19

504 35 3
                                    

Nasa loob kami ng room at kanina pa ako kinakausap ni Faye tungkol sa final project namin. Kanina pa din ako hindi nakikinig. Parang hindi kasi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya ngayon.

"Yana? Nakikinig ka ba? Kanina ka pa tulala dyan."

I snapped. Tinapik niya kasi ako sa balikat para masiguro niya na nakikinig nga ako. Finals na din pala kasi namin. I really should listen to her.

"Sorry. Paki-ulit nga last na talaga."

"Ay ewan ko sayo! Last na talaga kaya makinig ka. Pasalamat ka may care ako sayo." She rolled her eyes at me then proceed in explaining about our project. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

"Need natin maghanap nang isang tao na ic-case study. Ayon na daw final exam natin. Bawal yung kakilala ha and individual 'to so if may kilala ka na hindi ko kilala baka namarn.."

Napa isip ako pagkatapos niya sabihin 'yon. Sino naman kaya i ccase study ko ? Parang kilala ko lahat ng kaibigan ni Faye at ganon din naman siya sa akin. Hello? Same circle of friends lang kami.

"Baliw. Kilala mo din naman mga kakilala ko." sagot ko.

"Ay bahala na! Dayain ko nalang ata 'to. Hindi naman malalaman siguro na kakilala mo yung ic case study mo e."

Napa iling nalang ako sa naisip niya tsaka siya binatukan.

"Aray naman te!"

Graduating na kami kaya mahirap na sumabit. Magtatanong nalang kami kay Miko. Any gender naman pwede e basta hindi mo lang daw kilala. Tiis tiis nalang. Konti lang naman mga itatanong e. Matatapos na din kami.

"Good morning, student! Please go back to your sits and we'll begin our lesson for today.."

Nagsimula na mag discuss ang Prof namin at bigla na naman may sumagi sa isip ko. It's been two weeks. Two weeks na simula nang bumalik ako dito sa reyalidad. Kahit anong gawin ko ay hindi na ako makabalik kay Miguel. Sobrang dami ko na nabasa about lucid dream pero hindi gumagana. Hindi ko alam kung nakaligtas ba siya o tumigil na ang mundo nila doon dahil hindi naman na ako nakabalik.

Dalawang linggo na akong natutulala bigla dahil na aalala ko ang lahat nang pangyayare. Mula sa kung paano ko nalaman na panaginip ang lahat hanggang sa makatakas ako kay kamatayan. I wonder what I am doing wrong. Bakit hindi na ako makabalik?

Ayaw ko man isipin pero ang naiisip ko lang dahilan kung bakit ay dahil wala na akong babalikan sa panaginip ko. Iniisip ko pa lang ay parang hindi na naman ako makahinga. Tila ba may nakahawak ng mahigpit sa leeg ko.

"Okay.. you can now go outside and start looking for a person who's willing to participate with your case study. Just a reminder, choose someone that you do not know personally. Goodluck, students!" pagkatapos magsalita ni Miss Ligaya ay nagpaalam na din siya sa amin agad. Maaga pala ang dismissal dahil binibigyan niya kami ng time upang makahanap ng tao na papayag magpa interview.

"Tara na, Yana! Kausap ko si Miko nasa may cafeteria siya. May friend daw siya na willing pa case study."

Napakunot naman ako ng noo pagkatapos niya sabihin yon. For sure, may kapalit na naman yan kay Miko! Wala akong tiwala doon e. Slight lang.

"At ano na naman kapalit nyan?" tanong ko.

"E libre daw sila pareho ng lunch."

"Ano? Ang kapal naman ng mukha non. Bakit pati siya ili libre? Napaka talaga."

"Kaso nasa court pa daw yung iba niyang friends kaya iisa pa lang yung willing pa interview doon."

Tumingin siya sa akin tsaka tinaas taas ang isang kilay. Makikipag unahan pa sa akin 'to! Napaka competitive. May darating pa naman mamaya. Bago pa ako makapag react ay nakatakbo na siya agad patungo sa cafeteria. Talaga naman gusto niya matapos agad! Napatakbo din tuloy ako kasi gusto ko na din matapos.

Lost in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon