3 hours of disussion ang tangi ko lang naiisip ay yung kung tama ba talaga na nasabi ko na sa kanila ang tunay na pag iwan sa akin ni Lem. Aaminin ko nakakagaan pala talaga pag nalabas muna yung saloobin mo na tinago mo for 9 months. Ang sarap lang sa pakiramdam . Hindi ko na napansin na 3 hours na pala ang nakalipas na pagsasalita ni prof. Wala man lang akong naintindihan, pano puro escape daydreaming ang ginawa ko. Hay nako! Grrr!
"Keilah nicole, ihahatid na kita sa inyo" agad na sabi ni Lian. "Naku lian wag na! Magpapalit lang naman ako ng damit para sa night out natin sa hello kitty bar" sagot ko.
"Oo nga lian umuwi kana din at magpalit ka ng damit" sabay ni janella. "So guys, kita kits later okay?" Sabi ko habang pilit ang ngiti ko.
Sabay sabay na kaming lumabas nila Janella at Lian. Agad na akong humiwalay sa kanilang dalawa. Walking distance lang naman ang bahay namin sa school eh. Kaya di masyadong hassle. Si janella at lian naman ay may kanyang kanyang dalang kotse. Ok! Sila na mayaman.
Habang naglalakad ako, ramdam na ramdam ko ang hangin na dumadampi sa balat ko. Naalala ko nanaman si Lem. Kapag kasi hinahatid niya ako samin, parati niyang inaabangan yung malakas na hangin. Hay nako keilah! Pumasok nanaman sa isip mo si Lem. Habang naglalakad ako at dinadama ang hangin biglang nag vibrate ang phone ko.
3 New messages.
From: Janella Ocampo.
Bestieeee!! Im home na. Ano soot mo para sa night out natin? Kailangan bonggahan natin ah. :)
From: Lian Sandiego.
Keilah nicole!! Nakauwi ka na ba? Ako hindi pa eh. Dumaan ako sa infinitea cafe. Do you want some? Text me back okay? ;)
Hindi ko muna sila nireplayan agad. Pumasok na muna ako sa bahay bago magreply.
"Mano po nay" sambit ko sa lola ko. "Oh apo bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?" Sagot ni nanay. Si nanay nalang at ang pinsan ko nalang ang kasama ko sa bahay. Wala na kasi yung parents ko at mga kapatid ko eh. Nasa israel na, stay in na sila dun for good. Ako nalang na naiwan dito sa pilipinas kasama sila nanay para makapagtapos dito ng pag-aaral. 2 years nalang din naman graduate na ako. Mabilis nalang ito. Konting tiis nalang naman na.
"Ano po ang iniluto niyo nay?" Pagtatanong ko. "Lechong kawali apo ang paborito mo at ni Lem" si nanay talaga oh. Nabanggit nanaman niya si Lem. "Sakto! Paborito ko hehe! Iba ka talaga nay labyu!" Hindi ko nalang pinansin ang dagdag ni nanay na pati ni lem.
Hay naku! Buhay talaga. May mga bagay talaga na mahirap tanggalin lalo na kapag nakasanayan mo na .
And that hell kills me a lot. Nakasanayan na kasi ni nanay na nandito si Lem sa amin lagi. Hindi ko pa nasasabi pati sa kanya na wala na kami matagal na. Ang alam lang niya ang nagkakalabuan na kami.
"Apo, dumaan dito si Lem kanina. Tinanong ko siya kung bakit siya napadalaw apo"
Bigla kong nabitawan yung basong hawak ko at sa pagkakamanhid at pagkabigla dinampot ko agad yung basag na piraso ng baso. At minalas nanaman ako!
"Aray! Ang sakit dugo nay!!!" Pagmamandali kong sabi. Takot kasi ako sa dugo eh. Nanghihina ako pag nakakakita ako ng dugo. Agad na kumuha si nanay ng first aid kit at agad niyang ginamot ang sugat ko.
Ang pagmamahal mo sa isang tao kapag nabasag na ay hindi muna mababalik ito sa dati. Mananatali na itong basag hanggang sa dulo, kaya dapat hindi na pulutin pang muli para hindi ka na masaktan o masugatan.
"Panay hugot mo apo! Nasugutan ka na nga eh" sabat ni nanay. Napangiti ako at "Ganun po talaga nay pag nasaktan ka na patuloy pa din. Kailangan mong maging masaya kahit na nasasaktan ka na diba po?" Tumawa lang ang lola kong hyper. At sabay banat ng..
"May dalang pagkain si Lem kanina. Nilagay ko muna sa ref para daw sayo yun at binigyan niya naman ako ng paborito kong siopao" nakalimutan ko na.. Kaya pala ako nasugutan kasi sinabi ni nanay na nagpunta dito samin si Lem. "Bakit daw po siya napadaan dito nay?" Paguusisa ko *curious*
"Namiss daw niya ako at ang luto ko, nagkwentuhan lang kami at ipinagluto ko siya ng lechong kawali yung paborito nyo apo" Wala ng dahilan para pumunta dito si Lem. Ano bang nasa utak niya! "Ganun po ba nay.. *pilit na ngiti* mokong talaga yun eh. Sige nay aakyat na ako at aalis pa po kami nila janella at lian. May night out po kami eh" sambit ko at nagmandali na ako sa kwarto ko. Hindi ko na hinintay ang sagot ni nanay.
Pagkaakyat ko sa kwarto agad kong binuksan ang laptop ko at kinonkek sa speaker. Gusto kong kumanta ng malakas. Ni-lock ko na din ang pintuan ko para walang mag istorbo sakin.
Now playing: That's what you get by paramore:
Nakalimutan ko ng replayan si Janella at Lian. Kinuha ko agad sa table ang phone ko.
To Janella Ocampo:
Slr. Hindi ko pa alam eh. Let me decide later. Btw Pumunta daw dito si Lem dito sa amin kanina. I'll discuss it later. Mwa mwa.
To: Lian Sandiego.
Nakauwi ka na ba? Sorry late reply. Kumain kasi ako eh. Naku! Wag mo ba akong bilhan. Naiispoiled muna ako eh.
Humiga ako saglit sa kama ko at tinignan ang mga stars sa kisame. Sabay sabi ng "ano nanaman ba ang pumasok sa isip ni Lem bakit pa siya nagpupunta dito. I know na may iba na siya at bakit.. Bakit ba lem.. What the hell are you doing?" Naguguluhan ako kasi. Sa loob ng 9 months ngayon lang siya ulit nagpunta dito. Ayko ng magisip. Maliligo na lang ako.
20 mins ago.
Lumabas na ako sa bathroom. Agad naman tumunog ang phone ko.
1 message receive:
From: Lian Sandiego.
Are you done na ba babe? Daanan ka namin diyan ni janella. We are otw na hehe
Hindi ko na siya nireplayan. Pumunta nalang sila dito at sunduin ako. Hindi naman na sila iba samin. Agad akong nagbihis at nagayos para sa night out gusto ko maganda ako at mukhang hindi iniwan *tawa ng malakas* 10 minutes lang akong nagayos. Naka- short lang ako at sando with matching jacket. Sabayan pa ng dollshoes. Simple lang naman ako night out lang naman to eh. May i a chubby person atleast my pretty boobs thick out to my stomach. *sarcastic laugh* iba talaga pag plus.
Mabilis talaga akong kumilos. At nagmandaling bumaba kukuha ako ng oat drink kauhaw eh. Pagkabukas ko sa refrigerator namin agad na bumungad sakin ang ice cream cake na sobra kong paborito. Natakam agad ako ng biglang sabi ni lola ng..
"Yan ang dala ni lem apo. May envelope na kasama yan kaso nandun sa sala at kunin mo nalang" sambit ni nanay. Natahimik ako bigla at nagtaka nanaman na ano ang kaplastikan na meron si lem bakit niya ginawa to. At bago pa ako mainis dumating na sila Lian at Janella.
BINABASA MO ANG
Captured
Teen FictionAkala mo sasaya ka na sa piling niya. Akala mo perfect na, akala mo happy ending na. Iniwan-nabaliw-lumimot. Ang tadhana talaga ay sadyang mapaglaro. akala ko hindi na siya titiming eh. Pero nagkamali ako tiniming niya ang lahat.. Ng dahil iyon isa...
