Tapos na ang summer vacation namin at ngayun na ang first day of school ko. Tss! Hindi ako excited dahil wala naman akong close friends dun sa school na pinapasokan ko. Kung meron man ay yung mga professors lang naman.
"Bye! Ma." Paalam kong mama sabay halik sa pisngi. Umalis na si papa dahil maaga ang meeting niya sa kompanya nila. Aiest! Yung kapatid ko naman ay kumakain pa sa breakfast niya.
"Bye! Sophie." Sabay halik sa pisngi niya.
Hindi ako mahilig sumakay ng bus papuntang school. Mas prefer ko pang maglakad dahil gusto ko ma-freshen up ang utak ko. Lalo na't panibagong discussions nanaman ang sasalubongin ko sa klase. Hmmm! Nag-advance read ako sa mga lesson, na alam ko naman na ito ang e-di.discuss na mga guro ko. Mas magandang mag review kaysa walang laman ang utak.
Pumasok na ako sa HS CAMPUS at pumunta ako sa bulletin board kong san nakalista ang mga pangalan namin at kung sino ang Group A to C. And luckily, nasa Group A parin ako. Which is, hindi na panibago para sakin. Hmmp! Pupunta na sana ako sa room ko nang meron akong nakitang lalaki na mukhang estudyante naman dito. Mukhang nawawala siya dito at mukhang napapansin niya ang presensya ko. Kaya lumapit siya sa kinatatayuan ko at ngumiti.
"Excuse me Miss. Saan po ba ang Principal's Office?" Tanong niya na may ngiti pa sa labi. Tss! Mukhang alam ko na. Transferee student siya dito. Tss!
"Dun lang." Itinuro ko ang office at tinignan ko ang relo ko. "Sa tingin ko ay.. Nandun na siya sa office niya ngayun." Sabay lakad na sana nang..
"Ano'ng meron sa Principal's Office?" Tanong niya at bigla ako nakaramdam ng inis sa lalaki to. Tss! Huminga ako ng malalim at hinarap siya.
"Aba! Ewan ko." Sabay alis ko sa harapan niya. Tss! Umiiba na ang araw ko sa lalaki yun. Tss!
"MISS!" Tinawag niya ko kaya hindi na ako nag-abalang lumingon sa kanya. Tss! Baka! Masusungitan ko pa siya. Tss!
___
Pumasok ako sa room ko. Alam ko naman na ito ang room ng Group A dahil may nakatatak sa labas ng pintuan namin. Ay! Oo nga pala. I forgot to say this... First year HS na ako and still, Hindi ko parin naranasan ang magkaroon ng kaibigan. Alam ko naman na gagamitin ka lang nila dahil may gusto silang hihingin sayo. Tss! Yan ang ayaw-ayaw ko sa lahat.
___
Natapos na ang first day of school ko kaya naglakad na ako papunta sa amin. Tss! Hindi ko ini-expect ang nangyari kanina lang. Tss! Lalong umiinit ang ulo ko kapag naaalala ko yung lalaki na yun.
Flashback
Nag-iisa lang akong tumambay sa loob ng room ko. Medyo kaunti lang kami ang narito dahil ang iba naman ay nag-ta.take nang recess. Ako naman ay nagbabasa ng libro sabay kagat ng sandwich ko. Ito naman lagi ang bina-baon ni mama sakin. Which is, Kakainin ko naman. Hmm!
"Sabrina" Tumawag sakin ang isa kong ka-klase. Magkakilala kaming lahat dahil since grade school ay magka-klase kami. Lumingon ako sa tumatawag sakin at hindi parin nagbago ang expresyon ng mukha ko. Kundi palaging BLANKO!
"Ano yun?" Tanong ko nito sabay tingin na naman sa libro ko.
"May naghahanap sayo." Hindi na akong nag-abalang tiningnan ito at nabigla lang ako ng meron lumapit sa akin ng isang group of boys. Kaya tumigil ako sa pagbabasa at tiningnan ko ang mga mukha nila. Nasa harapan sila sakin at ang masasabi ko lang ay hindi pamilyar ang mukha nila. Except nalang sa centro nakikita ko kanina'ng umaga. Bigla nalang nawala ang mood ko sa pagbabasa at tiningnan ko sila ng seryoso.
"Ano'ng kailangan niyo?" Tanong ko habang ini-iscan ko ang mga pages na binabasa ko.
"Ah! Miss Yu. Meron sana gustong makipagkilala sa iyo." Sabi nung isa. Hindi ko parin ini-alis ang tingin ko sa mga pages na ini-iscan ko.
"At bakit naman?" Tanong ko dito at tumigil ako sa pag-scan at isinuri ko sila hangga't ulo at paa.
"Mga Group C ba kayo?" Tanong ko nito. Habang nag-co.cross arms. Yung mga kaklase ko naman ay natigilan sa mga ginagawa nila at nakikinig samin. Siguro, Hindi sila naka-paniwala na ang isang group C class ay naka-tung.tung sa Group A territory.
"Oo! Group C po kami." Sabi ng isang lalaki na may halong ngiti sa labi niya. Bumalik na naman ako sa pag babasa nang..
Bigla lang lumuhod ang lalaking kanina lang tahimik.
"Ano'ng?---" Tumingin ako sa paligid ko at maski sila ay nagulat sa ginawa ng Transferee Student.
"Pwede po bang makipagkilala sayo?" Sabi niya. Medyo nakaramdam ako ng init sa loob-loob ko. Hindi sa kilig kundi sa inis! Tss! Anubayan. Naiilang tuloy ako sa mga kaklase ko.
"Tumayo ka nga." Sabi ko sa kanya but still. Hindi siya tumayo at lumuhod parin siya sa harapan ko.
Seriously?! Ganun ba talaga siya kagustong makilala niya ko?! Tss!
"Ayoko! Gusto ko makipag-kilala sayo." Sabi niya at nakipag-titigan sakin. Tss! Mapasubo ako dito ah! Tss! No choice ako kundi..
"Sabrina is the name. Kaya pwede ba! Umalis ka na sa harapan ko. Nakakainis!" Sabi ko nalang at nag-e.expect ako ng masakit nang salita galing nang..
"Wow! Ang ganda ng pangalan mo. Its nice to meet you again, Sab 😊".
Ano'ng?!! Naki-SAB.SAB siya sakin? Tss!
Ngumiti siya at inabotan ako ng white envelop. Tss! Hindi ko yun pinansin at umalis sa upu-an ko. Tss!
End of Flashback
Grabe! Iba yung lalaki na yun ah? May lakas siyang tumungtong sa Territory namin. Siya at ang kasamahan lang niya ang may ganang makipagkilala sakin. Tss! Iba na talaga ang Group C ngayun. Walang magawa sa buhay kundi magpapansin sa iba. Tss!
Pumasok na ako sa bahay ng meron akong narinig nang tawanan sa visiting area. Kaya dun kulang naaalala na ngayun pala ang lipat ni Tito Marco sa bahay namin. Tss! Aakyat na sana ako sa hagdan ng tinawag ako ni Mama.
"Oh! Iha. You're here na pala. Come here! Ipakikilala kita sa anak ni Tito Marco mo." Sabi ni Mama at hinila ako. Tss! Nagpahila nalang ako dahil wala naman akong magawa. Tss! Hangga't naka tungtung na ako sa visiting area ay dun lang ako natigilan ng makita ko yung anak ni Tito Marco.
"Ikaw?!"
"Siya?"
Anakng!