Chapter 15

2.7K 98 10
                                    

Dedicated to: fluffie_clouds74

Myrtle POV

Nakasuot ako ngayon ng cloak na may kakayahang itago ang malakas kong presensya. Naglalakad kami nina Summer at Irish sa daan ng Centre Square.


I need to buy all the ingredients for all the posions we will going to make.

Sinabihan ko na din sina, Winter, Faye at Bliss na umuwi sa kanilang kaharian. We need more alliance, masyadong malaki ang royal army para, lamang saaming pito. Si Autum naman ay nasa bahay lang.

"Saan kayo galing?" tanong ng isang Royal Gaurd.

"Greenwoods," maikli kong tugon.

"Anong ginawa nyo roon?"

"Visiting our mother's grave," tugon ko.


Sinipat nya kami ng tingin, na animoy sinusuri kung totoo ba ang pinagsasabi ko ngunit,  kalauna'y pinadaan rin naman kami.

Una kaming pumasok sa loob ng House of Beans, sumunod ay sa Leafy House, sa House of Insects, at sa iba pang tindahan.

"Cling clang!" tunog ng mini bell sa pintuan nang, mabuksan ko ito.

Pumasok kami sa loob ng Centre Square Library.

"What are we doing here?" tanong ni Irish.

"Im going to meet someone," sagot ko sa tanong nito.

Pumasok pa kami sa isang pinto kung saan mas malaki ang library, at naroon ang isang sekretong lagusan.

Umakyat ako sa hagdan, ganun din sina Irish at Summer.
Ibinulong ko ang reference number.

At kaagad na gumalaw ang hagdan at dinala kami sa isang reference corner. Kinuha ko ang isang lumang aklat, at gumalaw ang mga aklat, pumorma bilang isang pinto papasok sa isang sekretong silid.

Nilingon ko sila, at kaagad naman nila akong tinanguan. Ibinalik ko ang tingin sa pintuan at humakbang papasok. Ganoon din ang kanilang ginawa.

Hinintay ko muna silang makapasok saka, muling gumalaw ang mga aklat upang isara ang lagusan, inilagay ko ang aklat sa kanyang dapat kalagyan.

"Ngayon ko lang ata natuklasan ang lugar na 'to," pahayag ni Irish.

Bumungad sa amin ang isang lalaking may katangkaran, at nakatanaw sa labas ng town

"Alam kong darating din ang araw na 'to. Matagal-tagal din akong naghintay," sabi nito.

"Tandang Hillar," bulong ni Irish.

"Matagumpay mong naitipon ang mga tagapagmana Mahal na prinsesa. Ngunit, malaking kaguluhan ang idudulot nito, maraming buhay ang mawawala," sambit nito.

"Handa akong ialay ang sarili kong buhay para, mailigtas ang lahat ng kaharian, ganoon din ba kayo? At kung, inyong mararapatin, nais ko sanang magtanong kung, paano napunta si Autum sa West Kingdom kung, gayong siya ang tagapagmana ng East Kingdom?" Tanong ko

"Kasag-sagan noon ng kaguluhan, lahat ng tagapagmana ay itinago ng mga Royal Family, at tanging ang Reyna lamang ng East kingdom ang nakakaalam sa mga pinagtaguan ng mga tagapagmana. Marami na ang namamatay noon. Tanging si Snow lang ang may kakayahang gawin yon, dahil sa pamilyang kanyang pinagmulan. Itinago nya ang dalawang tagapagmana ng opposite kingdom na north at south, at dahil sa pagmamadali nya. Di niya nagawang itago ang dalawa, kasama na ang kanyang anak, dinala nya ulit ito sa kanilang kaharian, naging malupit ang pinagdaanan ng dalawang tagapagmana," pagbabalik tanaw nito

The Lost Crafter PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon