"Ikaw?!"
"Siya?"
Anakng!! Don't tell me.. Siya yung anak ni Tito Marco??! A-ah!!!
"Iha! Anak ko nga pala!" Tito Marco
A-ah!
Seriously?!!
Akala ko ba babae ang anak niya? Tss! Anubayan!! Mukhang hindi maganda ang buhay ko kapag nandito siya sa pamamahay namin. Tsk!
"Magkakilala kayo?" Sabay tanong ni papa at tito samin. Tss!
Ay!! Oo nga pala.. Hindi ko pala alam ang pangalan niya. Tss!
"Yes pa!" Sabi ko nalang at umupo sa tabi ni Sophie na may dalang PSP. Tss!
"Anubayan!! Magkakilala na pala ang mga anak natin. Kaya wala na pala tayong problema sa pag-a.adjust nila sa isa't isa." Sabi ni Mama na may ngiti sa labi.
"Oo! Tita. Kilala ko po siya. Kaso lang po, Hindi pa ako nakipag-kilala sa kanya kanina." Sabi niya na may ngiti sa labi niya. Tss! Anu ba tong lalaki nato. Lagi lang naka-ngiti. Tss! Parang bakla kung umasta. Tss! Akala ko pa naman babae ang anak ni Tito Marco. Siguro, tatanggapin ko kung babae ang anak niya pero ngayun na nasa harapan ko ang anak ni Tito Marco ay hindi ko alam kong makaka-sundo kami yan. Lalo na't lalaki yan at babae ako! At base sa observation ko, Mukhang happy go lucky lang ito at close na agad sila ni papa at Papa. Tss!
"Iho! Ipakikilala mo ang sarili mo sa kanya. Wag kang mahiya." Sabi ni papa na may halong kalokohan sa labi niya. Tss! Kaya tumayo siya at lumapit sakin.
"Hi Sab. Ako nga pala si Marvin." Sabi niya at inilahad niya ang kamay niya para makipag shake hands. Ngunit hindi ko ito tinanggap at tumayo na rin ako sa kina-uupo.an ko.
"Well! Its nice to know your name, Mister!" Sabay talikod at umalis sa visiting area. Alam kong hindi magandang asal ang pina-pakita ko sa kanila. Tss! Hindi ko mapigilan mainis sakanya. Tss!. Ewan ko ba!
Andito na ako sa room ko at nagbabasa ng libro. Ito nalang ang tanging paraan para mawala ang bad vibes ko sa lalaking nasa bahay namin. Tss! Masasabi ko lang na "SMALL WORLD" talaga. Tss!
Knock! Knock!
"Come in."
Pumasok ang kapatid ko na may dalang Math Book at umupo sa may sofa sa loob ng room ko.
"Ano'ng ginawa mo dito?" Tanong ko dito.
"Wala lang. Gusto ko lang mag-aral dito sa kwarto mo." Hindi ko parin ini-alis sa mata ko ang binabasa kong libro. Tumahimik siya saglit at nagsalita.
"I don't like him." Dun ako natigilan at huminto ako sa pagbabasa. Sinandal ko ang ulo ko sa backrest ng upu-an ko at huminga ng malalim.
"Well. The feeling is mutual." Sabi ko at nilingon ko siya. Ito ang first time kong makipag usap ng ganito sa kapatid kong babae.
"Tss! Ang ingay-ingay niya, Ate. Kaya nga nandito ako sa kwarto mo." Tiningnan ko siya na may halong pagtataka sa mukha ko. Oo nga naman! Bakit nandito siya sa kwarto ko?
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil ang ingay sa kabila ng kwarto. Which is, Marvin's room." Sabi pa niya.
Tumango-tango nalang ako at bumalik sa librong binabasa ko. Tss! Ano klaseng lalaki ang meron siya? Hindi ba siya marunong mahiya? Tss! Sana naman ay makahanap na si Tito Marco ng bagong malilipatan para naman ay bumalik na ang dati kong buhay. Dahil naisisguro kong ito ang simula ng pagbabago ng buhay ko.
Marvin's POV
Hindi ko inaasahan na ang anak ni Tita Sapphire at Tito Sonny ay yung ultimate crush ko. Alam ko sa sarili ko na lagi akong inspired dahil lagi ko nang makikita si Sabrina. Hindi lang sa school kundi dito sa loob ng bahay nila. Hehe! Mababait naman ang mga kaibigan ni papa. Tss! Yup and yes! Ito talaga ang personality ko. Alam kong maypagka-BAKLA nga lang pero wala akong paki-alam. Basta ang importante ay.. Masaya ako!
Masyang.. Masaya!
Knock! Knock!
Bigla lang bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ni Tita Sapphire na alam kong magiging ina ko rin ito in the near future. Wew! Joke lang.
"Yes tita?" Abala akong nagliligpit ng mga gamit ko habang nag-p.play ang music sa loob ng room ko. Seems like, Pinaghandaan talaga nila ang paglipat namin ni papa dito. Kompleto kasi ang mga gamit dito. Hmmp! Umupo siya sa bed ko.. Wew! Naki-BED na ako huh?! Hehe.
"Dinner is ready. Kaya mamaya nalang yan." Sabi ni Tita.
"Ah. Susunod nalang po ako tita. Nakakahiya naman sa inyo." Sabi ko nalang at itinuon ang pansin ko sa mga gamit ko.
"Ano ba yan. Gusto ko sana na kompleto tayo sa pagkainan." Pang-tatampo ni Tita. Tss! Nahiya tuloy ako ni Tita. Tumigil ako sa pagliligpit ng gamit ko at lumapit sa kanya.
"Sorry po, Tita. Sige. Mamaya ko nalang 'to tatapusin." Sabi ko nalang at sabay kaming lumabas sa kwarto ko. Naks! Naki-kwarto na ako ha? Hehe.
Habang papunta kami sa dining area ay maraming sinasabi si Tita sakin about sa mga anak niyang babae at ako naman ay nakikinig lamang. Hmmp. Grabe! Ang daldal ni Tita. Ibang iba talaga si Sabrina sa kanya. Hehehe.
"Pasensya sa inasal ng mga anak ko ha? Lalo na si Sabrina. Simula nung bata pa kasi siya ay wala siyang naging kaibigan kundi libro lang. Kung meron man! Eh, yun yung mga guro lang sa paaralan niya. Yun lang." Sabi ni Tita
Hmmm! Kaya pala. Hmmmm.
"Okey lang po yun, Tita." Ngumiti siya sakin at ako rin.
"Ow? San uupo si Marvin?" Tanong ni Tito kay Tita. Ngumiti naman si Tita sakin sabay sabing.
"Sa tabi ni Sab. Ay! Oo nga pala. Nasan na sina Sab at Sophie?" Tanong ni Tita kay Tito.
"Papunta na sila dito." Sagot naman ni Tito at ako naman ay umupo sa upu-an ko. Wala si papa dahil busy siya sa restaurant niya. Inihatid lang niya ako kanina lang para hindi daw ako mahiya. Eh? Kailan naman ako marunong mahiya? Eh? Wala naman yan sa vocabulary ko. Hehe!
"Hi! Ma. Hi! Pa." Salubong ni Sab at Sophie sa kanyang mama at papa. Kini-kiss nila ito sa pisngi. Umuna'ng umupo si Sophie ngunit si Sab naman ay nanatiling nakatayo.
"Oh? Bakit hindi ka pa umupo?" Tanong ni Tito. Tiningnan lang niya ako ng maigi at walang ka emosyon ang mukha niya. Tss! Ano ba klaseng babae ito. Lagi lang nakasimangot. Hmmp! Pero kahit ganun. Cute parin siya sa paningin ko. Lol!
"San po ako uupo?" Tanong nito
"Sa tabi ni Marvin." Sagot ni Tita na ito ang ikina-gulat niya.
"Tss!" Umupo siya sa tabi ko at nagsimula ng kumain.
"Ay! Wala man lang pray?" Sabi ko at dun siya napatigil sa pagkainan niya. Lumingon siya sakin at napa-iling. Hmmp!
"Ay! Ang cute mo naman iho." Sabi ni Tita. Tiningnan lang ako ni Sophie at yumuko. Tss!
"Sino'ng mag-le.lead?" Tanong ni Tito.
"E sino ang nagpasimuno?" Tanong naman ni Sab na may halong irita sa mukha niya.
"Ako. Ako ang mag-le.lead." Sabi ko at nagkatinginan kaming dalawa. Huh! Ang ganda ng mukha niya. Ayiie. Kinikilig ako ;p