chapter 8

3.4K 134 10
                                    


Myrtle POV

Habang ako'y pababa sa hagdanan ng basement, nahinto ako sa pagbaba, at napahamak na lamang sa aking ulo, sa kadahilanang bigla na lamang itong kumirot.

I tried to blink, just to see to it, that my vision is alright.

Naglakad ulit ako nang unti-unting naglaho ang sakit, pumunta ako sa harap ng isang malaking palayok.

Kumuha ako ng ilang mga materyales at inilagay sa loob ng palayok na may kulay berdeng kumukulong likido.

Hinalo ko ito at gumawa ng isang orasyon saka, lumabas ang anyo ng isang lalaki.

"So anong balita?" kaagad kong tanong.

Kinailangan kong gumawa ng isang orasyon para lamang makita ang lalaki 'to. Hindi siya kabilang sa kinikilala ng aking salamin dahil, hindi namin siya kauri.

"May dapat kang malaman," he stated seriously.

"Then what is it?"

"Si—"

Hindi ko na narinig ang iba pa n'yang sinabi nang, bigla nanamang kumirot ang aking ulo. Napahawak ako sa kalapit na wall nang unti-unting naging blurry ang aking paningin. Gumalaw-galaw ako upang ibsan ang panlalabo ng aking paningin. Ngunit, bigla na lamang akong nawalan ng balanse, nadapa ako at biglang bumalibag ang aking buong katawan sa malamig na konkretong sahig ng basement. I blink again, itataas ko na sana ang aking kamay nang tuluyang lamunin ng dilim ang aking paningin.

Pagmulat ko ng aking mga mata, nakahiga ako sa gitna ng gubat, malamig ang hangin na hinahatid ng buong paligid.

Bigla akong nasilaw sa liwanag na dala ng araw, kung kaya'y napapikit uli ako, bumaling ako sa kanang bahagi upang iwasan ang silaw na dala ng liwanag.

Bumangon ako, upang buong masilayan ang bagong kapaligiran.

The place is not familiar.

Lumingon-lingon ako sa paligid nang, may marinig akong boses.

Ngunit, wala akong nakikita, tanging isang tinig lang ang umaalingawngaw sa paligid,
Tuluyan na akong tumayo at pinagpagan ang aking sarili.

"Where are you?" ganti kong sigaw nang umalingawngaw na naman sa buong paligid ang isang boses, na tanging pangalan ko lang ang isinasatinig.

"Follow the lighted way."

Saad nito. Lumingon ako sa aking harapan at nakita ko ang umiilaw na daan, mapusyaw na kulay asul.

Tahimik kong tinahak ang daan na tinuturo ng ilaw, at tanging ang mga tuyong dahon lamang na aking naaapakan ang naririnig kong umiingay.

Hanggang sa makarating ako sa isang pamilyar na lugar.

It is a sanctuary, I've been here in my dream when I was 10 years old.

"Myrtle."

Napatitig ako sa kanyang itim at bilugang mga mata, nang tawagin n'ya ang aking pangalan.

"Tyr," mahina kong sambit sa kanyang pangalan.

He's a dragon colored with brown.

He gives me a faintful smile.

"Time is running Myrtle, tick-tack! I'm not going to live any longer, inaabuso nila ang kapangyarihan ko, protektahan mo ang balanse Myrtle. May dahilan kung ba't nasa iyo ang kwentas na iyan," saad nito na hindi inaalis ang kanyang tingin saakin.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang magaspang na balat.

"Tyr please dont leave me, ikaw na lang ang natitira saakin," naiiyak kong saad.

"Myrtle, it's been a long time since you build that wall to your heart, let go and accept Myrtle. May mga darating pa, mawawala ako pero hindi ibig sabihin non mawawala na ako sa puso mo. Open your eyes to the positive side Myrtle," he said.

Umakyat ako sa likuran n'ya at doon nahiga.

"How Tyr?" I asks pleadingly.

"Ikaw lang ang makakasagot niyan Myrtle," sagot nito.

"This is all my fault," sisi ko sa aking sarili.

"Forgive Myrtle, Forgive yourself," he said it in a low voice.

"Kailangan mo na ba talaga akong iwan?" malungkot kong tanong.

"Hindi kita iiwan Myrtle. Andyan lang ako palagi sa tabi mo, nasa loob ng krystal na yan. May darating Myrtle, at kailangan mo ng bumalik," sabi nito.

"Hayaan mo muna ako rito Tyr, gusto ko lang sulitin ang nalalabing oras na kasama ka," saad ko sa kanya.

Malungkot kong pinagmasdan ang buong paligid, nakaukit sa pader nito ang bawat ala-ala sa lugar na 'to.

Naaalala ko pa noong tatlong taong gulang ako, takbo ako ng takbo hanggang sa nabangga ako sa krystal na pader, nagkabukol ako non kaya, sobrang iyak ko.

Pinaghahampas ko yong pader sa sobrang inis, andyan rin yong kapit ako ng kapit sa leeg ni Tyr hanggang sa makatulog ako, pati na rin yong pagtago ko palagi sa pakpak ni Tyr.

This place is really sentimental for me. Ito lang kasi yong tanging lugar kung saan ko nagagawa ang hindi dapat gawin ng isang prinsesa.

Mas lalong uminit ang aking mata at napahagulgol na ako dahil, sa unti-unting pagkawasak ng lugar, halos hindi ko na rin nararamdaman ang tibok ng puso ni Tyr.

Nagbabagsakan na ang mga krystal, at sa pagbagsak nito ay kasabay ng pagkawala ng mga ala-ala ng lugar na ito.

"Live Myrtle, be strong, be patience, forgive, have faith, move on, accept and love again," bulong nito bago, naging mga maliliit na petal ng pink rose ang kanyang buong katawan

Naiwan ako sa gitna ng nagbabagsakang krystal, luhaan, at tahimik. Napapikit ako nang unti-unting lumaki ang kaninang maliit na liwanag na nagmumula sa di ko alam na parte ng sanctuary.

As I open my eyes again, I see myself, laying to the cold floor, of this dark and quiet basement. Umupo ako at mariing pumikit, kasabay ng muling pagtulo ng aking mga luha.

"Rest in peace Tyr, I will miss you," bulong ko sa hangin.

Isang petal ng rosas ang lumapag sa paanan ko, kasabay nito ang pag-ilaw ng suot kong kwentas.

Napalingon ako sa pinto ng marahas itong buksan ng kung sino.

"Myrtle you need to hurry up. Irish is in danger. Alisha's trying to kill her," kaagad na balita ni Winter.

"What kind of mother she is? She's going to kill her own daughter!"

Marahas akong napatayo, and I  wipe my tears.

Umakyat ako sa taas at kaagad na kinuha ang cloak ko.

"Where are they?" I asks seriously.

"At the green woods, can I go with you?" Sagot nito.

"No, I need you in here, plan if you want, but don't go with me," I said with an authority.

"Summer, dont eavesdrops on them, plan on your own," I said, as I'd realized that, all of them are watching us.

I turn my back on them and  open the door.

As I get outside I immediately get my broomstick.

"I will really curse you to death Alisha!" marahas na bulong ko sa hangin.

Nang makalabas ako sa barrier kaagad akong tumakbo palabas ng dead forest.

At nang makalabas ako sa dead forest, kaagad akong sumakay sa broomstick at lumipad patungo sa green woods.

***

Felingera talaga ako rati, maypa-english-english pang nalalaman, wrong grammar naman. Jusko di ko kinaya, jeje pa rin talaga itey.

This is kind of shortie update but, still thanks for reading. *heart*

-Lyra

The Lost Crafter PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon