Things will go right and wrong when you start moving on
Chapter Four
Gwyneth
SA buhay natin dapat marunong tayong gumalaw. Mga problema, pagsubok at sitwasyon ang ating mga kalaban. At ngayon sa sitwasyon namin? Dapat marunong kang makipaglaro para manalo. Sa malinis o madumi mang paraan. Kasi hindi lang basta ito laro na bagay o karangyaan ang nakataya. Buhay ang nakasalalay dito at ang pag-katalo ay ang kamatayan mo.
Nilingon ko ang mga kaibigan ko sa likod. Nandito na din kami sa wakas sa camp namin. Kita ko sa mga mukha nila ang pagod At puno ng paga-alala. Nakikita ko din na naguguluhan sila kung bakit kami bumalik dito.
Hindi naman kami babalik dito dahil sa wala lang. Bumalik kami dito dahil may dapat kami o ako na gawin. Ang makipaglaro sa kanya. Ang mahanap at mapatay ang nasa likod nito.
"Bakit ba tayo bumalik dito Gwyneth!? Nag-iisip ka ba? Mamatay tayo dito!" Bulyaw sa akin ni Rose.
"May plano kaba Gwyneth?" Tanong ni Bryan nang mahinahon.
Inayos ko ang sarili ko at tiningnan sila ng maigi.
"Hindi tayo bumalik dito dahil sa wala. Bumalik tayo dito dahil may kaylangan tayong gawin, at iyon ay makipaglaro sa gumagawa ni---"
"Whaaat!!? Gusto mo pang makipag-laro sa mamatay tao? Hindi lang to basta laro Gwyneth! May buhay na nakasalalay dito sa sinasabi mong laro!" Ani ni Rose.
"Shh. Patapusin mo muna si Gwyneth." Pag-papakalma ni Greg.
Inayos ko ang boses ko at huminga ng malalim.
"Alam kong naririnig niya tayo. Pero kung hindi ko to sasabihin ay hindi niyo ito maiintindihan. Hindi ko lang basta basta naisip ang dahilan kung bakit tayo bumalik sa gubat na ito. Bumalik tayo dahil dapat natin laruin ang laro ng nasa likod nito. At iyon ay ang mahanap siya at patayin. To win is to survive, to lose is to die in this game. Madami tayo, isa lang siya. Sino ang lamang?"
Tiningnan ko sila at tumango-tango sila sa sinabi ko.
"Takot? Hindi natin yan maiiwasan. Hindi tayo buhay kung wala ang takot, maalis natin ito kung lalabanan natin."
"Pero Gwyneth. Are you sure of this? Mahirap ang magdesisyon ng padalos-dalos." Sabi ni Lyn.
"Wala tayong choice. Isa itong pagsubok na dapat nating harapin dahil wala tayong takas."
"Pero paano natin mahahanap ang killer kung sama-sama tayo kikilos?" Tanong ni Drake.
BINABASA MO ANG
Project: Bloody Trip (Exclusive under Dreame)
Mystery / Thriller1 Project 15 Student The student were assigned to do a film and a group will only consist 15 They plan the project perfectly, a perfect that turned into epic The Scenes turned into bloody The act turned into morbid The play that supposed to be an ac...