One and only you

1.9K 35 9
                                    

A/N: At dahil madaming nagrequest nito, ginawa ko na. Tsaka matagal tagal na rin akong ‘di nakagawa ng One shot. Namiss ko lang. ;) Anyway, eto po ang Part 2 ng Never Been First. Ano na nga bang nangyari kala Sheena at Zoren dito sa story? Eh sa totoong buhay? HMM.. Basta! XD Please read/vote/comment :”>

Written by: Smile_miles / @abbymayls

No copyrights.

***

 

 

One and only you

 

 

Akala ko, tayo na talaga. Akala ko nagbago ka na. At higit sa lahat, akala ko, AKO NA TALAGA. </3 Di ko parin maisip ngayon, kung bakit. Bakit siya parin yung pinili mo. Dahil ba sa mas matangkad siya? Mas maputi? Mas ano? Mas mahal mo kaysa sakin? Ano yung dahilan? Please pakisabi naman para may alam ako. =( Dito nagsimula lahat ng AKALA…

Flashback…

 

 

Umagang umaga, ang tahimik ng room namin. Napag-isipan kong bumaba at pumunta sa locker. Second floor kasi yung room namin kaya ako bababa. Alangan naman tumaas diba? Dejoke. XD

Wala pa naman yung mga kaibigan ko eh. Yung iba, kumokopya ng assignment. Tutal, tapos na ko gumawa kagabi kaya wala na kong problema. ;) Nga pala, fourth year highschool na ko. Graduating na!! Hahaha.

Nandito na ko sa baba at nagsisimula nang maglakad papunta sa locker nang biglang may nagtakip ng mata ko. Kinakapa-kapa ko naman yung kamay na nakatakip sa mata ko.

“Sino ba to?” Tanong ko dun sa taong nagtakip ng mata ko. Iniisip ko, baka si JR. Yung kaklase kong maloko lang talaga at lagi akong pinagtritripan. Or kahit sino. Haha. Wala talaga akong idea.

“Huy sino ba to?” Sabi ko ulit dun sa nagtakip ng mata ko. Wala kasing sumasagot. Hay nako Sheena. Try mo apakan. Hahaha.

“Pag di ka nagsalita, uupakan na kita!” Sabi ko dun sa nagtakip. Medyo tumawa siya. “Di mo na kilala yung lalaking nagmamahal sayo?” Sabay tanggal nung takip sa mata ko. Humarap naman ako. At yun! Nakita ko siya… Si Zoren. <3

Hinampas ko naman kagad siya ng pamaypay. Napaka-maloko naman kasi. Kahit ganyan yang boyfriend ko, mahal ko yan no. Haha. :D

“Sa’n ka punta shokoy?” Asar sakin ni Zoren. Eh kasi diba, Sheena pangalan ko, kaya Shokoy daw. ANG LAYO DIBA? Tss. Pabayaan niyo na nga. “Locker.” Matipid kong sagot. Nakakaasar kasi. Tawagin daw ba kong Shokoy. Last time na tawag niya sakin niyan, 2 years ago eh. -_-

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon