Chapter 22

36 5 0
                                    

       Sorry po kung natagalan ang updates </3 I'm so sorry T_T bawi ako guys! Bukas mag uupdate ako ulit :) Sorry po </3

-----------

        Thursday na ngayon at kasal ko na sa saturday kaya madami kaming ginagawa ngayon. Ngayon din pala yung uwi ni Gino. Mabisita nga mamaya kaso pagod siguro un. Kasama ko si Grace, Mama at Mommy ngayon. Nandito kami sa bilihan ng gown. Yung last gown ko kase na binili nila pag labas namin ng ospital ay di na kasya sa akin. Oo pumapayat ako pero lumalaki naman ang tyan ko. 

        "MM try mo tong nakita kong gown oh!!" sigaw ni Grace at nagpuntahan naman agad dun sila mama at mommy para tignan din ito.

        "Oo nga Minty! Maganda ung gown na nakita ni Grace!" excited na sabi ni mama. Tumayo ako at pumunta kung nasaan sila.  At totoo ngang maganda ung gown! Unique siya para sa akin! Tsaka  sa lahat ng shop na pinuntahan namin un lang ung nag iisang design  na ganun! Mas maganda pa siya sa dati kong gown! Tube ito na color white. Ang hirap i-explain pero ang ganda niya. Simple pero eleganteng tignan. (Look nyo dun sa media kung anong itsura nung dress)

        "Sukatin mo na Mm!" excited din na sabi ni mommy sa akin.

        Biglang umekstra ung sales lady. "Ay! Ayan po ma'am! Maganda po iyan! Gown po iyan para sa mga buntis" Tumango na lang ako kase speechless ako sa sobrang ganda nung gown. Dumeretso na ako sa dressing room. Sinamahan ako ni Grace habang sila mama at mommy naman ay umupo na sa couch tapos uminom ng wine. 

        "Game MM! hubad!" sabi sa akin ni Grace at natawa ako. "Oh bat ka tumatawa?"

        "Eh kase para kang holdaper xD"

        "Che! Hubad na dali!" Naghubad na ako at bigla niya ni poke yung boobs ko -__-

        "Oi! Anong ginagawa mo?! Natotomboy ka na ba sa akin?"

        

        "Gaga! Gusto ko na din magkababy.." tapos ni poke niya ulit ung boobs ko. "You've grown T^T I want!" tapos nagtawanan kami.

        "Magpakasal na kayo ni Mark at gumawa ng baby hahahahaha"

        "Gagawa muna kami para wala nang palag sila mama parang kayo diba? hahahahaha" tapos nagtawanan pa kami.

        "As if naman na tututol pa sila mama? Eh nung dumalaw nga ung si Jason sa bahay parang gusto na nila akong ipakasal nun -___- Take note hindi pa namin alam na buntis ako nun teh!"

        "Loka! Suot mo na nga ito para pag hindi kasya makahanap pa tayo agad at may lakad pa tayo mamaya!"

        "Ha? Anong lakad? "

        "Ano ka ba! Mag Bachelorette party tayo mamaya!"

        "Wait what? Ngayon lang ako na inform about dun ahh!"

Love SwirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon