Isang malakas na ingay ang bumabalot sa aking paligid, pilit kong minumulat ang aking mga mata. Ngunit sa oras ng pagmulat ko para bang nagsisisi ako dahil nakita ko siya. Tumayo siya ng matuwid at dahan-dahang lumalapit sa akin.
Gusto ko siyang yakapin, ngunit para bang kinikilabutan ako at natatakot akong titigan siya. Di niya ba ako maalala? Di ko naman sinadyang pabayaan siya. Hinanap ko siya noong mga sandaling iyon. Biglang bumalik ang aking katinuan at napatakbo ako papalayo sa kanya. Ngunit sa aking huling paghakbang bigla akong napahiyaw dahil nahulog ako sa isang bangin na puro bangkay ang laman.
Sa pagtingin ko sa itaas upang humingi ng tulong isinara niya ang butas at sumigaw ako ng sumigaw. Ang dilim, wala akong maaninag na ilaw. Biglang tumunog ang aking telepono at may natanggap akong mensahe. Di ko sana susundin ang binigay niyang panuto, ngunit bigla akong nakaramdam ng kuryusidad at lumingon ako ........
BINABASA MO ANG
Daniel High (Secrets Will Be Revealed)
УжасыA Suspence Story based on Authors Imagination ... Kung ikaw ay may sikreto ? Habang maaga pa sabihin mo na ito. Suriin mong maigi kung sino ang tunay mong kaibigan. Hindi makakatakas ang may kasalanan. At higit sa lahat... Hindi matatapos ang Laro...