Why...

4 1 0
                                    

Napadami ang inom ko. At hindi ko na makontrol ang sarili ko. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, pagkatapos kong yakapin si Lian. Hinatid niya ako pauwi sa amin. Tulog na si nanay kaya naman hindi na niya ito ginising. Tinawagan niya si Maxene yung pinsan ko para pagbuksan kami ng gate. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko ng maayos sobrang manhid nito. Naramdaman kong binuhat ako ni lian papunta sa kwarto ko. Inihiga niya ako sa kama ko. At nagpaalam na agad siya kay maxene.

Itetext ko pa sana si Lian at janella kaso.. May natanggap akong text unknown number eh.

From: Unknown number.

Nabasa mo na ba yung letter na iniwan ko dyan?
-Lem

Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko. Kitang kita ko yung mga stars sa taas nito.

To: Lem.

San mo nakuha number ko?

Sabay titig sa stars ng kwarto ko.

From: Lem.

Kay nanay mel. Basahin mo nalang ha? Goodnight. Bye.

Ano ba talaga ang binabalak niya? Gusto na niya akong saktang nag paulit ulit? Hindi pa ba sapat yung mga ginawa niya sa akin? Dapat sa kanya. Pinapa-salvage na eh. Agad akong pumunta sa sala kahit na bangenge pa ako. Binuksan ko yung ilaw at.. Hinanap yung letter. Nakapatong yung letter sa table ni nanay. Kinuha ko na siya at deretso sa kusina. Nagugutom ako eh. Kinuha ko yung ice cream cake na bigay ni lem. Umupo ako at nag slice para kainin ito. Pagkasubo ko ng isa binuksan ko na yung letter.

To: Keilah Nicole Lopez.

I buy  Your  favorite food. Hope you like it. Eat this when you feel... You know what i mean keilah. Can we talk tomorrow? Are you free? Mama ask na kung pwede pumunta ka daw dito samin. Sunduin nalang kita bukas dyan sa inyo. Tomorrow is weekend. Hehe, kita kits!

Sa arte niya ngayon kala mo wala siyang kasalanan sakin. Ano nanaman ang trip niya at gusto niyang maligaw ako sa knila bukas. Agad na pumasok sa isip ko baka nandun si maria. Baka magaway lang kami non o kaya mapahiya ako. Ayoko namang mangyari yon. Kahit gustuhin mo man.. Masyado ng komplikado ang sitwasyon.

Nawalan nanaman ako ng gana kaya binalik ko ulit sa ref yung Icc. At pumanik na ako sa kwarto ko.

To: Lem.

Thankyou sa Icc. And im not free tomorrow. May lakad kami ng mga friends ko eh.

Pagod na ako. Kailangan ko ng matulog.
Humiga na ako at nagdasal.

Heavenly father, thankyou for this. Sana po bukas paggising ko gabayan niyo pa din ako. At sana unti unti na kong makalimot. Amen.

Tumingin na muna ako sa kisame. Ang gandang titigan ng mga bituin.

Sana mawalan na ako ng problema. Please lang.

At agad na akong nakatulog. Nagising ako saktong 8 am. At agad kong kinuha ang phone ko. Pagkakuha ko..

18 messages receive.
From: Lem.
From: Lian Sandiego.
From: Janella Ocampo
From: Unknown number.

Una kong nabasa ay yung text ng unknown number.

To: Unknown number.

Nak pumunta ka dito sa bahay. Hintayin kita
-tita sarah.

Nagtext si tita sarah. Ano ng gagawin ko nito? Tatanggi ba ako o hindi? Hay nako! Umagang umaga problema nanaman. :3

From: Lem.

Sinabi ko na hindi ako makakapunta. Bakit hindi mo pa sinabi kay tita huh?!

Ang aga aga ito ang almusal ko. Sobrang sakit ng ulo ko pati ng katawan ko body pain omg. Halos hindi ako makagalaw, para akong paralyzed. Sana pati ang puso maparalyzed para hindi na ako makaramdam ng kahit na anong sakit. "Keilah nicole apo!!" Sigaw ng lola ko mula sa baba. "Po? Bakit na?!" Sabay silip ko sa baba. Gulo gulo pa ang buhok ko hindi pa ako naghihilamos ng.. Biglang tumayo si Lem sa kinauupuan niya sa sofa. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko nataranta ako... Pumasok ako sa Cr namin at ni-lock ko agad ito. "Kalma ka lang kulot. Kumalma ka please lang" nagtatalo ang isip at puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, naghilamos ako at nag toothbrush. Inayos ko ng kaunte ang kulot kong buhok. At lumabas na ako ng cr. Kinalma ko ang sarili ko. Pero habang pababa ako ng hagdan bigla akong natapilok. Kung minalas ka nga naman!

"Aray! Ang sakit" sigaw ko habang hinahawakan yung paa ko. Pagkalingon ko sa sofa.. "Okay ka lang nicole?" Pagtatanong ni Lem. "Okay lang ako. Okay na ako" sagot ko na mdyo hugot kay mokong. "Sigurado ka? Sit here" nagtatanong tapos uutusan pa ako. Sit here yor face! "Oo sigurado ako, siguradong sigurado. Hindi porket nasaktan ako.. What i mean is hindi porket natapilok ako eh iiyak na ako" i answered him with rolled eyes. Hindi ko na hininay yung sagot niya at dumertso na ako sa kusina. "Nay, goodmorning." I kiss my nanay on her cheeks and i ask her kung may ulam na ba. At dahil gutom na gutom na ako. Pinagsilbihan ako niya ako at ako ay umupo na din. Kinuha ko yung phone ko at tinext si Lian at janella.

To: Lian and Janella.

Lian thankyou sa  paghatid kagabi. And janella call me right now please?

Hindi ko sinabi na sa kanila na nandito si Lem. At baka magpunta pa dito si Lian, mag ala batman in diguise pa siya. Kaya ko na to, magpapaka-plastic ako sa kanya this time Para hindi masyadong halatang bitter ako sa kanya. Ayokong manalo siya na mahal ko pa din siya. Maaring oo ngayon, pero alam ko na mawawala din ito. Hahayaan ko lang na masaktan ako. Kaya ko to. Not now kulot. Please makisama ka puso.

"Lem apo umupo kana katabi si nicole kumain ka din ng niluto ko" pang aaya ni nanay. Sus! Alam kong busog na siya. Busog na siya sa pananakit sa akin. "Sige po lola mel. Gusto kong tikman yung bicol express niyo with matching graham balls for dessert. Im sure na masarap ito" sagot niya kay nanay with kindat. Ako naman tumingin at ningitian siya honestly namiss ko yung saming dalawa eh sabay kaming kumain lagi. Tapos siya taga urong. Napabuntong hininga ako at kinausap ko siya. "Bakit ka nga pala nandito? Nagtext ako sayo kagabi na hindi ako makakasama diba?" Masyadong sersyoso yung boses ko. "Sabi kasi ni mama pilitin kita eh." "Hindi lahat ng ng bagay mapipilit mo, hindi porket gusto ng ibang tao gagawin mo agad. Kelangan ng esep esep pre. Hindi lahat ng pilit masarap at pang habangbuhay. Diba pinaranas mo na yan?" Hugot kong sabi. Hindi ko naman na mapagilan yung bibig ko eh palit kaya kami sitwasyon? Ako naman ang mananakit sa kanya tapos siya ang masasaktan sakin. How it feels omg!!

Tumingin lang siya sa akin. Sumubo lang siya ng sumubo, syempre kumain na din ako. Mga 3 minutes kaming natahimik hindi ko na sinundan ang hugot ko, hanggang sa.. Binasag ng katahimikan ng nag ring yung phone ko.

Calling from: Ate Arie.
(Ate arie is lem's ate)

Napatingin ako kay Lem. Pero tahimik pa din siya. Sinagot ko yung tawag at..
"Hello ate arie?"
"Hello nicole nasan na kayo ni Lem?"
Tumingin ako kay lem at sumenyas ng ate mo to. No choice na talaga ako, kinontak na ako ng ate at mama niya so i decided na sumama na talaga kahit na labag sa loob ko.

CapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon