His Girlfriend

1.7K 29 12
                                    

His Girlfriend

Noong unang nagkakilala tayo. Di ko in-expect na magkakaroon ng “TAYO”. Di ko rin inaasahan na magugustuhan mo ko. Kasi sino nga naman ako diba? Ako lang naman si Gio Wycoco.

Isang masayahing tao. Malakas mantrip. Loko loko. Magaling sa academics at sports. Pero pag nagmahal ako, sobrang totoo at seryoso.

Yung ibang babae, sinasabi nila, ideal man nila ko. Eh kasi halos nasa ‘kin na daw lahat eh. Ewan ba kung pinupuri nila ko o dine-describe lang talaga nila ko. Wahaha.

Tama na nga yang drama. Kakatapos lang ng klase namin at kailangan kong sunduin si Shamy. Girlfriend ko. Two years na kami niyan! O diba? Ang tatag naming dalawa. Haha. :D

Iba kasi kami ng section. First ako at second siya. Pinaglayo lang kami ng Principal. Naiinggit yata sa Relationship naming dalawa. Hahaha.

Naglalakad na ko papunta dun sa room pero hinarang kagad ako ng mga kabarkada ko. Sina Jay, Dom, James tsaka Enzo. Eh teka? Kulang sila. Nasan si Dave? Yun talaga. Dalas mawala. Nanchi-chix siguro. Hahaha.

Jay: San punta brad?

Ako: Sa baba. Puntahan ko si Shamy.

Nasa second floor kasi room ko. Yung ke Shamy naman, natural sa first floor. Hahaha -__-

Ako: Padaan na nga. Baka gutom na yun.

James: Wag!

Ako: Huh? Anong wag?

Enzo: Ano. Tara kumain na tayo!

James: Tama! Kumain na tayo!

Ako: Eh kami nga ni Shamy sabay.

Jay: Dumaan kami sa room niya. May ginagawa siya.

Dom: Oo nga brad. Project yata. Mayang uwian nalang daw kayo magkita.

Ako: Ahh. Eh nasa’n ba si Dave?

James: Ewan.

Jay: Malay

Dom: Yamusha.

Enzo: Kain na tayo!!

Naglakad na kaming tropa papunta sa Canteen. Lintek. Tinginan pa samin. Oo, alam ko pogi ako. No need to prove. Hahaha joke lang! Lakas ng confidence ko. -_-

Nag-order na kami ng kanya kanyang pagkain. Adobo sakin, sakanila menudo tapos giniling. Hahaha. Hala sige! Magutom kayo! Hahaha.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Nakita namin na biglang pumasok sa Canteen si Shamy at Dave. Teka… Bakit magkasama sila?? (O_O)

James: Tapos na ko! Tara na Gio! Basketball tayo!

Jay: Oo nga! Tara na! Tara!

Dom: CR muna tayo! Masakit tiyan ko!

Enzo: Order pa tayo!! Gutom pa ko!

Ako: Teka lang mga pre.

Lumayo ako sakanila tsaka ako lumapit kala Dave at Shamy. Kakaupo lang nila kasi um-order sila ng pagkain.

Tumabi kagad ako kay Shamy.

“Hi babe.” Tapos hinalikan ko siya sa nuo niya. Nginitian naman niya ko. Lumipat na rin yung tropa ko sa table nila Dave.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon