Chapter 25

17 0 0
                                    

Ilang months na nga ba ang nakakalipas simula nung mag buntis ako? Mga 5 months na. Oo malaki na ang tyan ko. Madami na ang pinagbago since then. Si Gino umalis ng bansa mga 3 months na syang wala pero pabalik na naman din siya. Si Mommy Candy and Mama ay lagi din nandito sa bahay inaalalayan ako medyo hirap na din kase ako. Sila Dad at papa laging nasa overseas madaming kausap na client. Tapos si kuya Dark naman ay may bagong chicks and medyo busy sa pagigong game developer. Si Bes engaged na din at laging andito sa bahay para mag tanong tanong. Hmm sino pa ba kulang. Ah! Si Jason. Si Jason nagbago sa unang 3 months namin bilang mag asawa, wala ka masasabi sa kanyang negative. Naalala ko pa ang scene namin habang naglalakad. The kiss we shared was like our first kiss. Super nafeel ko na love na love nya ako! That was 1 month after our honeymoon. A week after that was when he started to change. Dati when I complain about the backache that I'm experiencing during my pregnancy, he'll massage my back, makes sure that the pain was gone. Now ganto na yung scene:

"Boo my back hurts. Could you please give me a massage? Sige na kahit saglit lang ang sakit na talaga eh.."

"Ha? Busy at pagod na ako eh kay manang Ising ka na lang pahilot." 

"Sige na oh.."

"Hay nako. Di ka ba nakakaintindi ng tagalog ah? I said ask someone else. I'm tired and busy. Kulit din talaga ng ulo mo."

"Grabe ka naman! Parang hilot lang eh! Ano bang problema mo?!"

Tumingin ito sa akin ng masama. "Ikaw. Ikaw ang problema ko. Ganun ka ba katanga at di ka makaintindi ng simpleng 'pagod ako at busy' ? Di sa lahat ng oras ay puro ikaw na lang Minty. May pera ka naman na pangpahilot sa labas di mo pa magawa? Binibigyan naman kita ng pera ah! Bat ako pa?"

That's the scene then walkout na siya and magkukulong sa study room. Weird diba? And nakakatampo siya. Oo alam ko naman na busy siya at pagod siya pero bawal ba mag lambing? Like seriously? Siya kaya magdala netong baby? Hays nako talaga. At hindi lang yun para syang adik na bigla bigla nlng magagalit sa akin. 1 month na syang ganyan.

"Uy bes! Nakikinig ka ba?" Tanong skin ng pinakabesprend ko. Nagpasama kase to para tumingin ng mga bagong gamit para sa bagong bahay nila. Nasa may Decor Manila kami sa may Araneta Ave.

"Ha?"

"Anong ha? Kanina pa ako dito dada ng dada di mo pala ako pinapakinggan?!"

"Hehe sorry na bakla may iniisip lang"

"Hay nako! Si Jason nanaman ba yan?" Napatameme ako. Alam na alam nya talaga. Syempre pano di nya malalaman eh sa kanya lang naman ako nag kwekwento diba? Like duh Minty like duh! "Oh sabi na eh! Alam mo MM dapat kase ni lalambing mo sya. Seduce him! Baka kulang lang yan sa lambing and sa ano!"

"Sira ulo ka talaga bakla! I've tried that! And panong seduce?! Kaseduce seduce ba tong katawan ko?!"

"Ano ka ba girl! Basta may vajayjay may kabog tyo!"

Nanlaki ang mga mata ko. Grabe tong bestfriend nya! Talagang public pa nya pinagsasabi ang ganyang mga bagay! Hinampas ko sya. "Oi ang bibig mo aba! Iba na talaga ang kabatan ngayon! Bastos! Emegerd!"

"Ay emegerd ka din! Anong century ka ba pinanganak bes?! Magkasing edad lang tyo! Tsaka bat ka mahihiya eh may asawa ka na! May anak pa nga kayo!! Sira ulo ka ba?"

"Oh ano gaya gaya ka na ng linya ngayon?"

"Hihi slight lang bes slight!" Sabi neto tapos naglakad na ulit paikot ng shop at naiwan ako mag isa sa kinauupuan ko ngayon. Malapit ito sa bintana kaya tumingin ako sa labas. Malamang diba? Ewan ko ba at parang may nakita akong mali sa restaurant na nasa harap ng shop.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love SwirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon