BESPREN

1.8K 29 4
                                    

A/N: Finally tapos ko na yung story ko, “Way Back Into Love” Basahin niyo guys ha? XD Dedicated nga pala to kay NIKAALONZO. Ayt. Vote / comment / became a fan. Thank you. =))

***

 

 

“BESPREN”

 

 

Nakatambay lang ako dito sa sala namin. Sobrang pagod kasi nangyari kahapon eh. Yun yung huli naming practice. Kasali kasi ako sa Basketball team ng girls. You can call me Niks. Wag niyo na ko masyadong pangalanan. Saglit lang naman ako sa story na to. Haha.

*bzzt bzzt*

1 new message

Fr: Tito Rap

Niks, tara dito samin. May practice kaming sayaw. Nuod ka?

 

 

Yan nga pala si Tito Rap. Tito ko siya pero halos 1 year lang tanda niya sakin. College na yan pagpasok. Ako naman, fourth year highschool. May dance group kasi yan. Pag alam niyang bored ako, nanunuod ako. Wala naman kasi akong kasama dito sa bahay. Yung magulang ko, nasa shop lagi namin. Ang kasama ko lang dito sa bahay, yung brat kong kapatid. Si Yanyan. Babae yan. XD

Papalabas na sana ko ng gate nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

“Niks!”

Paglingon ko. Yung brat kong kapatid. Mas bata yan sakin. Pero ganyan kung tawagin ako. Parang di ako Ate. Grabe. Palibhasa favorite ng magulang ko eh. Yamusiya.

“Oh ba’t ba?” Sagot ko na halatang inis sakanya.

“San ka ba pupunta?” See? Kung makapagtanong, akala mo namang mas matanda sakin.

“Sa lugar kung san wala ka.”

Lumabas na ko ng gate. Ganyan kami lagi. Madalang kami magkausap ng matino. Yung bahay nila Tito Rap. Dito lang sa tapat namin. Kinalampag ko naman yung gate. Wala kasing doorbell. Hehe.

Napansin ko, may parating. Naka-shirt na yellow. Ah. Si Pat. Guy bestfriend ko. Matagal na rin simula nung na-meet ko siya dito sa practice ni Tito. Isa ‘to sa magagaling sumayaw. Kumaway naman kagad siya sakin.

“Hi bespren!” Sigaw niya sakin habang binubuksan yung gate.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon