Chapter 1

322 16 3
                                    

Hi! XD Gusto ko pasalamatan ang nag isip ng title netong story! XD Nag post sa fb para mabigyan ng title ung story hahahaha xD Thank you kuya Kevin!! (Friend / Classmate) Ayun sana matuloy ko to! sana magustuhan nyo <3

-------

Hi ako nga pla si Minty Mendez, call me "MM" for short. Isa akong college student sa Cullinary Perfectionist Institute. Dati akong Business student kaso wala naman akong talent talaga dun ang gusto ko lng ay ang kumain at magluto ng magluto ng mga sweets <3 I love baking. Kung meron ngang planeta na panay gawa sa chocolates at cake ay sinakop ko na yun eh. Mahilig din pla ako sa mga anime chuchu~! Nga pala mataba ako! As in super! mga size 38 ang bewang ko! Pero kahit ganun i looooove my bodeh! oh yeah! Ang hanap ko sa lalaki ung hindi tumitingin sa pang labas na anyo. And unfortunately halos lahat ng lalaking nakapaligid sa gurlalush na ito ay panay physical attraction ang hinahanap. Hindi ko pa nakikita si prince charming fafables ko! Kaya aun NBSB itong lola nyo dito~

"mou gaman bakka shiterannai yo iitai koto wa iwanakucha" pakanta kanta ko habang nagbabake ng cake, birthday kasi ni best friend ko ngayon na si Grace Molave kaya ginagawan ko sya ng cake. Since pagbabake naman ng cake ang paborito kong gawin edi eto na lang gift ko! Effort naman diba?! "kaerimichi yuugure no basutei ochikonda senaka ni Bye Bye Bye!"

"Oi MM ang ingay mo! Nag aalien language ka nanaman! Uso tagalog noh! Pinas kaya to!" Reklamo ng Kapatid kong si Dark Mendez, Dark kasi kinuha ung name niya sa Dark Chocolate na pinaglilihian ni mudrabels.

"Bat ba! Eksena to! Naiinggit ka ba?! Edi gumaya ka! chos!"

"Laki mong harang sa kusina! Papayat ka nga! Kaya ka walang Boyfriend ang baboy baboy mo!"

"Loko to ah! Sampal ko kaya sayo tong bilbil ko!"

"HAHAHAHAHAHA wag na mamatay pa ako ng wala sa oras!"

asar naman to! sarap tusukin ng tinidor sa tyan eh! "Wag kang hihingi ng cake ah! Gara mo!"

"Joke lang sis!" sabi neto tapos dikit pusa sakin. Define dikit pusa.. Yung ano.. Parang pusa kung makadikit sayo.. basta! Yun na yun! Gets nyo na yan! Ayoko na ng linta over used na yun! Charot?!

"Oo na umalis ka na nga dyan! Baka pumutok ako sa tulis ng buto mo!"

"HAHAHAHA Baliw! Basta penge ah! Pero iwanan mo nalang dyan sa table" sabi neto sabay takbo paakyat sa kwarto niya. Sobrang payat kase nun tapos ang pogi pa tapos matalino pa tapos hot pa ng kapatid ko! Nung nag pasaboy ata si God ng kagandahan sa katawan eh! May dala pa atang timba! Eh ako tulog ata! Maski dibdib pinagdamutan!

Pagkatapos magawa ng cake ay dali dali ko na itong inayos at nilagay sa box. "Ayan tapos na!" Nagbihis na ako at tinawagan ko si best kung asan sya. "Sorry Best! May date kami ni Mark ngayon eh! Sorry tlga daan mo nlng dito sa dorm okay lang? Today is the day you know?" Na gets ko agad ung sinabi niya. Matagal na din kase sila ng bf niya. Ibibigay na ata niya ang kaluluwa niya jusmeo. "Sige daan ko nalang Happy Birthday Frenny!!" nag thank you ito tapos binaba na ang fone. 

"Kuya Dark! dalhin ko lang tong cake kayla Grace! may cupcakes dito ginawan kita! Medyo gagabihin ako ah!" paalam ko sa kuya ko tapos lumabas na ako at bumyahe papnta sa dorm. Pagdating ko dun ay naibigay ko na sa mga katiwala ung cake tapos umalis na din ako. At dahil walang magawa sa bahay at wala namang mapuntahan at since single ako at nag hahanap ng fafa napagdesisyunan ko na lang na mag bar. 

Pagdating ko sa bar ay yung favorite na banda ko ang tumutugtog. Bakit ko favorite? Cute kase nung Vocalist eh! bakit ba?! hindi masamang mangarap! Nag order na ako ng drinks. Nang makaka 3 shots na ako may tumabi saking lalaki. OMG ang hot niya! Chinito <3 He looks sad kaya di ko mapigilan ang pagtingin sa kanya. Uso lande?! Bawal ba?!

Love SwirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon