365 days ago

1.6K 34 10
                                    

Namiss ko ulit mag-post ng one shot. /cries a river/ Dejoke! Hehe. Para 'to sa bestfriend kong si Errol! Ih, di ako maka-get over nung makita kong umiiyak ka nung graduation. Haha! Uki, harthart. <3 [ A/n ]

~

365 days ago

"Skyyyyy! Tara na kasiiiiii." Pagpupumilit ko sakanya habang hinahatak ko siya papalabas ng bahay nila.

"Ma! Si Cloud nga oh! Ang kulit." Sumbong ni Sky habang pinapalo palo yung kamay ko.

"Hahahaha! Lumayas nga kayong dalawa dito. Ang ingay ingay niyo e. Nakitang natutulog 'tong si baby." Sabi ni Tita habang karga karga yung kapatid ni Sky.

"Oo nga Ate. Ingay niyo. Kuya Cloud! Kaladkarin mo nga si Ate!" Sabi ni Thunder, lalaking kapatid ni Sky.

"Bakit niyo ba ko tinataboy?! ㅠ3ㅠ" Pagmamaktol ni Sky. Haha!

"Brad, tara na kasi. Bye Tita! Bye Thunder! Bye Winter!" Sigaw ko tapos nagwe-wave na ko sakanila habang kinakaladkad papalabas si Sky. :)

Teka, sino nga ba ko? Ako si Cloud. 17 years old. Tapos etong kasama ko, bestfriend ko. Si Sky.

Sabi nila, ayan, pogi daw ako. Maputi. Medyo matangkad. Matalino naman. Sabi ng bestfriend ko, na sa'kin na daw ang lahat.

Pero may kulang pa...

Ano?

Wala..

Sino?

Siya...

Manhid talaga 'tong si Sky eh. Di niya maramdaman na gusto ko siya. Sabi ng kakambal kong si Snow.

"Gusto mo siya diba? Magpaka-sweet ka tapos caring. Pag ready ka na sabihin kung bakit ka ganyan sakanya, sabihin mo na. Atleast kung nag-assume man siya dahil sa actions mo, hindi siya masasaktan."

Odiba? Dabest na kakambal yan. Kahit female siya nagkakaintindihan kami. =))

Pero tulad noon, naalala ko yung sagot ko kay Snow...

"Kaya nga kambal e. Lahat ng effort ginagawa ko. Lalong lumalalim yung pagtingin ko. Pero para sakanya, mas lalong lumalalim yung pagkakaibigan namin."

Pa'no nga ba ko nagkagusto kay Sky? Simple lang, vacation nun, kakatapos lang ng junior life ko. Nagba-basketball kami ni Snow sa labas ng bahay namin. Subdivision kami nakatira. :)

Tapos may bagong lipat dun sa katapat naming bahay. Napatigil kami ni Snow sa paglalaro, tapos tumulong na rin kami sa pagbubuhat ng mga gamit don.

Biglang napako ako sa kinatatayuan ko nung may lumabas na magandang babae sa sasakyan.

Dun ko naranasan yung tinatawag na crush at first sight. Grabeeee! Ang ganda niya! Ang perfect niyang tingnan. Kaso parang ang lungkot ng mata niya.

Dumaan ang maraming panahon, nakilala ko siya, nagustuhan. Minahal.

So eto na nga, dahil manhid si Sky, mag-iisang taon na kong nagpaparamdam sakanya pero wala e. Hanggang mag-brad nalang yata talaga kami. :(

Okay! Tama na ang drama. Hahaha. Nakarating na kami dito sa favorite place namin ni Sky. Park 'to. Tapos dito kami umupo sa ilalim ng puno. Ang lamig kaya dito. :))))

"Haaay. Ang sarap talaga dito." Sabi ni Sky sabay patong ng ulo sa balikat ko.

Ganyan talaga kaming dalawa. Ang gay pakinggan pero kinikilig ako pag ganyan siya. Hahaha!

"Sabi sayo eh. Sarap ng hangin dito. Teka, kakantahan kita." Sabi ko tapos kinuha ko yung gitara kong bitbit kanina.

Umayos naman siya ng upo tapos humarap siya sakin.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon