Summer na summer kaya nandito ako sa dining area para kumain ng breakfast. Wala akong magawa sa bahay kundi aral, kain, exercise at matulog. Hindi lang ako nag-iisang anak kundi meron akong isang kapatid na nangalan na Sophie. Oo! Puros kaming babae at same kaming dalawa. Laging aral ang fino-focus namin. Tss!
Meron kaming mga magulang at ang pangalan nila ay Sapphire Yu (mama) at Sonny Yu (papa). Tss! Kung tatanongin niyo ko kung sino ang pinaka-makulit sa buhay ko. Kundi yung mga magulang ko lang. Tss! Apat lang kasi kami dito sa bahay. Hindi siya masyadong malaki kundi saktong-sakto lang sa pang-apat na membro ng pamilya.
Kontento at masaya naman ako sa buhay ko. Kahit minsan maiirita ako sa mga suggestions ni mama sakin ay sinusunod ko parin. Ays! Ewan ko ba! Basta ang gusto ko lang ay makapag-isa. Yun lang! At ayokong meron taong umaapak sa buhay ko. Lalong lalo sa makukulit na tao. Tss!
"Sabrina?" Tawag ng ina ko.
"Yes! Ma?" Sagot ko nito habang focus parin ako sa kinakain ko.
"Meron tayong bisita at gusto ko na ipakikilala kita sa kanya." Sabi ni mama sakin.
"At sino naman yan?" Tanong ko parin habang hindi ko parin inaalis ang mga mata ko sa pagkain.
"Kaklase ng papa mo nuon." Pagpatuloy niya.
"Ah! Ganun po ba. Sige. Susunod lang ako sa inyo."
Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang pagkainan at napasyahan kong pumunta sa visiting area kung san nandun ang bisita nina papa at mama. Nadatnan kong nagtawanan silang tatlo. Except nalang sa kapatid kong busy'ng busy sa pagbabasa ng libro. Tss! Mana'ng mana sa akin. Tss!
"Oh? Nandito ka na pala, Sab." Sabi ni Papa at nilapitan ako.
"Marco, Ito pala si Sab. Ang eldest sister ni Sophie." Sabi ni Papa kay Tito Marco. Tss! Mag tito ako kahit papano ay marunong din akong gumalang sa mga matatanda.
"Good morning Tito"
Sabi ko nalang at umupo ako sa tabi ng kapatid ko. As usual. Tahimik kaming dalawa at nagkatinginan lang. Hmmm! Hindi kasi kami mahilig mag open up na kung ano-ano. Minsan lang kami mag uusap. Kung mag-uusap man kami ay puros Subjects lang naman. Tss! Bihira lang kami magka-bonding sa isa't isa.
Binalingan ko ang tingin ko kina mama at papa. Hindi ko ini-imagine na ganun sila ka jolly. Samantala kaming mga anak nila ay halos hindi marunong tumawa. Ewan ko ba kung san kami nagmana.
"Oo nga! Matagal na kitang hindi nakita pre. Ah! Siyangapala. Musta naman yung restaurant mo?" Tanong ni papa.
Nakikinig nalang ako sa kanila habang pinipikit ko ang aking mga mata. Sa totoo lang, Hindi akong klase ng tao na mag-e.entertain nagbisita. Tss! Knowing my mama and papa, Tss! Hindi ako tantanan kong hindi ako makikisali sa kanila. Alam kong medyo worried sila sakin dahil lagi nalang libro, kain, exercise at tulog lang ang inaatupag ko. Kaya ito naman ang katabi ko na si Sophie ay mukhang nakuha niya ang ugali ko. Manang-mana sakin. Tss! Ang gusto lang naman ng magulang namin ay meron kaming kaibigan na laging pumupunta dito sa bahay namin. Ngunit, ayaw ko--namin. Ewan ko ba! Basta maiirita ako kapag meron akong kasamang napaka-daldal. Same ngayun, Napaka ingay ni mama at papa. Tss! Hindi ko maiimagine ang sarili ko sa kanila. Tss!
"Maayos naman ang restaurant at maraming costumers na pumunta dun. Sa inyo naman, Musta na yung business niyo? Meron na ba kayong pinalabas ng bagong model nalaro-an?" Tanong naman ni Tito Marco.
Nakikinig lang ako sa kanila. Yup! Meron kaming business at yun yung gumawa ng laru-an. Isa sa pinaka-masikat ang kompanya namin dito sa pinas. Bilib rin ako ni papa kahit may kalog yan sa utak ay utakin rin ito. Tss! Yun nga lang, Magka-iba kami ng ugali. Tss!
"Musta na naman yung anak mo?" Tanong ni papa kay Tito Marco. Medyo umiiba ang expresyon ng mukha niya at nawala ang ngiti sa labi ni Tito Marco.
"Ewan ko ba. Simula ng nasunogan kami ng bahay ay umiiba na ang mga kinikilos ng anak ko. Bihira na akong makikita sa kanyang na naka-ngiti." Lungkot ng sabi ni Tito Marco. Tss! Anubayan. Nasunogan lang ng bahay. Nagdra-drama pa! Tss-_-
"Ow? Bakit naman?" Tanong ni papa na may halong pag-alala kay Tito Marco.
"Maraming ala-ala ang binilin ng mapayapa kong asawa sa bahay namin nun. Alam kong bata pa siya nung namatay ang ina niya pero hindi niya nagawang makalimutan ito dahilan sa masasayang ala-alang ibinilin dito." Pagpatuloy ni Tito Marco. Hmm! Ganun pala. Tss! Iba rin ang anak niya eh! noh?! Ang emotional lang at ang oa. Tss!
"Ah! Ganun pala. Ang lungkot-lungkot naman niya." Sabi ng mama ko na may lungkot sa mukha niya. Hah! Seryoso, Ang OA nila ha! Tss!
"So? Ano ng planu mo ngayun? San kayo nakatira?" Tanong ni papa kay Tito Marco.
"Samantala pa kaming umu-upa ng Apartment pero hindi pa rin kami magtatagal dun at maghahanap agad ako ng bahay na malapit lang sa bagong paaralan ng pinapasukan niya ngayun taon." Sabi ni Tito.
"San naman siya nag-aaral?" Tanong ni mama
"St. Marciano Jose Academy." Sabi ni Tito ng nakapikit parin ang aking mga mata nang.. Nabigla ako sa sunod kong naring.
"Pwedeng-pwede na dito muna kayo tumira samin. Total naman, Ang laki-laki rin ng bahay dito para sa amin. Atsyaka, gusto kong makilala ang anak mo, Marco." Sabi ni papa at sumang-ayon si mama.
Anakng! Hindi ako makakapayag.. Magsasalita na sana ako ng..
"Okey lang ba sa mga anak niyo? Hindi naman kami magtatagal dito at kapag nakakita na akong malilipatan ay lilipat kami." Sabi ni Tito. Tumingin sina mama at papa sa akin at naghihintay sa desisyon ko. Alam ko naman na sa ayaw at sa gusto ko ay dito parin sila patitirahin ng mag-ama dito. Tumingin ako sa kapatid ko at bumuntong hininga lang siya at tumango nalang ang tanging isasagot niya.
"Okey fine!" Sabi ko nalang at napa-cross arms nalang. Tss! Sana naman ay hindi magulo ang anak niya kundi.. Bokbokin ko talaga siya ng mga libro ko. Tss!
"So? Kailan kayo lilipat?" Tanong ni mama na maya halong excitement sa katanongan niya.
"Siguro after sa first day of school niya." Sagot ni Tito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast, hindi masisira ang summer ko. Tss! Ano kaya klaseng anak ang meron siya? Madaldal kaya? Base kasi sa mananalita niya parang babae ang anak niya. At for sure, madaldal rin ito katulad ng papa niya. Tss! Anubayan. Meron na kaming makakasama dito sa bahay. Tss!
Well! Good luck to me. Tss!