Dedication:
Elite/VIP members
Members of Society of ML
Mindy's Point of View
"Hindi ka ba papasok?" Takang sabi ni Ate Clara nang mapasukan ako na nakahiga pa sa kama. Agad na pinahid ko ang mga luha.
"Ma-Masakit ang ulo ko, Ate. Nagpasabi na ako kina Mariz," abi ko sa paos na boses na hindi ko na maitago pa sanhi ng pag-iyak.
Narinig ko na napabuntonghininga si Ate Clara. Naramdaman ko na lumundo ang kama sa likod ko kasabay nang paghaplos niya sa likod ko. Tila lalo pang bumalong ang mga luha.
"Bakit hindi kayo mag-usap ni Adam? Hindi ako naniniwala na umayaw lamang siya dahil hindi pa siya handang magpakasal. Hindi ganoon ang impresyon namin sa nararamdaman niya para sa 'yo kahit ilang araw lamang siyang narito sa bahay. Ano ba talagang nangyari?"
Napahikbi na lamang ako nang hindi ko na mapigilan ang emosyon. Sa paunti-unting pagkukwento ay nasabi ko lahat kung bakit umalis si Adam. Galit na galit ang Papang nang marinig ko silang nag-uusap noon nakaraan Linggo. Pero nanatiling magalang si Adam at paulit-ulit na humingi ng tawad sa aking mga magulang. I wanted to tell him to give me time but I guess I have hurt him so bad already that any word from me would never erase the reality that I have shown him that I was not the same Mindy he used to know.
Ilang saglit bago nagsalita si Ate Clara. "Kung hindi mo na siya mahal siguro nga hayaan mo na lamang ang lahat at lilipas din 'yan. Makakakita ka ng lalaki na mamahalin mo uli. 'Yon handa mong pagkatiwalaan kahit ilang beses pa siyang magkamali o kung ilang beses ka pa niyang masaktan. Ganoon din siya. Huwag kang ma-guilty kung nasaktan mo siya ngayon. Ngayon lamang 'yon. Makakahanap din siya ng totoong babae na mamahalin niya uli. Higit pa sa kung anong pagmamahal na naramdaman niya sa kahit na sinong babae," she said gently.
I looked at her. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko sa sinabi niya. Siya at ako kasama ng iba. Na magiging masaya kami balang araw na kasama ang mga tao na mahal namin. Na siyang pinili namin na makasama habambuhay. I felt my mouth quivered.
No. Higit na bumalong ang mga luha kasabay ng sakit na hindi ko pa naramdaman. It was tearing me apart that I wanted to scream to let it out.
I saw Ate Clara stood up and smiled at me gently. "Sabihin mo na sa kanya na mahal mo siya para ang Papang ay hindi tuluyang isumpa ang magiging manugang niya," she laughed and left.
Natutulalang napatingin lamang ako sa pintuan na marahang isinarado ni Ate.
HINDI ko alam kung ilang beses na nag-urong sulong ang daliri ko na pindutin ang doorbell sa may gate ng pintuan ng bahay ni Adam. My hands were sweating. After I went to Michael's hotel and said my goodbye to him, I have stayed with my cousin and spent the night with them, trying to gather all the courage to speak to Adam. Parang gusto kong pagalitan ang sarili na natatakot ako na habulin si Adam at sabihin dito na hindi ko kaya na mawala siya. I wanted to blame myself for being a 'girl' who were having second thoughts, where in fact there was no one else who occupied my thoughts and my heart maliban sa kanya. My plan was to stay for two days before I speak to him but it's been two days already and I couldn't find the courage that I need. Then Michael told me he was still in Sta. Inez and also told me he was due to fly to Cebu before he would leave for Australia for his training. I panicked that he decided to leave without any word. But it was all my damned fault. He had given me all the assurance that he loved me and yet I turned him down. I didn't wait for another hour and travel to Sta. Inez.
BINABASA MO ANG
The Blind Casanova Book 2 (2017)
Fiksi UmumWhen Mindy felt that she was in love with the blind casanova, Adam, all she wanted was to run away from him and forget her idiotic principle of helping him until he gets back his vision. If she could endure before his treatment to her, its because...
