Chapter V: Chess

244 24 12
                                    

Huh? Nasaan ako.

"Ayos ka lang Celia?" Biglang may nagsalita banda sa likuran 'ko, nilingon 'ko ito at nakita muli si Aloia.

"Ano nangyare?"

Tanong 'ko habang tuloy-tuloy tumutulo ang aking pawis.

Nandito nanaman ako. Bakit!?

"Hindi mo ba natandaan? Sinabi ni Rad yung name ng first na game, pero umalis muna siya at sinundo ang magiging host ng game."

What? Hindi niya alam na nawala ako?

Tumayo nalamang ako dahil nakaupo ako sa damuhan.

"Saglit lang ha."

Sinabi ni Aloia at naglakad papunta roon sa lamesa na may mga pagkain. Lalakad na sana ako papunta roon ng may marinig akong sumitsit.

Sinundan 'ko naman kung saan iyong sumisitsit. Umalis ako roon kung nasaan ang ibang Alice. Nahinto ang sitsit, napansin kong sobrang layo 'ko na roon sa pwesto pero tinuloy 'ko pa rin ang paghahanap sa sumisitsit kanina.

Binuklat 'ko ang sobrang daming halaman at nakita roon ang hatter na umiinom nanaman sa kaniyang tea cup, at sa kabilang upuan ay may nakaupong lalake rin.

"Ah nakita mo kami, nakita niya tayo Mach! Nakita niya tayo."

Ayan nanaman ang nakakaloko niyang pagsasalita habang tinuturo ako ng nakatingin doon sa Mach.

"Magandang gabi sa'yo." Bati ng Hare.

"Umaga diba?" Tinuro ko naman ang maliwanag na kalangitan.

"Umaga na ba? So, umaga na pala."

"Pasensya na dahil sa aming tahanan ay laging gabi." Ngumiti naman ito at nagbukas ng newspaper at nagbasa.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa mga ito.

"Gusto mo bang malaman ang ginagawa namin? Gusto mo?"

At ngumiti siya ng nakakaloko. Napasimangot nalamang ako. Hindi talaga matinong kausap ang isang 'to.

Tumingin naman ako sa hare, baka sakaling mas matino siyang kausap. Bigla ito naglabas ng tea cups at nagsalok ng tea dito at sinabing.

"Come and join us for some tea."

Umupo ako roon sa extra seats at kinuha ang tea cup na sinalinan ng hare. Ininom ko muna ito bago muli nagtanong.

"So, anong ginagawa niyo rito?"

"Gusto mo talaga malaman kung anong ginagawa namin, diba! Diba!"

"Shut up. Si mach kinakausap ko hm!"

Napansin 'ko naman na bigla itong nag pout at umiwas ng tingin.

"Another cup of tea."

Bigla nanaman niya sinalinan ang baso ko.

"Maaari mo bang sagutin ang tanong ko-."

"Don't talk and drink it."

Eh? Mas malala pa ata ito sa hatter. Nakailang refill na ito halos puro tsaa nalamang ang laman ng tiyan ko.

"Hey." Biglang tawag sakin ng hatter. halos hindi 'ko na alam kung anong emosyon ang ipapakita 'ko, ang sakit na talaga ng tiyan 'ko!

Biglang linapit ng hatter yung mukha niya sa'kin.

"Ba.bakit?"

Bago pa ako makausog ay pinunta niya ang mukha niya sa gilid ng mukha 'ko at mayroon itong binulong.

Seryoso kaya siya?

"Alice #000 what are you doing here?"

Nagulat ako bigla ng nagsalita ang rabbit na nasa likod 'ko. Tumingin ako sa paligid 'ko at wala na ang hatter at hare pati na rin ang mga tea cups.

"Wa.wala naman haha!" Napakamot nalamang ako sa ulo 'ko.

Sinundan 'ko na ito sa paglalakad, bumalik na kami muli kung nasaan ang ibang alice.

Tinanong ako ni Aloia saan ako nagpunta at sinabing jan lang naman.

Nabalik ang tingin ko ng ipakilala ng rabbit ang magiging host.

Ang pusang lalaki. Ang sabi ng hatter ay Chess ang pangalan nito.

Ngunit mayroon akong pinagtataka, hindi ko alam kung tama ako o mali ang hinala 'ko.

Ang dating niya ay hindi katulad dati ng una ko siyang nakita. Ang laki ng pinagbago niya, ang itim niyang buhok noon ay naging black and white ngayon. Ang maamo niyang mukha ay napalitan ng napakasamang ngiti. Iba rin ito sa creepy na pag ngiti niya noon, dahil ngayon sobrang creepy na nito.

"Ang unang laro ay X door. Kung saan sa sampung pintuan ay pagbukas mo ay may malaking X ang nakalagay. At ang iba ay surprise gift para sainyo."

Sinabi ni Chess na para bang nagpipilit ng tawa niya, at para bang may binabalak na hindi maganda.

Biglang may nag appear na sampung pinto. Ang ibang Alice ay nagpunta na sa kaniya kaniyan pinto na napili nila, ginawa 'ko na rin iyon.

Nagbilang ang pusa at sabay sabay namin binuksan ang pintuan. Ang nakuha ko ay isang plato ng red velvet cake. Biglang kumulo ang tiyan 'ko at para bang gusto itong ubusin.

Ang katabi 'ko naman ay bigla nalamang napahiga. Napatingin ako sa nakuha niya, ang X door. Siguro yun ang consequences, makakatulog kung sino makakuha ng X door.

"You can eat what you get."

Sabi ni Chess at hinihintay kainin namin ang mga ito.

Biglang sumagi sa isip ko ang binulong ng hatter.

"Whatever Chess gave to you. Don't eat it or drink it! Or you will DIE!"

Seryoso ba siya. Pero natatakam talaga ako, at ang tiyan 'ko ay kulong-kulo na. Siguro joke lang iyon.

Excited kong kinutsara ang gilid ng cake at susubo 'ko na sana itong ng biglang may tumili.

"Don't eat the cake! It's poisonous."

Sinabi ng isang Alice na napahiga na sa lapag dahil nag turn ang kaniyang mga paa sa pagiging kalansay at ang kaniyang mga mata ay nag turn naman na kulay red at may mga tumutulong dugo.

Disgusting! Bigla kong nabitawan yung plato 'ko at masuka suka na ako sa kinatatayuan 'ko.

Hahahahahahahahahaha

Isa-isa binitawan ng bawat babae ang mga cake nila. At ang iba naman ay hindi napigil ang kalamnan nila at sumuka.

Ang katabi ko rin, nag tuturn na sa pagiging kalansay at unti unting nasusunog ang mga balat.

Hahahahahahahahahahahaha

Habang si Chess ay walang ginawa kun'di tumawa ng tumawa sa nangyayari at para bang planado niya ang lahat-lahat.

Napaluhod nalamang ako roon at hindi maigalaw kahit anong parte ng katawan 'ko.

I am MAD! Hahahahahahahahaha

Thanks :>

Alice In Wonderland Syndrome (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon