Wanting You

59.1K 2.2K 374
                                    

dedication:

To Wattpad account breadoflife




Mindy's Point of View


Nanatili lamang akong nakayuko habang pinapakinggan ang paglilitanya ng nanay ni Adam.  Hindi ko alam kung bakit..


Kung bakit andito ako.  Its been more than a week at handa na ako na hindi na bumalik pa.  Pero pagtapak ko ng Maynila, dito ako unang dinala ng mga paa ko.  Kung nasaan siya.


Istupida ka, Mindy.


"Naghahanap na kami ng kapalit mo!"


Napakurap ako.  Agad na nag angat ako ng mukha at tila maiiyak na napatingin sa matandang babae na noon ay halatang naiirita na hindi ako bumalik sa pinag usapan namin na araw.  


"M-Maam.  Pasensya na po talaga.  Pero parang awa nyo na ho, w-wala na ho kasi akong ibang mapupuntahan."


At totoo yon.  Oras na hindi na ako tanggapin dito hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta.  Iisa na lamang ang natitira kong solusyon.  Ang umalis ng bansa.


"Naisip mo ba yan nang hindi ka man lamang tumawag?  Aba---."


"Ma, let me handle this.  Leave us."  Ang seryosong sabi ni Adam.  Nakaupo lamang ito sa bandang dulo ng study kung saan nasa likod nito ang magandang babae na halatang na curious kung sino ako.


Bakit hindi siya ma curious, pinahinto ni Adam ang ginagawang pag i-interview ng Mama nito sa isang aplikante kanina nang dumating ako.


Nakita ko na natigilan ang Mama nito maging ang babae.  Ilang saglit na napatitig ito sa akin na tila ba sinusukat kung ano o sino ako kay Adam bago ngumiti sa matandang babae.  "Let's go, Tita.  I'm sure Adam can handle this."


Who is she?  My mind kept asking mula kanina nang makita ko silang masayang nagtatawanan sa salas.  And what I felt was something so unfamiliar to me.


Selos.


But even how hard I try to conceal it, alam ko na nagseselos ako.  Dahil ang babaeng nakikita ng mga mata ko na masayang kausap ni Adam ay kabaligtaran ko.  Ito ang babaeng nararapat sa isang kagaya ni Adam.


Disente.  Edukada.  At mukhang galing sa buena familia.  


At mahal si Adam.  I smiled bitterly.  But I saw it.  She cares for Adam.  She loves him.


Alam ko.  Dahil iyon ang nararamdaman ko para sa kanya.


Diskumpiyado man ay nagpahinuhod na rin ang matandang babae.  Nang sa wakas ay maiwan kaming dalawa sa loob ng study room, pakiramdam ko higit na kaba ang nararamdaman ko ngayon.

The Blind Casanova Book 2 (2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon