No problem babe keilah nicole lopez. :) just wait for your food okay? I miss you. Mwa!

Lokong lalaki talaga yun. Minsan kinikilig talaga ko kay Lian eh. Bukod sa gwapo siya, mabait pa. Kung pwede ko lang siyang ligawan eh ginawa ko na. Kaso malabong malabo. Mas malabo pa sa mata ng lola ko. Mas gugustuhin ko nalang siguro na Crush ko yong lalaki na yon.

To: Lian Sandiego.

Miss ka dyan? Puro ka talaga biro. Pag ako naniwala sayo sige ka. Nasan ka na ba? Gutom na kami ni janella.

Tipid kong reply kay Lian. Hindi naman masamang magka-crush ako kay Lian eh. Pero slight lang naman yun eh.

May bigla akong narinig na sigaw sa labas. Nagmamandali at ang ingay.

"Babe keilah!! Babe keilah!! Na miss kita sobra" sabay yakap sa akin. "Lumayo ka nga sa akin kairita ka Lian" kinikilig talaga ako sa yakap niya eh. Kung hindi ko lang talaga to kaibigan pinatulan ko na to eh. "Wag mong  sabihin na hindi mo ako namiss? *Pout* biro lang naman keilah. Nagpapa-cute lang naman ako sayo. Ito na yung foods niyo ni janella" sabay abot ng mga ipinabili namin. "Puro ka talaga biro lian, salamat ha" inabot ko yung bayad namin. Ayaw niyang tanggapin pero pinilit ko pa din siya.

Binigay ko yung fries at burger kay janella.. Pero nakatingin lang siya sa akin at mukhang may gusto siyang itanong.
"Bestie, is there any problem huh?" Tanong ko sa kanya. Biglang tumabi sa akin si Lian at nagtataka kung bakit ganun ang mukha namin ni Janella. "Ano ba yang mga mukha niyo? Na-biyernes santo ba kayo?" Pagtatanong ni lian. "Wala naman bestie, curious lang ako kung ano ang tunay na dahilan kung bakit layo naghiwalay ni Lem.."
Nabilaukan ako nung narinig ko yung tanong niya. Natahimik ako at tinignan ko lang silang dalawa. "Ah yun ba?" Tipid kong sagot. "Kung hindi mo naman masasamain ano ba talaga ang tunay na reason why you guys broke up?"

Kapag talaga si Lem ang pinaguusapan hindi ko mapigilang matamik at maluha.

"Keilah nicole, sa tagal na ng pagkakaibigan natin nitong si Janella bakit ni minsan hindi mo na-ikwento kung bakit kayo naghiwalay?" Sambit ni Lian.

Nanggigilid na ang luha sa mata ko isang pikit nalang eh babagsak na ito. No choice na ako, panahon na siguro para malaman nila ang totoo. Kaibigan ko sila alam kong maiintindihan nila ako. Agad kong binitawan ang burger na hawak ko para ikwento ang tunay na dahilan.

"At dahil makulit kayo okay sige ito na panahon na siguro para malaman niyo. Kaibigan ko kayo kaya sana mainitindihan niyo ako. Fourth year highschool kami ni lem ng magkakilala kami, graduating actually. Nagka-slow motion moment ako nung una ko siyang nakita. Nahumaling ako sa kanya dahil sa anyo niya. Gwapo siya at matangkad. Basketball player siya ng school namin at talent siya sa buong campus. Kaya naman agad agad akong nagkagusto sa kanya. Madaming nagkakagusto sa kanya kaya gumawa ako ng paraan para mapansin niya ako. Inadd ko agad siya sa facebook hinanap ko siya. Naging stalker ng mga araw na yon. Sobrang saya ko ng nakilala ko Lem Gregorio. Siya ang ideal man ko. Kala ko non hindi na niya ako mapapansin pero.. Ng mag-college kami dun palang niya ako napansin at nakilala. Hindi naman kasi siya palasagot sa messages ko sa fb eh kaya ayun what a coininsedence sa same school kami nag-enroll. Tuwang tuwa ako nung nalaman ko na.. Dun din siya magaaral. Kaya naman nagkaron ako ng chance para magpapansin.  Agad ng tumulo ang luha ko at hindi ko na napigilang humikbi. Hindi ko inasahan ang mga nangyari noon. Niligawan niya ako at naging kami. Naging close na din ako sa pamilya niya. Sobrang bait nila sa akin, tinuring na nila akong kadugo. At yun ang ikinatuwa ko. Kaya naman hirap talaga akong makalimot agad.

Binigyan ako ng panyo ni Lian. Pinusanan ko agad ang mga luha na dumadaloy sa mukha ko. "Salamat Lian for this"
"Bestie, and then what happen?" Sambit ni janella.

"After 1 year naging kami ni Lem. Sa loob ng isang buwan naging masaya kami at ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya ako. Piling ko prinsesa ako sa piling niya at sobrang special ko sa kanya. Lagi kaming magkasama. Halos araw araw. Sabay kaming kumain lagi at sabay na natutulog. Minahal ko siya sa paraan na alam ko. Lagi niya akong pinagsisilbihan. Inaalalayan sa lahat. Lagi kaming nagaasaran at naghaharutan. Pinaramdam niya sakin kung gano ako kahalaga sa buhay niya. Araw araw niya akong sinasabihan ng ang ganda ganda ko. Lalo daw akong gumaganda lalo pag tumatawa ng malakas at pag nakapusod daw ang buhok ko. Lagi din siyang nagpapapasalamat sakin kasi  minahal ko siya higit pa sa akala niya. Pero dumating ang araw na hindi ko inaasahan na iiwan niya ako. Hindi niya ako nagawang ipaglaban, hindi niya ako pinaglaban sa parents ko.. Dahil nalaman na nila na boyfriend ko si Lem. Agad nila akong pinagbawalan. Agad kong sinabi kay lem yon. Akala ko matatanggap at maiintindihan niya. Hindi pala. Kaya ayun nakipag-split na siya sakin. Sa totoo lang hindi ako naniniwala na yun lang ang tunay na dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sakin eh. Sa facebook lang niya sinabi na tapusin na namin ang lahat. Na hanggang dun nalang daw ang lahat ng yon. Hindi ako makapaniwala na iniwan na niya ako. Akala ko hindi totoo ang lahat ng nangyari samin. Nung una talaga sobrang sakit. Kala ko hindi ko makakayanan. Araw araw akong nag iinom. Dinadama ko lang yung sakit. Araw araw akong umiiyak dahil sa kanya. Sobrang sakit talaga eh. Pero dumaan ang ilang buwan nakakayanan ko na siya pa unte unte. At nagpapasalamat ako kay lord kasi hindi niya ako pinabayaan ng mga oras na yun.

"Dapat binalikan mo yung tarantado na yun eh hindi ka man lang pinaglaban. Kung mahal ka talaga niya ipaglalaban ka niya. Ang unfair niya! Sarap niyang upakan keilah!" Galit na sabi ni Lian.
"Bestie, yun pala ang dahilan. Pagkatapos ano ng nagyari?" Imbis na maiyak ako lalo. Natawa nalang ako eh. Imbis na mag drama on ako, itatawa ko nalang ito.

"Hahahahaha! *evil laugh"  binuhos ko lang ang lahat ng sama ng loob ko at pagkatapos nun kala ko kaya ko na. Kala ko hindi na ako masasaktan. Dumating ang balita sakin na.. May bago na daw si Lem at yun nga si Maria. Si maria na siguro yung ideal girl ni lem. Sobrang sakit sakin na malaman at makita ko ng harapan ang mga pinaggagawa nila ng bilasang babae na yon. Pero hayaan na natin sila yun naman ang gusto nila eh. Karma na bahala sa kanila" sambit ko.

"Tama yan keilah nicole. Kaya ako'y sayo eh. Sobrang tapang mo talaga. Just smile at let it all go. We all known moving on is a process. Take your time to do that. I and janella ay nandito lang lagi" agad na sabi ni Lian.

Syempre susundan siya ni janella. Hinawakan niya ang kamay ko at..

"Sorry for the tears bestie. Dapat mo ng kalimutan yung mokong na yon. He is not deserve for your tears bestie. Yun pala ang tunay na dahilan kung bakit you and lem broke up. Now i understand na"

"Okay lang yun. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sa inyo to. Isa pa ayoko na talagang balikan ang nakaraan. Pero sa twing nakikita ko si lem bumabalik ang sakit at hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano ang tunay na dahilan  niya kung bakit niya talaga ako iniwan" agad kong sabi.

"Drama off guys! Forget that please? Later lets all go sa hello kitty bar ok? My treat! :)" lian said.

Sumangayon kaming dalaw ni janella at saktong dumating na yung professor namin.

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon