Chapter 13
Kim's POV
Ngayong araw na ang uwi ko sa amin, ayoko namang mag-alala ang mga magulang ko. At marami pa akong dapat na malaman, isa na roon ay ang tungkol kay Mariel. Nagpaalam na ako kina Nanay Ver at Miguel, niyakap ko silang dalawa at aba ang mokong ang laki ng ngiti sa labi. Tsk tsk.
"Paalam po! De bale. Dadalaw po ako rito sa mga susunod na araw." Huli kong sabi at sumakay na sa kotseng pinadala ni Daddy para sunduin ako.
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ng mga yakap at halik ng aking mga magulang. Ewan ko ba parang wala lang sila sa akin dahil gusto kong malaman ang tungkol kay Mariel, ngunit ayokong magpadalos dalos.
"Anak, miss na miss na kita. Bat ka ba napadpad sa lugar na iyon?" Tanong ni Mommy sa akin.
"Ah, wala po mommy. Yung mga kaklase ko kasi iniwan ako roon buti nalang may mabait na Ale ang tumulong sa akin." Pagkukunwari ko.
"Sige po, akyat na po ako." Muli akong humalik sa pisngi nila at umakyat na papuntang kuwarto.
"Bukas na bukas, magugulat kayong lahat."
Dave's POV
Maaga akong nagising dahil sa huni ng mga ibon. Iniligpit ko na ang aking pinaghigaan at mabilis na nagayos ng sarili. Pagkatapos kung kumain ay naligo na ako at nagsuot ng uniporme. Masyado pa atang maaga para maglakad ng mag-isa sa daan. Hindi ko na lamang ininda ang takot ko at lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad papuntang paaralan.
Nakita ko si Camille at Philip na nag-uusap ng masinsinan, hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Pero parang may kakaibang nangyayari ngayon sa paligid.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa unibersidad ay isang balita ang mabilisang kumalat sa buong campus.
"Diba siya yung babaeng matagal ng hindi pumapasok? Bakit pinabalik pa yan dito?" Girl 1
"Oo nga girl eh, pasalamat siya mayaman pamilya nila. Kung hindi, nakuuu! Kanina ko pa yan sinabunutan" Girl 2
Dinedma ko na lang ito dahil wala naman akong kaalam alam kung sino ang tinutukoy nila. Pumasok na ako sa aming silid-aralan. As usual walang pinagbago, tahimik pa rin ito, maraming upuan ang bakante dahil sa mga namatay na kaklase namin. Nagsimula ng magdiscuss si Ma'am tungkol sa buhay ng tao. Alam kong hiram lamang natin ito, at walang makakapigil kung kailan ang itinakdang araw kung kailan natin ito isasauli. Masyado silang concentrate at hindi nila napansin ang pagpasok ni Kim. Napanganga ako.
S-si K-kim? Lumingon ako sa likuran kung saan siya umupo at hindi nga ako nagkakamali. Si Kim nga, pero papaano? Paano siya nakabalik kung saan sa malayong lugar ko siya itinapon? Napakunot ang aking noo. Kailangan ko siyang mapatay bago pa lumala ang lahat. Dahil alam kong may balak siyang masama at gusto niyang patayin lahat ng taong gusto niyang patayin dahil inialay niya na ang kaniyang kaluluwa sa demonyo.
Buong klase akong tulala dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bumalik na siya at kailangan ko siyang pigilan sa mga binabalak niya. I should really stop her before everyone dies.
Nika's POV
"Ganyan niyo ba talaga iwelcome ang inyong bisita?" Napalingon kaming lahat at nakitang nakatayo si Kim sa likuran. Napalaki ang aking mga mata at nilapitan siya.
"Oh my, Kim !!! I miss you!" I hugged her. Miss na miss ko na talaga siya. Nag buntong hininga lang siya at inialis ang nakayakap kong mga kamay sa kaniyang bewang.
"Wag ka ng mag maang maangan pa Nika." Napaupo ako dahil sa lakas ng kaniyang pagkakatulak.
"Aminin mo ng ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito. Ikaw ang pumapatay sa mga kaklase at schoolmates natin!"
"Ano? Hindi mo ba naririnig ang mga pinagsasabi mo Kim? Nahihibang ka na ba?" Pagpoprotesta ni Dave.
Tinulungan ako ng mga kaklase namin sa aking pagtayo. Naguguluhan pa rin ako, bat ako ang pinaparatangan ni Kim?
"You killed her! Ikaw ang may pakana ng larong ito! Ikaw ang pumatay kay James right? At ikaw din ang nagsagawa ng rules sa paglalabanan namin ni Mariel." Lumapit siya sa akin at pinunit ang pag itaas kong uniporme. Tinakpan ko ang aking katawan sa ginawa ni Kim. Pilit niyang inalis ang aking kamay at tinuro niya ang tattoo kong may simbulong tatlong maliliit na bilog na nakapormang tatsulok. Mabilis akong tumayo at tumakbo habang tinatakpan ang hubad kong katawa.
"Hinding hindi ka makakatakas sa kamay ni kamatayan Nika. Humanda ka!" Huli kong narinig bago ako nagpakalayo sa silid na iyon. Hindi maaari, ayokong mabunyag ang tinatago kong sikrero, ang aming malaking sikreto. Dahil sa oras na malalaman ito ng nakararami ay tuluyan ng magsisimula ang laro. Ang laro na hindi dapat masimulan.
Kim's POV
Napahalakhak ako sa aking ginawa. Naiwang tulala ang aking mga kaklase, lilisanin ko na sana ang silid ng pinigilan ako ni Dave. Lumapit siya sa akin at kaagarang nagtanong.
"Pano mo yun n-nalaman K-kim?" Bulol bulol niyang tanong.
"Kasi alam ko, walang dapat pagkatiwalaan sa sitwasyon ito Dave, dahil sa oras na nagtiwala ka sa ibang tao. Talo ka!" Dahan dahan akong naglalakad paalis, ngunit napahinto ako sa huling sinabi ni Dave.
"Yun na nga eh, kaya kita pinatapon sa ibang lugar." Napangisi ako sa kaniyang sinabi. Masyado kang palaban Dave, tingnan natin kung hanggang saan yang tapang mo.
Pumunta ako sa banyo at naghilamos ng mukha, nakita ko siyang lumabas sa isa sa mga cubicle at tumabi sa akin.
"Good Job Kim, ngayon masisimulan na natin ang pag gunaw ng kanilang mundo." Napangisi ako, tama lang na kinampihan ko siya at sa ganoong paraan ako makakahiganti sa kanila. Sa mga tinuring kong kaibigan.
Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na ng banyo. Napagpasiyahan kong pumunta sa kantina at bumili ng pagkain at maiinom. Sigurado akong gutom na siya, isang linggo na siyang hindi kumakain.
Kritikal na ang kaniyang kalagayan pero nagiging matatag pa rin siya dahil may kailangan pa siyang wakasan. At yun ay ang patayin ang lahat ng nakakaalam sa sikreto niya.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay dumiretcho na ako sa sikreto naming bahay upang pakainin ang taong nagpapalito ng aking buhay. Pilit niya akong kinukumbinsing maghiganti ako sa mga taong nasa aking paligid. At siya lang daw dapat ang aking pagkatiwalaan.
"Kumain kana at tuturuan mo pa ako sa mga susunod na hakbang na dapat kong gawin." Pagkatapos ko iyong sinabi ay nilantakan niya na ang kaniyang pagkain.
Iniligpit ko na ang pinagkainan ng aking tuta at tumabi sa kaniya.
"Ngayon, ano ba ang susunod na aking gagawin?" Kati kong tanong sa kaniya dahil ayaw ko na itong patagalin pa.
"Para makamit ang hustisya, kailangan mong magsimula sa dati."
"Magsimula sa dati? Anong ibig sabihin nun?" Pagkalito kong tanong sa kaniya.
"Magsimula sa dati, kung paano namatay lahat ng kaibigan at kaklase niyo." Bahagya siyang napangisi na ikinunot naman ng noo ko.
"Magsimula sa dati? Kung paano namatay ang aming mga kaklase? Papaano? Masyadong nakakalito ang palaisipang ito. At ang tanging paraan upang maintindihan ito ay ang pag-uulit sa mga sitwasyon noon." Sabi ko sa sarili ko.
"Aaaaahhh!!? Ugghhh?!" Sigaw ni Mr.Ram na ikinagulat ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya habang natataranta sa takot. Tinawagan ko ang aking personal doctor pero huli na ang lahat.
"Mr.Ram! Gumising po kayo!!!" Sigaw ko habang tinatapik ang kaniyang pisngi. Muli kong pinakiramdaman ang kaniyang leeg ngunit wala na itong pulso.
Siguro nga ako ang dapat magtapos ng lahat ng ito. At ng dahil sa tulong ni Mr.Ram ay unti-unti kong naiintindihan ang mga katagang iyon.
"Para makamit ang hustisya, kailangan mong magsimula sa dati."
---
Kyaaah. Naka update rin. Sorry kung yan lang, aym not yet ready pa kasi Hahaha. Sorry po sa delay.
BINABASA MO ANG
Daniel High (Secrets Will Be Revealed)
HorrorA Suspence Story based on Authors Imagination ... Kung ikaw ay may sikreto ? Habang maaga pa sabihin mo na ito. Suriin mong maigi kung sino ang tunay mong kaibigan. Hindi makakatakas ang may kasalanan. At higit sa lahat... Hindi matatapos ang Laro...