Hide, keep and don't show your weak points
Chapter Five
Asprid
THIS place sucks. Hindi ko alam na may mangyayaring ganito sa amin. Kung alam ko lang na may murder na magaganap ay hindi na ako sumama.
We go here for the project tapos ganito? Nakakabaliw. Walang cellphone. Walang gadgets. Wala lahat. Nakakabored! Gusto ko na umuwi! Hindi ako makapag check ng mga social medias ko dito. Boring.
Tiningnan ko ang mga kaibigan ko habang nililibing si Claire sa isang hukay na lupa.
Bagay lang naman kay Claire yan. Buti namatay na siya. Wala na akong kaagaw sa crush ko sa school. Masyado siyang papansin kasi.
"Ok nayan. Mag-dasal muna tayo ng kaunti para sa katawan ni Claire." Sabi ni Gwyneth at nag sign of the cross at pumikit.
Sumunod ang iba pero ako ay nanatiling nakamulat. Pinagmamasdan ko sila habang nag-dadasal nang mapansin kong may nakatingin sa akin ng diretso.
Elijah
Bakit siya nakatingin sa akin? May problema ba? Hindi ko alam ang dahilan ng pag-tingin sa akin ni Elijah. Parang may laman ang tingin niya. Parang may galit.
Iniwas ko ang tingin ko at tinitigan nalang sila Gywneth na nag-dadasal. Pinikit ko ang aking mga mata hindi dahil sa gusto ko sumali sa pag-dadasal nila kundi dahil ramdam ko parin ang pag-titig sa akin ni Elijah.
"Amen." Sabi ni Gwyneth ng mahina. "Tara na. Lets go back to the camp."
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakitang kong nag-lalakad si Elijah kasunod ang iba na nag-lalakad din.
Dumaan siya sa harap ko at tumigil.
"Your going to die." Sabi nito at tiningnan pa ako ng mariin bago umalis.
Im going to die? Nag-simulang bumilis ang tibok ng puso ko at nerbyos. Hindi kaya si Elijah ang murderer? Bakit niya sinabing mamatay ako?
Nag-simula na din akong mag-lakad habang nag-iisip.
Warning kaya yun? Dahil ako na ang sunod niyang bibiktimahin? Kung ako na nga ang next na target ni Elijah ay hindi ako makakapayag na mamatay na walang ginawa.
I will fight for my life, Fight in my very best. Hindi ako makakapayag na mamatay nalang sa mga kamay niya. Madami pa akong dapat gawin sa buhay ko. Selfish na kung selfish basta kahit mag-kaubusan kami dito ay ipaglalaban ko ang buhay ko. I will always think my safety before the others.
"Kumain na kayo ng lunch guys. Alam kong gutom na kayo." Sabi ni Gwyneth nang makarating kami dito sa camp.
Tiningnan ko ang oras ng relo ko. '1:00 PM' Hapon nadin pala.
Pumunta ako sa tent ko at tiningnan kung ano ang pwedeng kainin nang biglang may nag-takip ng bibig ko at tinutukan ang leeg ko ng kutsilyo.
"Gusto mo ba mabuhay?" Sabi ng tinig na alam ko kung kanino.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil baka sa isang galaw ko ay baka tumama sa akin ang talim ng kutsilyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/60019758-288-k5683.jpg)
BINABASA MO ANG
Project: Bloody Trip (Exclusive under Dreame)
Mystery / Thriller1 Project 15 Student The student were assigned to do a film and a group will only consist 15 They plan the project perfectly, a perfect that turned into epic The Scenes turned into bloody The act turned into morbid The play that supposed to be an ac...