"Gagayak palang po ako ate eh. Just wait po hehe"
"Okay nicole, see you later. Imissyou bye"
End of call.Pagkarinig ni Lem sa sinabi ko napangiti siya bigla. "Ngiti ba yan o tawa?" Pagsusungit ko sa kanya. "Wala natawa lang ako kay ate" sagot niya. "Ah ganun. Sige akyat lang ako gagayak na ako" pagpapaalam ko sa kanya. "Sure. I'll just wait here." *smile*
Agad na akong umakyat at gumayak. Si nanay kasi umalis eh di man lang nagpaalam. Si lem lang ang nasa ibaba. Bumabalik nanaman yung dating pagtingin ko sa kanya pag pumupunta siya dito. Nakakamiss na yung dating siya na kilala ko. Hays.. Kung mababalik ko lang ang lahat. Bago ako pumasok sa bathroom, binuksan ko yung ipod ko at kinonek sa speaker ko. Gusto kong marining yung Lss ko. Hehehe.Now playing: hindi na mababawi by spongecola.
Pagka pasok ko sa bathroom kumanta ako ng malakas. Wala akong pakielam kung may makakarinig man. Tamang tama kasi si Lem dito eh. Buti nalang nakisama yung puso ko ngayon. Naging bato siya, naiwasan ng saglitan ang mamon type ko. Mdyo natagalan ang pagpapaligo ko sa katawan ko. At ang pagpili ko ng angkop na damit. Actually i have no idea kung bakit ako pinapapunta sa kanila eh. After 9 months.. Ngayon lang ulit ako makakapunta. Madami ng nagbago at binago. Nahihiya pa din ako.. Teka bakit ba ako ang nahihiya dito?! Hay naku!! Tama na nga.
Almost 1 hour pala akong gumayak. Hindi kasi ako makapag decide ng sosootin ko eh. Nag dress nalang ako at flat shoes. Nag make up pero light lang. Nilagyan ko din ng konting decorate yung buhok ko para maiba naman. May isang bulaklak na ipit sa buhok ko hihi. Agad na akong bumaba at nung pagkababa ko.. Nakita kong nakasandal na si Lem sa sofa. Nakatulog na pala siya ganun ba ako katagal mag ayos? Teka sanay naman siya ah. Pumunta ako sa labas para hanapin si nanay pero wala pa din pala siya. Si maxene naman yung pinsan ko wala din. Bakit kasi naiwan nanaman kaming dalawa dito eh. Hindi ko maiwasang titigan si Lem. Hinawakan ko yung buhok niya at ginising na..
Lem, im sorry. Kung medyo natagalan. Lets go?
Sure. Nasan si nanay? Paalam na tayo.
Wala pa siya eh. Hindi ko alam kung san siya pumunta. Teka bakit nakatulog kapa eh ang lakas ng music ko sa taas ah.
Sanay na akong maingay talaga ang kwarto mo. Diba nakakatulog naman talaga ako kahit maingay?
Yup. Tara na nga.
Inaya ko na siya at sumakay na kami sa kotse niya. Tahimik lang siya, ayoko namang gumawa ng eksena. Kahit ayoko ng tahimik yung tipong nakakabingi yung katahimikan. Pero pinili ko pa ding manahimik. Ayoko siyang kausapin. "By the way kaya ka pala pupunta samin kasi last day na ngayon ni Ate arie. Pupunta na siya sa germany eh. Para dun mag work" he break the silence finally.
"Gosh, i have no idea. Kaya pala" *sad face* kaya pala nila ako pinapunta kasi last day na ngayon dito sa pilipinas ni ate.Nalungkot ako kasi ang dami ng nagawa ni ate eh. Siya ang ang naging daan para maging kami ng kapatid niya, hindi niya ako iniwan nung kailangan ko ng kausap at karamay. Siya din ang nagbukas ng isip at puso ng kapatid niya para maintindihan at maappreciate ako. Nakakalungkot lang isipin na pati siya ay mawawala na din. Sa pamilya ni Lem, si ate arie ang pinaka-close ko. Mamimiss ko siya sobra.
Huminga ako ng malalim at naglakas loob magtanong kung nandun ba yung girlfriend niya. "If you dont mind, nandun ba si maria sa inyo?" Tanong ko. "Yup. Nandun na siya" sagot niya. "Bakit mo pa ako sinundo kung pupunta din naman si maria?"
"Gusto ni mama na ikaw ang sunduin ko. Dahil after ng ---- *napahinto siya at tumingin sakin* tsaka gusto ko lamg makabawi sayo. After ng breakup natin"
Bigla akong napatingin sa kanya then i rolled my eyes. Naging seryoso ang mukha ko.
"What? What do you mean? Akala ko ba wala na sayo yon? Tsaka ikaw naman ang may gusto non hindi ako. *pagtataray ko* nagulat nalang ako na isang araw naligaw ka ulit samin eh. Wag ka ng bumawi! Wala na yon sakin" hindi ko siya tinignan nakatingin lang ako sa labas dinadama ko ang hangin.Kinakabahan ako. Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga nasabi ko. Tinignan ko siya at huminga ulit ako ng malalim, alam kong hindi na siya magsasalita pa. Tumahimik nalang siya at sobrang lungkot ng mukha niya. Dinama ko lang ang hangin sa labas.. Kailangan kong magpaka-plastic mamaya. Dahil nandun ang babaeng ipinalit sa akin ni lem. Ayokong magmukha akong tanga. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Agad akong bumaba at hindi ko na hinintay si lem.
Sinalubong ako ni ate arie.
"Finally dumating ka din, salamat sa pagpunta nicole namiss kita" agad na sabi ni ate. Niyakap niya ako. "Sensya na din po kayo kung ngayon lang ako nakapunta ulit"
"Wala yon halika sa loob" pang aaya niya.
Pumasok kami sa bahay nila at nagmano ako kay tita sarah.
"Hello po tita *mano* "kamusta ka na?" Pagtatanong niya. "Okay lang po ako, okay na ako" sagit ko sa kanya. Ayokong magmukhang loser ngayon.Pagkatingin ko sa sala nila. Nakita kong hinalikan ni maria si lem. Alam kong inaasar ako ng hipokrita na to eh. Pumunta ako kung nasan sila at nag desisyon ako na gagawa ako ng eksena dito para makabawi man ako sa mga landian nila! Ilang beses na kitang pinapatay sa isip ko maria! Kung pwede ka lang mawala sa mundong to eh ginawa ko na. Stupid! Lumapit ako kay maria at seryoso ang mukha ko.. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Katulad ng ginawa niya sa akin noon. "How are you maria?" Tinarayan ko siya. "Okay lang ako, ikaw ba?" Sagot niya. "Okay lang ako. Okay na okay" sagot ko sa kanya na medyo nakangisi pa. Tinignan ko silang dalawa pero biglang dumating si ate arie.
"Nicole, lets go? Kain tayo tapos shot tayo after" pang aaya ni ate sakin. "Sure ate! This is the last day. So mag enjoy tayo" nakangiti akong sumagot sa kanya. Bago kami pumunta sa kusina.. Tinignan ako ng maria na yon at mukhang asar na asar na siya sakin. Dapat lang pahiyain ko siya eh, kahit na nandito kami sa teritoryo ng boyfriend niya hindi na siya uubra sakin. Lalaban na ako hindi ung kinakaya niya ako. Shit. Naiinis ako pag nakikita ko silang dalawa eh.
Nagkwentuhan lang kami ni ate at tita. Kung ano ano. Nasarapan ako sa luto ni tita sarah, namiss kong kumain sa kanila. Si lem at maria naman tahimik sa sala. Himala hindi sila naglalampungan.

BINABASA MO ANG
Captured
Teen FictionAkala mo sasaya ka na sa piling niya. Akala mo perfect na, akala mo happy ending na. Iniwan-nabaliw-lumimot. Ang tadhana talaga ay sadyang mapaglaro. akala ko hindi na siya titiming eh. Pero nagkamali ako tiniming niya ang lahat.. Ng dahil iyon isa...