Chapter 1: Think

19 2 2
                                    

Ang tao kapag nasaktan yan, pipilitin at pipilitin niyang magbago. Handa siyang kalimutan ang lahat ng nangyari.

Ang lahat ng sakit at hirap na nangyari sa buhay niya ay, gagamitin niya ang mga iyon bilang basehan para makapag move-on siya.

Pero, kahit papaano mo tignan ang pagbabago sa isang tao. May makikita at makikita kang kahinaan niya na tuluyan na magpapalambot sa kanyang puso.


January 19, 2016

Franz POV

Ang mga nangyari sa amin sa coffee shop, siya ay akin ngayo'y patuloy na iniisip, dinadamdam at patuloy na pinaiiyak ang aking puso.

Kahit pagod na ang mga mata ko, pakiramdam ko naubos na ang mga tubig sa mata ko pero patuloy pa din tumutulo ang mga luha.

Masakit? Oo sobra. Bakit kaya hindi niya agad sinabi sa akin. Alam ko nahihirapan din siya, pero ako itong umaasa. Wala man akong ka-alam alam na meron na pala siyang....

Meron na siyang iba. Oo franz, meron na siyang iba tanggapin mo na.

(Tumutulo na naman ang mga luha niya)

Ito na naman, umiiyak na naman ako. Parang ang tanga ko na lang. Umi-iyak pa din ako.

Bakit dati, parang ang bilis ng takbo ng oras. Ngayon kahit gaano ko gusto kalimutan agad ay napaka-bagal ng takbo ng oras.

Totoo din pala yung sinasabi nila na, "May mga bagay na dapat hindi natin mina-madali."

At yung,

"May mga bagay na oras na nabitawan mo na, hindi na kailan man pang mababawi pa."

What does it really takes to move on?

Paano nga ba.

Franz, tama na. Itulog muna lang muna. Tanggapin na lang natin tuluyan ng hindi na mababawi pa.

End Of Franz POV

Franz: (Habang Kausap ang Sarili) Magpatugtog na nga lang muna ako, para makapagpagaan ng loob. Pero random, bawal ang pili.

N/P : Di Na Mababawi Pa
Spongecola

Ngayo'y akin inu-unawang pilit,
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit,

Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang ang aking ini-intindi.

Nakatanim pa sa aking ala-ala pangako mong mananatili ka,

Kaya paglisan mo naiwan ang puso ko na ngayo'y bitin na bitin.

Di Mo Na Mababawi iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo,

Hindi ba ikaw na din ang nagpasya, nagtakda at unang umiwas,

Bakit nga ba ako iyong pina-asa....

_______________________________________

Shaira POV

The ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon