Little Jologs

33 1 0
                                    

Kyiel POV

Kasalukuyan kaming nasa kusina matapos titigan ni Mikari ng matagal yung kasama ni Tina.

I know Tina, dahil nakalaban ko na sya sa mga declamation at quiz bee.

"Oh my gosh Kyiel your shirt is so pretty naman. Can I harbour it na lang?"

dumudugo ang ilong ko sa pagsasalita ni waher.

"Teka waher umayos ka nga ng pagsasalita, di ka naman ganyan dati ah."

Tumalikod na lang ako at tinuloy ang paglalagay ng bigas sa rice cooker. Nagluluto naman si Tina at Kari ng Beef Terriyaki habang si Waher ay sinusundot yung pisngi ni Mabeth ata yun.

Humarap naman samin si Kari dahil magkakatabi nga kami nina waher, nakaupo pa nga si waher sa lababo eh.

"Hey Mabeth, right? Hindi mo ba natatandaan ang dyosang si ako?"

Ang hangin d( ,- -)b

"Ah...eh..ano po ahmm...di ko po tanda...pasensya na po."

lumuhod pa sya at halos mangilid ngilid na yung luha niya.

Grabe, baliw na ba sya? Bakit sya nakaluhod?

Napatalon naman si waher sa lababo at dahil dakilang tanga sya nadaganan niya si Mabeth at ang Ending parehas yung putok ang labi nila.

"Oh my gosh Mabeth! Bakit ka ba kase lumuhod? Ayan tuloy putok yung labi mo."

Nag aalalang sabi ni Tina habang ginagamot si Mabeth na nasira din pala ang salamin niyang napaka kapal.

Tsk...tsk...ang baliw kase ni Waher -.-

"Tanga kase to si waher, ano naman naisipan mo at tumalon ka sa lababo? Ikaw naman Mabeth bakit ka lumuhod inaano kita?"

Kasalukuyan kong ginagamot si Waher habang si Mikari nalang ang umasikaso ng kakainin namin.

Naluto naman ang pagkain at nasa dining area na kami ng napaka laking bahay ni Kari.

*kring*

tumunog yung cp ko, may nagtxt ata.

Muntikan na kong mabulunan dahil nagtext si Lloyd

From: Lloyd~

'Hey Kyiel pwede ba akong humingi ng favor?'

To: Lloyd

'Ah...ok ano ba yun?'

From: Lloyd

babasahin ko na sana yung next message nang...

"Whooo kilala ko ba kung sino tong katext mo Kyiel?"

Nakangisi si Kari habang yung tatlo naman ay nakatingin sakin na nagtataka.

Agad naman akong namula at itinago ang phone ko sa ilalim ng lamesa.

Tsk...mamaya ko na nga lang babasahin :/

"Anong nagtetext ka dyan? Nagdedelete lang ako ng Video ng seventeen."

Humagalpak naman sya ng tawa kaya tumuloy na lang ako sa pagkain.

"Hoy Kari I brought some Pizza and drinks nga pala."

Namumuulan pa si waher habang tinuturo yung pizzas at drinks sa sala.

"Oh tapos anong gagawen ko?"

Ngumuso naman si Waher at inirapan na lang ang malditang si Kari

"Oh We also brought Doughnuts ni Mabeth, yun kase yung business nina Mab eh."

Nakangiting sabi ni Tina habang si Mabeth naman ay halos isubsob na ang mukha niya sa plato.

"Oh? That's great Mabeth, anong Company ba yung pagmamay ari niyo?"

Tanong ni Kari na para bang yun na yung pinaka interesting na bagay na nalaman niya sa gabing ito.

"Ahmm...ano, Fairy Dough--"

Naputol naman ang sasabihin ni Mabeth ng biglang tumayo si Waher sa upuan niya.

"Oh my golly godness gosh! You own the Fairy Dough & Drinks? Oh my God how come?"

Nagtatalon pa siya kaya binato ko sya ng tissue sakto sa mukha niya.

"Tumahimik ka nga, ingay mo. Tinatakot mo si Mabeth."

Ngumuso lang sya sakin at binalik ulit yung tingin habang nagniningning ang mga matang nakatingin kay Mabeth.

Hmmm...medyo Jologs sya pero maganda naman sya. Bakit ba ganyan ang suot niya?

Napatingin naman ako kay Mikari ng bigla niya akong batuhin ng tissue.

"Ano problema mo?"

Tanong ko sakanya habang siya ay tawa ng tawa, baliw na ata to.eh.

Mr.Bipolar meets Ms.Bitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon