Prologue

4.4K 464 703
                                    

Hinihingal na ako sa sobrang pagod kakatakbo. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung bakit nila ako hinahabol. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. "Hindi dapat nila ako mahuli.."

Tumigil ako saglit upang habulin ang aking hininga bago tumingin sa paligid. Nasa isang madilim na gubat ako at tanging ilaw na nanggagaling lamang sa buwan ang nagsisilbing gabay ko.

"Nasan na? Hanapin niyo!"

"Tumakbo banda don. Tara!"

Kinabahan ako nang marinig ko ang pagsigaw ng lalaki. Alam kong ako ang hinahanap nila. Magsisimula na sana akong tumakbo ulit nang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.

Dahan dahan akong lumingon sa kung sino man ang nasa aking likuran. Sumenyas siya sa akin na wag ako maingay. Hindi ko alam kung bakit ako tumango. Hindi ko naman sya kilala. Tinanggal niya ang pagkakatakip sa bibig ko pero hawak niya pa din ang aking braso.

"What the hell are you doing here?"

Englishero. Anak mayaman siguro to. Ang ganda ng kutis. Ang tangos ng ilong. Basta ang pogi.

What the hell Marianna? Yon pa talaga napansin mo e hinahabol ka ngayon nang mga taong hindi mo naman kilala?

"I'm talking to you. Shit!"

Napahinto ito ng marinig ang yabag ng mga naghahanap sa akin. Tumingin ito sa paligid tsaka ako ulit hinila. Nagpahila naman ako. Shet. Hindi ko naman kilala to. Marupokpok ka Yana!

Hindi ko alam kung ilang oras na kami tumatakbo pagod na pagod na ako. Kulang na lang buhatin niya na ako kasi ayoko na talaga gumalaw. Lintek asan ba kasi ako?

"Aray! Ano ba?!" Hinimas ko yung noo ko na tumama sa likod niya. Bigla nalang kasi sya huminto.

Kinabahan ako nang makitang nasa tapat kami nang isang malaking bahay. Mansion na ata to. Malaki din naman bahay namin pero hindi kasing laki nito. Kasama ba siya nung mga humahabol sa akin? Bakit naman niya ako hihilain palayo don? Ah ewan gusto ko nalang maging patatas.

He glared at me before walking inside the mansion. Para bang sa tingin pa lang nya mapapa amin ka nalang sa kasalanan na hindi mo naman ginawa. Katakot.

Napatingin sya sa akin dahil nakatayo pa din ako sa tapat ng bahay at hindi sumusunod sa kanya.

"I am not with them."

"Huh?" Narinig ko naman pero ano ba tinutukoy niya?

"I said I am not with them. Now go inside and clean yourself up. I have a lot of questions for you."

"Okay." Choosy pa ba ako? Gustong gusto ko na maligo ang dumi dumi ko na. Napatingin ako sa paa ko kasi wala pala akong suot na tsinelas. Badtrip! Bagong pedicure lang to e.

Tutulo na ata laway ko nang makapasok ako tuluyan sa loob. Halatang mamahalin mga gamit. Nagmumukha na talaga akong patatas dito. Hindi naman kami sobrang hirap. Nasa middle class naman. Pero iba yung feeling kapag nakapasok ka sa ganitong bahay.

"Here. Use my shirt. You look.. dirty."

Tumingin ba sya sa boobs ko bago niya ituloy sinasabi niya? Manyakis pala to e.

Hindi niya na tinuro kung saan ang papunta sa CR. Nakakapagtakang alam ko kung saan ako dapat pumunta. Kinuha ko pa nga sa walk in closet nya yung twalya.

Lost in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon