Over Again

1.9K 32 6
                                    

Kakatapos ko lang mag'review ng Chemistry at naisipan gumawa nito. Nababano ako eh. Tss. (c) 03.21.13

All rights reserved 2013

Written By: IncesDomo

--

"Aly mahal kita." - Ayan ka nanaman Clarence eh. Paaasahin mo nanaman ako sa mga salitang yan. Tss. "Pwede ba tigilan mo na yang pagsasabi mo nang mahal mo ko? Kasi walang mangyayari." Haay. Please. Tama na to oh? :|

Umalis ako at pumunta sa tambayan namin dati. Wala. Gusto ko lang umupo dito sa ilalim ng manggahan. Malamig kasi at makapag'isip isip kung maniniwala nanaman ako sa mga sinasabi mo. :(

"Maniwala ka na kasi." Pag'angat ko ng ulo ko, nakita ko siya. Umupo naman siya sa tabi ko. "Bakit ka nandito?" Tinitigan naman niya ko sa mata habang lumalakas lalo yung pintig ng puso ko... "Eh di ka pa kasi sumasagot eh. Mahal mo pa ba ko?" Shit. Kung alam mo lang. :(

Binaling ko nalang yung tingin ko sa ibang lugar. Maya maya, hinawakan na ni Clarence yung mukha ko at hinarap sakanya... "Mahal mo pa ba ko? Tayo nalang ulit." :(

Pinigilan ko yung sarili ko. Tumayo ako at tumalikod sakanya... "Oo mahal kitang gago ka! Pero hindi sapat yon para magpakatanga ulit ako sayo!" :(

"Mag'iintay ako."

Yan nalang sagot sakin ni Clarence at naramdaman kong umalis na siya. Napaupo nalang ulit ako sa ilalim ng puno na yon.

Nga pala, 3 months na kaming wala ni Clarence. Gago kasi siya eh. Tsk. :|

Naniwala ako sa sinabi ni Clarence na mag'iintay siya. Pero gulat ako isang araw, nabalitaan ko, may nililigawan na siya. At nakita mismo ng dalawa kong mata kung pa'no sila dumaan sa harap ko na parang wala ako dito. Taena. Magsama kayo! Mga bisugo! ><

Tinry kong magpakabusy. Pero wala. Ang sakit. Naniwala kasi ako na mag'iintay siya. Pero, ANYARE? ö

(After 6 months)

HAHA. Naka'move on na ko! :p Dejoke!

Konti palang... Tss. By the way...

Nag'iintay ako ng masasakyan. Galing kasi ako sa bahay ng kaibigan ko. Medyo late na rin. Mga 9 na. Eh shete naman. Minamalas ako ngayon! Umulan pa! Tokwa lang ah!? :(

Shemay. Wala na yatang masasakyan? Wala nang dumadaan na jeep or taxi. Tsk. Maya maya...

May humintong sasakyan sa harapan ko. Dahan dahan bumaba yung bintana nung sasakyan. At unti unti ko ring nasilayan yung mukha ni... Clarence. :(

Ikaw nanaman? :( Para bang may karera nanaman ng kabayo na nagaganap sa puso ko. Ang hirap kontrolin :l

"Aly? Uy! Sakay ka na. Umuulan oh?" Sabi sakin ni Clarence. Tae. Kapogi. ><

"H..haa? Ay hindi na. May dadaan pa na jeep. INTAY INTAY lang kasi." Hehe. Oo na. In'emphasize ko na yung INTAY. Eh ba't ba :p

Lumabas naman si Clarence sa sasakyan niya. Pero wala man lang payong kaya nababasa na siya ng ulan. Sinuklob niya yung ulo ko sa jacket na suot niya. Hanep. Amoy na amoy ko yung pabango. Tsss. "O, sakay ka na. Pag ikaw nilagnat! Tsk." Huwow? Caring ka tsong? Hmmm..

No choice. Sumakay ako. Binigyan naman niya ko ng bimpo para pamunas. Pero tumanggi ako, sabi ko, "Ice lang ako! Kaya ko naman sarili ko ng wala ka eh." Pero di parin siya tumigil. Siya na mismo nagpunas ng mukha ko. EH AKO? Ere tulala. Tss. -_- "Ako na rin ba magpupunas ng braso mo?" Sabay tawa pa. "Heh! Manyak! Akin na nga." Napakabusit naman kasi. "Haha. Nakoo. Baby ka pa kasi." Sabay kindat. Ay jusko po!! ><

Hinatid naman niya ko sa bahay namin. Umuulan parin. "Salamat." Sabay baba ko ng sasakyan niya. Pero lumabas siya kahit umuulan. "Aly!"

Lumingon naman ako. Tae basang basa na ko oh. Tss. "Mag'usap naman tayo." De ayun, pinapasok ko sa bahay. Pero hanggang terrace lang kami. XD

"O, ano pag'uusapan natin?" Mataray na tanong ko sakanya. Unti unti naman niyang hinawakan yung kamay ko... "Tayo nalang ulit Aly."

O___o Agad akong bumitaw sakanya. "H...haa?! Ano bang sinasabi mo?!"

"Mahal kita Aly. Ikaw naman talaga yung Mahal ko. At hindi siya." Tumulo nanaman yung luha ko. ;( Bakit ba kasi napapaniwala ako ng mokong na to eh! :(

"Hindi.. Hindi mo na ko mahal! Tigilan mo na ko!!!!" Pagtutulak ko sakanya. Pero inakap niya ko... "Ikaw nga yung mahal ko. Kaya lang...."

"Kaya lang, ano?! Ayan ka nanaman Clarence. Magdadahilan ka nanaman. Hindi ba pwedeng Mahal kita kasi mahal kita?!! ;( Tsaka kung mahal mo ko, sana nag'intay ka! Hindi yung nainip ka kaya naghanap ka ng iba! Ano ko? Burger machine?! Na kapag nainip ka sa pag'iintay sa order mo, lilipat ka ng Greenwich?! Tapos pag wala nang available para sayo, babalikan mo ko kasi no choice ka na?! Shit naman oh!"

"Sorry Aly ;("

"Sorry?! Sorry nanaman ba Clarence?! Yan lang ba alam mong sabihin?! Di ka ba nag'aral ng grade 1 at yan lang alam mo ha?!"

"Akala ko kasi pwede pa tayo..."

"Hindi sapat na mahal mo ang isang tao para pagbigyan siya lagi. At hindi sa lahat ng oras, maibabalik ang kahapon. Dahil may mga bagay na sinusulit na dahil may posibilidad na mawala to sa'yo."

- The End -

**

Vote/Comment? Leggo! :*

Published using my phone xD

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon