Nika's POV
Nakakabagot ng maghintay sa aking mga kaklase. Napagpasiyahan kong lumabas muna at magliwaliw sa buong campus. Ang sosyal ng paaralang ito dahil sa mga nakasabit na Flat Screen TV sa labas ng mga silid-aralan at may sampung announcement bell. Nagulat ako dahil biglang tumunog ito at may nagsasalitang tao.
"Magandang umaga mga estudyante rito sa Daniel High, sana masagutan niyo lahat ng mga katanungan na ibibigay sa inyo ng mga guto niyo upang malaman kung sino ang mga magagaling sa paaralang ito. At kung sino man ang benteng mag-aaral na iyon ay babalik bukas para sa libreng scholarship na galing sa mga matataas na unibersidad. Nawa'y ibahagi niyo na lamang sa ibang kaklase niyo ang aking inanunsiyo. Maraming Salamat!" Bumalik na lamang ako sa silid-aralan dahil hindi ko pa napag-aralan ang ibang leksyon.
Sa aking pagrereview may biglang kumalabit sa aking braso, bigla akong napalingon at nasampal ko ang kaniyang kamay. Bigla siyang napa-aray dahil sa lakas ng pagkasampal ko nito.
"Abugh! Ang sakit non ah! Pasalamat ka besh kita hahaha!" Pagmamaktol ni Dave sa akin.
"Kasalanan ko bang nagulat mo ko? Tss. oh nakapagreview ka na ba sa mga topic natin para sa pagsusulit mamaya?" Tanong ko sa kanya habang nakatuon pa rin ang pansin ko sa librong binabasa ko.
"Kilala mo na ako Nika! Malamang hindi, bahala na kung hindi makapasa. Wala talaga akong kinabukasan sa mga pagsusulit na iyan." Bigla akong napatawa sa kaniyang sinabi.
"Oh bat ka tumatawa?" Tanong ni Dave sakin habang nakapanghalumbaba sa kaniyang mesa.
"Tungeks!! Eh yan naman parating sinasabi mo pag may pagsusulit eh! Magbago kana Dave 2016 na." Pagpapaliwanag ko sa kaniya habang tumatawa pa rin.
"Eh sa wala akong ibang maisip na isasabi eh." Pangangatwiran niya habang nakakunot ang kaniyang mga noo. Natahimik kami ni Dave dahil may inanunsiyo nanaman ang tagapagsalita.
"Magandang umaga ulit mga estudyante ng Daniel High, Kailangan namin ang inyong partisipasiyon. Paparating na ang inyong mga guro upang ibigay sa inyo ang pagsusulit. Yun lamang at maraming salamat." Itinago ko na ang aking mga libro sa bag at nakinig sa panuto ng guro. Ibinigay na ng aming guro ang pagsusulit na aming sasagutan. Ilang minuto ang lumipas nagulat kami sa sigaw ni Clair.
Clair's POV
BINABASA MO ANG
Daniel High (Secrets Will Be Revealed)
HorrorA Suspence Story based on Authors Imagination ... Kung ikaw ay may sikreto ? Habang maaga pa sabihin mo na ito. Suriin mong maigi kung sino ang tunay mong kaibigan. Hindi makakatakas ang may kasalanan. At higit sa lahat... Hindi matatapos ang Laro...