A/n: Tatapusin ko na to tinatamad na po ang author :p Actually almost 3 years na nakatengga tong story na to di ko maupdate kase walang maayos na plot, ito ang unang kwentong sinimulan ko pati na ang I fell inlove w/ a ghost but unfortunately nabura ko yung isa. Napamahal na sakin lahat ng tauhan dito especially si Mikari dahil medyo jeje pa ako ng mga kapanahunang inisip ko ang mga pangalan nila haha XD well yun lang ang saya kase at ang lungkit na isasarado ko na ang kwento nila. Hindi ito maganda pero para sakin ito ay isang masterpiece ng tulad kong tamad na writer :) Thank u sa lahat ng bumasa.
----------------------*
Mikari POV
This is the right time to be set free I guess?
Nandito ako ngayon sa puntod niya.
Matagal tagal na rin pala simula ng hindi ako dumalaw dito.
Kumusta ka na Harry?
Sa lahat nga naman ng tao bakit ako pa ang nasaktan? Bakit kailangan si Harry ang kunin? Pero alam ko naman na wala akong magagawa.
Umupo ako sa harap ng puntod niya at inilapag ang mga bulaklak na dala ko.
After so many years ngayon ko lang ulit narandaman ang sakit, panghihinayang at lungkot.
Tuluyan na akong napahagulgol at yumuko sa lapida ni Harry
"H-arry...Alam mo ba na nagmamahal na ulit ako? Gusto ko lang sana h-umingi ng blessing mo kahit nasa langit ka na..."
Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita.
Pumikit ako upang maramdaman ang hanging tumatama sa aking mukha, na parang pinapahid nito ang mga luha ko.
"Harry ikaw ba yan?"
Napangiti na lamang ako kahit lumuluha ang mga mata ko. Siguro kung may makakita saakin ay iisipin nilang baliw na ko.
Umihip ulit ang hangin at para bang sinasabi nito na wag ako malungkot.
"Sana masaya at maayos ka dyan sa kinalalagyan mo hon, thank you for all the love you gave at sa mga sacrifice mo para maprotektahan ako. You will always have a place in my heart but... I need to be free from our past now, Sana wag kang magalit sakin kung magmamahal akong muli. Ayoko mang aminin pero mas mahal ko nga ata siya kesa sayo...I'm sorry"
Umiyak lang ako ng umiyak sa puntod niya. Hindi ko alintana kahit umuulan na pala.
"Are you also sad and happy for me?"
Tumingala ako sa langit upang salubungin ang ulan. Tumayo na rin ako mula sa lupa, kahit puro putik na ko hindi ko ito alintana.
"This is my last goodbye for you Harry. I Love you"
Tumalikod na ako at nagsimulang tumakbo sa kung saan, hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Hindi ko na rin inintindi ang gamit na naiwan ko, ang cellphone, bag at kotse ko.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mapadpad ako dito sa Parking lot ng School namin.
Kung saan ko unang nakita si Shaun
How Ironic? Yung pinakaaayawan ko noon ay siya pang minamahal ko ngayon.
Tama nga si Kyiel
'I still remember the feeling I felt when I first started talking to you.'
yeah I still do, I know this is Love.
but I won't tell it to the you because I'm afraid on losing the friendship we have.
"Hey, are you still thinking about..."
BINABASA MO ANG
Mr.Bipolar meets Ms.Bitter (COMPLETED)
Teen FictionWhat will happen if a maldita and bitter girl met a bipolar boy? Pwede kaya maging sila? Kung di maiwan ni girl ang nakaraan nia? lets find out if this two person can accept each others attitude. (This is the first story n gagawin ko haha sorry kung...