Dedication:
Jessica Tejada for making the book cover of The Blind Casanova 2.
Mindy's Point of View
"Tano ta kaipuhan ka pang digdihan ni Governor? Igwa kang sala?" Ang madiin at seryosong tanong ng Papang sa akin. Tinatanong niya ako kung may atraso ako dito para hanapin at puntahan pa ako ni Governor sa bahay. Pakiramdam ko gumigiti ang pawis sa noo ko sa klase ng pagkukwestiyon ng Papang sa akin.
"D-Dai tabi, Papang. Baka ho nangungumusta lamang." Pagkakaila ko sa tanong nito. Mas gugustuhin ko pa sa pulis na lamang ako nagpapaliwanag kesa sa aking ama. Daig pa na nasa ilalim ako ng isang microscope sa klase ng tingin nito.
Napatingin naman ako kay Mamang na tila nagpapasaklolo. Nakahalukipkip lamang ito na nakatayo sa likod ng Papang. Nasa mukha nito ang pag-aalala. Maging si Ate Clara na noon ay lumabas mula sa aming kusina. Kalong nito ang 3 taon kong pamangkin na si Clyde.
"Governor na kinukumusta ang sarong empleyado, Samantha? Huwag mo kaming paikutin." Galit na sabi ni Ate Clara.
Naningkit ang mga mata ko. "Kung ayaw mong maniwala Ate, hindi kita pinipilit."
"Samantha!" Ang matigas na boses ng Papang. I gritted my teeth trying not to lose any patience. At hindi ko gugustuhin na magsagutan kami ng Ate sa harap ng Papang.
Pilit na kinakalma ko ang sarili na diretsong tiningnan ang Papang. "May trabaho ho ako sa Maynila, Papang. Mula't sapul alam nyo naman na ayoko na dito magtrabaho. Kaya nga ho doon ako nag-aral."
Lalo lamang napatiim ang labi ng Papang. "Tagas kang payo mo, Samantha. Pinagbigyan kita na sa Maynila ka mag-aral dahil na rin sa pakiusap ng Mamang mo. Pero anong nangyari? Dai ka pasado sa exam."
Pakiramdam ko sinampal ako magkabila ng Papang sa sinabi niya. I felt my cheeks burned and embarrassment overwhelmed me as I looked at him. Nakita ko na bahagyang hinawakan ng Mamang ang likod ng Papang. Hindi rin nito siguro akalain na masasabi iyon ng Papang sa akin.
I tried to hold back my tears as I stared at him pagkuwa'y mapait na napangiti at napailing. "I tried my best, Papang. I tried to meet your expectation. I really did." Sabi ko sa mapait na tinig bago tumayo at nag diretso sa aking kwarto. Hindi ko na napigilan ang luha.
"Samantha!"
Hindi ko na pinansin ang pagtawag ng Mamang sa akin.
***
Pilit na pinapahid ko ang luha ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking kwarto. May ikalawang palapag ang may kalumaan na rin na bahay namin. Pinaayos namin ang baba lalo na sa parte ng kusina. Nagpa tiles na rin ako bago pa ako umalis sa amin. Sa itaas ay tatlong kwarto. Ang kwarto ko at ang kwarto nina Mamang. Kay Ate Clara yung isa. Pero dahil may asawa na si Ate Clara nabakante na ang kwarto na iyon. Pero pinanatili pa rin nilang malinis araw araw kahit walang nag o okupa.

BINABASA MO ANG
The Blind Casanova Book 2 (2017)
Narrativa generaleWhen Mindy felt that she was in love with the blind casanova, Adam, all she wanted was to run away from him and forget her idiotic principle of helping him until he gets back his vision. If she could endure before his treatment to her, its because...