Chapter 11

50 10 2
                                    

Kim's POV Tumunog ang aking alarm clock mga pasado alas tres ng hatinggabi. Naalimpungatan ako at pinatay ko ito. Ini-on ko ang ilaw ng aking kuwarto at kinusot kusot ang aking mga mata. Kinuha ko ang aking telepono at may natanggap akong isang mensahe na nanggaling kay Camille. "Nasa labas ako ng bahay niyo." Napalaki ang aking mga mata sa aking nabasa. Alas tres pa naman bat nandito na siya? Sinilip ko bintana at nakitang nakatayo si Camille sa tapat ng aming bahay. Bigla siyang lumingon sa aking deriksyon at nagtama ang aming mga mata. Ngumisi siya na para bang may balak na masamang gagawin. Kinalibutan ako at tumawag ng pulis. "Cheif. yung bestfriend ko kasi nasa labas ng bahay namin tapos parang may balak siyang gagawin. Paki alis naman po siya please?" Pagpapaliwanag ko kay Chief Danny. "Sige Kim papunta na kami riyan." Sagot naman ni Cheif. "Pakibilisan po, maraming salamat." Pagkatapos kong nagpasalamat binaba ko na ang telepono at sinilip muli si Camille. Bigla siyang nawala sa aking paningin at doon nagsimulang may kumakatok sa aking pintuan. Tumaas ang aking mga balahibo at tumago sa ilalim ng kama ko. Nanginginig na ang aking mga katawan. Nabuksan ang aking kuwarto at nakakarinig ako ng mga yabag na mas nagpakaba sa akin. Tinakpan ko ang aking bibig, nasa harapan ko na ang kaniyang mga paa na puno ng mga dugo. Nakarinig ako ng sirena ng mga pulisya at nakampante ako nun. Naglakad palayo si Camille at napahinga naman ako ng maluwag. Lalabas na sana ako sa ilalim ng may humila ng aking mga paa. "Aaaaaahhhhh!! Tulooooong!!" Pero huli na ang lahat ng tinakpan niya ang aking bibig at nahimatay ako ng dahil sa nerbyos. Naalimpungatan ako ng dahil sa tunog ng mga nalalaglag na bakal. Nagulat ako dahil sa tumambad sa aking harapan. Si James! Yung kapartner ni Camille sa task na ibinigay ni Mrs.Lee. Paano siya napunta rito? Pilit akong kumakawala sa lubid na nakatali sa aking katawan. Lumingon ako sa paligid at makikita mo rito ang mga kagamitan na maaaring ikamatay ng isang tao, gaya ng mga axe, chainsaw, kutsilyo, barena, saw at marami pang iba. Bumukas ang pinto, nakapagtataka bat ako napunta rito? Akala ko si Camille yung dumukot sakin. "Bwahaha. Hindi si Camille ang dumukot sayo Kim. Di mo kasi binabantayan ang sarili mo at itinuon mo ito kay Camille. Siguro naman magiging masaya ako sa pagdukot sayo. Dahil papahirapan kita. Nakita mo ba tong mga galos sa katawan ni James? Mararanasan mo rin ang mga iyan. Sa tamang panahon." Sinira niya ang damit ni James at ipinakita ang mga galos nito sa katawan. Natatakot na ako. Ayoko pang mamatay. Lumapit siya sa mga kagamitan at kinuha ang kutsilyo. Isinaksak niya ito sa kaliwang kamay ni James at napasigaw naman ito sa sakit. Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ni James, para bang tumagos ito sa akin at pati ako nararamdaman ito. "Manuod ka ng maigi Kim." Muli niyang ibinaon ang kutsilyo sa kabilang kamay ni James. Tumalsik ang dugo ni James sa kaniyang katawan. Napangiwi ako, ang sakit sakit nun. Hinubad ng Killer ang lahat ng kasuotan ni James at pinatuwad ito. Kitang kita ko ang maselan na parte ni James kaya pumikit ako. Kumuha ng isang malaking tubo ang killer at lubricant. Pinahirap niya ng lubricant ang pwet ni James at dahan dahang ipinasok ang tubo sa kaloob looban ni James. "Aaaaaaahhhh!!! Ang sakiiiit!!! Tamaaa naaaaa!!" Hiyaw ni James ng dahil sa sakit. Kinuha niyang muli ang martilyo at ipinukpok ito sa bakal upang mas dumiin ito sa loob ni James. "Aaaahhhh! Tamaaa na pleaseee!!" Napaiyak ako hindi ng dahil sa maaaring mangyari sa akin pero sa sakit na nararanasan ni James. Sumisigaw sigaw siya ng dahil sa sakit . Muli pang idiniin ng killer ang tubo hanggang lumabas ito sa bunganga ni James. Para siyang letchon sa posisyon niyang iyon. Muling tumawa ang killer at itinahaya si James. Napasuka ako ng dahil sa aking nakita. "Walang hiyaaaa ka! Ano bang ginawa namin sa iyo para gawin mo ito sa amin?!" Sigaw ko sa kaniya dahil hindi ko na nakayanan ang pangtutorture niya sa mga kakilala ko. "Tama na please!" Tumulo ang aking mga luha at nagmamakaawa ako sa kaniya. "Kasalanan? Marami Kim, at mas lalong marami kang kasalanan sa akin." Lumapit siya sa akin at hinihimas himas ang aking mga pisngi. "Sa katunayan kulang pa nga ang buhay mo eh. Di ka pa sapat. Kaya isasali ko ang mga bestfriend at mga pamilya mo." Ipinakita niya sa akin ang kanilang mga litrato. "Napakawalang hiya mo! Wag na wag mo silang sasaktan!!!" Huling sigaw na sabi ko sa kaniya. Bago siya umalis inilatag niya ang mga litrato sa sahig at may napansin ako. Bat wala rito ang litrato ni ... Camille's POV Maaga akong nagising at napagpasiyahan kong ihatid itong test questionaire ni Kim sa kanilang bahay pero mukha tulog pa siya. Naghintay ako roon ng mga tatlumpung minuto at nakita ko siyang sumisilip sa bintana at ngumisi ako. Lalapit na sana ako pero nakita ko siya! Papasok siya bahay nina Kim kaya nagtago ako at lumayo na roon. Bumalik ako sa bahay at hinahabol ang aking hininga. Humiga ako sa sofa at itinext si Dave na maaaring malagay sa kapahamakan ang buhay ni Kim pero wala akong natanggap na sagot. Bumaba uli ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. "Hi mom." Bati ko kay mommy habang papalapit ito sa akin. Umupo siya sa stool na katabi ko at ngumiti sa akin. Kahit iniwan niya ako noong bata pa ako. Di ko maikakaila na mahal na mahal ko siya, kahit ngayon lang kami nagkasama mahal na mahal ko ang mommy ko. Ininom ko ang tinimpla kong gatas at ngumit din sa aking Mommy. "Mom ikaw po ba magluluto ng almusal mamaya?" Tanong ko sa kaniya. "Oo anak, yung paborito mo yung lulutuin ko." Nang yayakapin ko na sana siya ay bigla siya naglaho. Nanlumo ako, patay na pala ang mommy ko. Nakatakas ang mga luhang matagal ko ng inipon. Patuloy pa rin ito sa pag tagos hindi ko malilimutan ang mga sandaling magkasama kami. Ayokong ibaon sa limot ang mga nangyari at kung sino man ang gumawa noon ay paghihigantihan ko. Walang araw na na hindi ko namimiss ang aking mommy at pagpaplanuhan ko na ang aking paghihiganti ko. Magdurusa kayo dahil hinding hindi ako pipigil. Mariel's POV I'm Mariel Cruise. Kaklase ko sina Dave, Camille, Kim at marami pa. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro dahil mag t-test daw kami. Napansin kong hindi pa rumarating si Kim, nilapitan ko si Camille at tinanong kung nasaan si Kim. "H-hindi ko rin a-alam eh." Pagdadahilan niya, alam kong alam niya kung nasaan si Kim. Nagdududa na talaga ako sa kaniya. Magtatanong na sana ulit ako ng lumapit si Dave papalapit sa amin. "May problema ba rito?" Pag-aalala na tanong ni Dave sa amin. "Ah wala naman Dave, may tinanong lang ako kay Camille." Sabi ko at umalis na sa kinaroroonan nila. Dumating na ang aming propesor at magsisimula na raw ang aming pagsusulit. Napakahirap ng mga tanong at hindi ako makapag-isip dahil nababagabag ako. Tiningnan ko ang upuan ni Kim pero wala pa rin siya. Alam ko na, susundan ko mamaya kung saan pupunta si Camille at baka roon niya inilagay si Kim. Tumunog na ang bell ang dali dali kong iniligpit ang aking mga gamit. Nagpaalam na si Camille kay Dave dahil may pupuntahan pa raw ito. "Tsk, I knew it." Sabi ko sa aking sarili at sinundan ito kung saan siya nagpunta. Sumakay ako ng taxi at pinasundan si Camille kung saan man siya magpunta. Pero ang ikinabigla ko ay ang paghinto ng kaniyang sasakyan sa tapat ng Mall. "Tokneng. So mali ang hula ko?" "Anong hula po ma'am?" Tanong naman ni manong driver. "Ah wala po manong, balik nalang po tayo sa school may nakalimutan pa po pala ako." Palusot ko sa tsuper at pinaandar niya na ang taxi pabalik sa Unibersidad. Pagkarating namin binayaran ko ang dapat bayaran at bumaba na sa taxi. Tumakbo ako papunta sa bahay nila Kim at nag doorbell. Pero walang lumabas para pagbuksan ako. Nanlumo ako at dahan dahang naglakad pauwi dahil medyo madilim na ang paligid. Nakaramdam ako ng takot ng may tumatawag ng aking pangalan. Inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid at hinahanap kung sino ang tumatawag sa aking pangalan. Lumapit ako sa may halaman at may nakita akong kuting, kinuha ko ito at niyakap ko. Ngunit sa aking paglingon, may sumakal sa akin na ikinawala ng aking malay. Nagising ako ng dahil sa ingay, isang pamilyar na boses. "Kim!" Sambit ko at lumingon siya sa direksyon ko. "Hmmmmpp!!" Tanging sabi niya dahil may busal siya sa bibig. Pumalag ako ng may naglagay ng duct tape sa aking bibig. Napahiyaw ako ng dahil sa sakit, para bang dumidikit ang aking balat sa tape. Inilatag ng killer ang mga kagamitan sa sahig, sa gitna namin. Binigyan niya kami ng direksyon kung papaano lalaruin ang laro. "Kailangan may mamamatay na isa sa inyo at ang isa ay makakaligtas. Maaari niyo lamang gamitin ang kagamitan na nakalatag sa sahig. Paunahan kung sino ang bibigay, siya ang talo. Kaya simulan na natin ang laro." Pinakawalan niya kami at lumabas na siya sa naturang kuwarto. Kinandado niya ito at kumuha ako ng martilyo. "I'm so sorry Mariel, I have to do this." Maiyak-iyak na sabi ni Kim. Hinding hindi ako magpapatalo. Ipinukpok ko sa kaniyang kamay ang martilyo, napa-aray siya sa sakit at bumawi. Kinuha niya ang axe at dumaplis ito sa aking hita. Napasigaw ako sa sakit. Pinatigil kami ng Killer at wala na raw na gamit ang dapat gamitin. Kaya sinugod niya ako at sinakal ako ng sinakal. Pilit kong inaalis ang kaniyang kamay at sinusuntok siya sa kaniyang tagiliran. Napahiga siya at tumayo naman ako para sakalin siya, pero huli na ang lahat ng ibinaon niya ang kutsilyo sa aking tiyan. Napahiyaw ako at napahawak sa aking tiyan. Napahiga ako sa tabi niya at lumabas ang mga luhang dati ko pang gustong ilabas. "Mahal na m-mahal k-kita, k-kapatid." At dumilim na ang aking paningin.

Daniel High (Secrets Will Be Revealed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon