1

3.9K 442 672
                                    

Kulang nalang gumapang ako papunta sa upuan ko kasi late na naman ako. Dalawang late nalang ico consider as absent na yon. Hanggang anim lang dapat absences e kapag lumagpas ka doon laglag kana. Wag kana pumasok ganon kasi hindi kana tatanggapin ng Prof. Depende nalang kung considerate.

"According to a producer and writer named Jonathan Estrin. The way we spend our time defines who we are as a person..."

Bigla itong humarap at tumingin sa akin na nakadapa pa kasi nga gumagapang ako. Agad na nagsalubong ang kilay nya. Nginitian ko lang siya kasi ano naman magagawa ko diba? Nahuli na nga ako e.

"Miss Fuentes. As usual late kana naman."

Agad akong tumayo para hindi ako masyado mag mukhang tanga doon na nakadapa.

"Sorry, Sir! Traffic po kasi. Tapos may nagbanggaan pa na jeep sa daan. Grabe nga po e buti nalang ligtas lahat."

Grabe, Yana. Ang gasgas na nang palusot mo. Umiling lang siya sa akin tsaka pinagpatuloy ang pagtuturo. Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa ibibigay niyang grade sa akin. Di naman ako engot. Nagpapasa naman ako sa kanya ng requirements on time. Eto lang talaga problema ko. Siya kasi first subject. E hirap na hirap ako bumangon sa umaga. Next time talaga kukuha ako nang magandang schedule. Nakakainis kasi si Faye ang arte e. Ayaw magpang-gabi. Hassle daw

"Namumuro kana talaga kay Sir. Bakit naman yon lagi mo dahilan? Lagi nalang may nagbabanggaan? Siraulo ka." Bumubulong pa sa akin si Faye. Tinulak ko nga. Baka mapansin kami ni Sir. Bingo na talaga ako

Nauna na kasi siya pumasok kanina kasi kung hihintayin niya ako parehas kaming late ngayon. This past few days nakakapagtakang hindi pa ako nananaginip ulit.

Hindi ko alam kung maganda ba yon o hindi kasi parang ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may kulang.

"Miss Fuentes. I hope you are listening. Because it seems like you are already daydreaming back there."

Minsan naiisip ko may galit sa akin tong si Sir Luis e. Lagi nalang ako napagdidiskitahan. Hindi na talaga ako magpapa late.

"Yes, Sir."

"Alright then. Stand up." Tumingin agad ako kay Faye habang tumatayo. Helppp!

"I will tell you the airport name and you are going to tell me it's IATA codes. Domestic area."

Tourism problems. You should know the codes of an airline, places etc. Confident naman ako kasi nagreview ako. Laban lang.

"Calbayog airport."

"CYP."

"Bislig Airport."

"BPH."

"Bacalod Airport."

"BCD Sir."

Tinuloy pa niya ang pagtatanong hanggang sa mag bell na. Magbe bell na talaga kasi 15minutes nalang dismissal na nung pumasok ako.

"Miss Fuentes halika muna dito." Lumapit ako kay Sir sa harap tsaka sinenyasan si Faye na mauna na sa next subject. Kami kasi pumupunta kung saan yung room. Every subject may designated room kaya ganon.

"Aray naman!" Sinimangutan ko lang siya nang kurutin niya ako sa tagiliran. Baklang to!

"Jusko kang bata ka. Papatayin mo ako sa kunsumisyon. Kung hindi lang ako naaawa sayo isusumbong na kita sa mommy mo."

Pinsan ni Sir Luis ang mommy ko kaya siguro hanggang ngayon pinagtitiisan niya ko kahit late lagi.

"Sorry naa. Hindi na mauulit promise po."

Lost in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon